CHAPTER 37: SANTIAGO FAMILY

9 1 0
                                    

RASHIDA'S POV

"Hindi mo naman na kailangan pumunta dun, puwede tayong bumili na lang ng mga bagong damit niyo" sabi ni Darius habang nagbibihis ako dahil pupunta ako ngayon sa bahay namin ni Shan.

"Hindi naman mga damit ang kukunin ko, Love" sagot ko bago siya tingnan habang nagsusuot ako ng pantalon. "Yung urn ni Shun ang kukunin ko tsaka yung mga photo album at documents namin ni Shin"

"Yun lang naman ang importanteng nandun" sabi ko bago siya lapitan.

"Sasamahan kita" sabi niya bago ako pinatalikod at siya na mismo ang nag-hook sa bra ko.

Hinarap ko siyang muli bago ilagay ang mga kamay ko sa balikat nito at hinawakan naman niya ang beywang ko. "Kaya ko na to, tsaka hindi ka na dapat mag-alala-"

"After what that motherfucker did to you sasabihin mo pa din sa'kin na hindi ako dapat mag-alala?" tanong niya.

"Fine, samahan mo ko. Pero hindi ka sasama sa loob, baka magkagulo pa lalo kung magkita kayo" sagot ko at tumango naman ito bago halikan ang labi ko.

"Darius..." ani ko nang gumapang ang kamay nito pataas sa likod ko at tanggalin ang kinabit niyang hook ng bra ko. "Susunduin pa natin si Shun, mamaya na pag-uwi" sabi ko bago muling ikabit ang hook ng bra ko at ngumiti naman ito bago ako muling halikan at patapusin na kong magbihis.

Maya-maya pa ay narating na namin ang bahay ni Shan at pumasok na ako sa loob kung saan naabutan ko ang mga nakakalat na bote ng alak at magulong sala. Napailing na lang ako bago puntahan ang opisina ko at kunin duon ang urn ng anak namin ni Darius at ang mga photo album ni Shin ganun na din ang mga mahahalagang documents na nanduon.

Nilapag ko na muna ito sa lamesa ko bago pumunta sa pinaka-kuwarto namin para kunin ang mga baby clothes ni Shin at iba pa nitong gamit. "Ida..." natigil naman ako sa pag-iimpake nang marinig ang tinig na iyon.

Hindi ko na nilingon si Shan at nagpatuloy na lang sa pag-iimpake. "Wag mo kong iwan, please!" pagmamakaawa niya habang nakayakap sa'kin mula sa likod.

"Ano ba Shan!? Bitawan mo ko!" sigaw ko dito pero mas humigpit lang ang pagkakayakap nito sa'kin.

"Magiging mabuti na kong asawa at ama, please lang Ida. Wag niyo kong iwan ni Shin" pagmamakaawa pa nito at inapakan ko naman ang paa nito bago siya itulak palayo sa'kin.

Nilingon ko ang bulto nito na mukhang ilang linggo nang walang ayos at amoy na amoy din dito ang alak. "Patatawarin kita sa panlalalaki mo-" agad na naglandas ang kamay ko sa pisngi niya dahil sa sinabi nito.

"Nahuli kayo ni Julia na magkasama sa bahay—sa bahay pa natin Ida! Patatawarin kita. Wag mo lang akong iwan-"

"Nahihibang ka na!" sigaw ko bago tapusin ang pag-iimpake ko.

"Ano ba!?" sigaw ko nang ihagis niya palayo ang bag kung nasaan ang mga laruan at damit ng anak ko.

"Shan!" sigaw ko nang ihiga ako nito sa kama at nagpupumiglas naman ako habang sinusubukan nitong ibuka ang binti ko.

"Ah!" sigaw ko sa gulat nang bigla na lang itong bumagsak sa sahig at napatingin ako sa tao sa harap ko at nakita si Darius na may hawak-hawak na basag ng bote ng alak.

"Halika na, he'll be fine" sabi nito at tumango naman ako bago kinuha ang bag at dumiretso sa opisina ko para kunin si Shun at mga photo album ni Shin tsaka kami nagtungo palabas at paalis sa bahay.

Nang makauwi kami ay inayos ko na ang mga gamit ng anak ko sa bago naming bahay na malapit lang kena Mama. "Uy! Small chili peppers" komento ni Tita Ji-eun habang tinitingnan nila ang mga baby pictures ni Shin. "Manang-mana sa Lolo" natatawa nitong pangangasar sa asawa.

Love Series #3: Je t'aimeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin