CHAPTER 65: HER NAME

13 2 0
                                    

DARIUS' POV

Maaga akong nagising para maipagluto ng almusal ang asawa ko, at matapos ay dumiretso ako sa likod bahay para diligan ang mga halaman namin bago pumitas ng ilang bulaklak para ibigay sa kaniya.

Maingat akong umakyat sa hagdan bago pumasok sa loob ng kuwarto naming mag-asawa. "Hun..." ani ko bago maingat na lapitan ang asawa ko at gisingin na ito.

"Hun, good morning" napangiti naman ako nang idilat nito ang mga mata bago ako ngitian. "Almusal na tayo?" tumango ito at tinulungan ko na siyang tumayo bago ibigay sa kaniya ang bulaklak na pinitas ko.

"Salamat..." aniya bago hawakan ang kamay ko at sabay kaming bumaba para mag-almusal.

"Kelan tayo bibili ng regalo para kay Shin?" tanong ng asawa ko. "Sabay tayo kay Mavise"

Kinuha ko ang gamot nito bago ibigay sa kaniya. "Sure, basta sandali lang tayo. Hindi na masyadong kinakaya ng katawan mo ang magtagal sa labas" sabi ko at pinalo naman nito ang braso ko habang natawa ako.

"Tingnan mo ko, nakakapasok pa din kami ni Lerwick sa prisinto" proud kong sabi dahil kahit na matanda na kami nina Lerwick ay mga active pa din kami sa pagsisilbi.

Maya-maya pa ay sinundo kami ni Lia at Mavise para makabili na kami ng regalo para kay Shin. "Kamusta ang anak mo, Lia?" tanong ng asawa ko dito habang hawak-hawak ang kamay ng apo namin.

"Okay naman po, Lala. Malulusog din ang mga anak nila" sagot nito na ikinangiti ng asawa ko bago hawakan ang kamay ni Mavise.

"Eh ikaw? Inaalagaan ka naman ba ng asawa mo?" tanong nito.

"Naku!" ani Lia na ikinatawa namin. "Lagi ngang nakabuntot sa kaniya si Daddy" sagot nito na ikinatuwa namin.

"Sabi nga namin nina Kuya, magbakasyon silang dalawa ayaw naman ni Mommy" pagsusumbong nito.

"Lumabas-labas din kayong mag-asawa, Mavise" payo nito at hininto naman ni Mavise ang sasakyan bago kami alalayan na lumabas at pumasok sa loob ng mall.

"Eh teka! Sino bang pupunta sa birthday ng apo ko?" tanong nito kay Mavise. "Nanduon ba ang mga kaibigan niya? Pupunta naman sila hindi ba?" napailing naman ako dahil hanggang ngayon ay ganito pa din ito.

"I think he won't be inviting friends over, tayo-tayo lang ata" sagot ni Mavise habang natingin sa mga puwedeng iregalo kay Shin.

"Pupunta din ang girlfriend ni Dave" sabi ni Lia kaya napatingin kami dito.

"Ohhhh!" masayang ani ng asawa ko. "May girlfriend na ang apo ko" pumalakpak pa ito bago tapikin ang pisngi ni Mavise.

"Mukhang maaabutan ko pa ang apo ko sa kaniya" sabi nito at natawa naman si Mavise at Lia.

"Maganda ito ha" sabi ng asawa ko sa relo na nakita. "Bagay sayo, Rius" pagtapos nito na muling nagpatawa kay Mavise at Lia.

"Bilhin natin ito tsaka yung isang yun" pagturo nito at agad kaming inasikaso nung sales lady.

Nang makauwi kami ng bahay ay asawa ko na mismo ang nagsuot sa'kin nung relo na sa tingin niya ay bagay sa'kin. "I don't deserve such gift" sabi ko habang pinagmamasdan ang relo bago tingnan ang asawa ko.

"Nonsense" sagot nito bago ako ngitian. "There's no such gift that you don't deserve" hinalikan ko ito sa labi bago haplusin ang buhok nito.

"Thank you" ani ko bago siya yakapin.

Makalipas ang ilang linggo ay nasa bahay na kami ngayon nina Halia para i-celebrate ang birthday ni Shin.

"Ma, okay lang kami ni Neo" sagot ni Marx dito. "Eh nagsumbong sa'kin, inaway mo daw" sabi nito at inalalayan ko naman ito papasok sa likod bahay nina Halia.

Love Series #3: Je t'aimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon