CHAPTER 55: YARA

13 2 0
                                    

RASHIDA'S POV

"Oh!" ani ko nang bumungad sa'kin ang madaming basket ng carnation sa opisina ko sa bahay.

Bumaba ako at hinanap ang asawa ko. "What's with the flowers?" tanong ko nang matagpuan ito sa kusina.

"Hindi yan galing sa'kin" sagot niya bago iabot sa'kin ang tsaa na ginawa niya. "Huh?" tanong ko bago lumabas sa kusina at muling umakyat sa taas.

Napahinto ako sa tapat ng kuwarto ni Mavise nang makitang madami ding bulaklak dito, Orchid ang mga iyon which is ang paboritong bulaklak ni Mavise. "Shin..." ani ko nang marinig ang boses nito sa altar room.

Napangiti naman ako nang makita itong ilapag ang mukhang huling basket ng tulips sa altar ng mga kapatid. "See Mina, I told you Kuya will buy you a lot of your favorite flowers when I grow up" sabi nito at hindi ko naman maiwasan ang maiyak sa narinig ko.

"Binilhan ko din si Mama tsaka si Mavise" dagdag niya. "Wag kang mag-alala kayo pa lang ang binibigyan ko, wala pa si Wendy" bahagya itong natawa bago lapitan ang urn ng kapatid at yakapin ito.

Nang mapalingon ito ay umayos ako nang tayo at pinunasan ang luha ko. "Mama..." aniya bago ako lapitan at yakapin. "I fulfilled my promise" sabi nito at naluluha akong tumango.

"Inipon ko allowance ko mula last year para mabili lahat nang to" dagdag niya at hinigpitan ko naman ang pagkakayakap dito.

"Thank you, anak..." tiningnan ako nito bago punasan ang luha sa pisngi tsaka halikan ang noo ko.

Makalipas ang ilang buwan ay masaya kaming pumunta sa graduation ng mga binata ko at recognition naman para kay Mavise. "Congrats" ani ko matapos maisuot sa bunso ko ang medal nito at ganun din sa mga binata ko. Ako ang umakyat kasama nila ngayon at bukas sa awarding na extracurricular ay si Rius naman.

Nauna kaming lumabas na mga magulang at agad akong napangiti nang makita si Mavise. "Mavise!" sigaw ko at napangiti ito nang makita ako, napalingon naman ako nang makitang napatingin siya duon at nakita ang grandparents ni Wendy.

"Mav-" nangunot ang noo ko nang lagpasan ako nito at dumiretso sa grandparents ni Wendy.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Rius. "Nilampasan ako ni Mavise, nagtatampo ba sa'kin yung bata?" tanong ko at napatingin naman si Rius kung nasaan si Mavise.

"Hindi ko rin alam, siguro dahil minsan lang din naman niya makita sina Lola Ava" sagot nito at hindi ko naman maiwasan ang malungkot dahil sa nangyari.

"Hey, cheer up" ani Rius habang pinagmamasdan ko ang nakangiting bulto ni Mavise habang kinukuhanan ng picture ni Lolo Benjamin. "Look at her, she's happy. And she's at the age na mas gustong nakikipaghalubilo sa mga peers niya"

"I'm aware, but that doesn't mean she has to ignore me" sagot ko at niyakap ako nito mula sa likod bago halikan ang pisngi ko.

Umayos naman ako nang tayo at muling ngumiti nang lumapit sa'min si Wendy. "Congrats..." nakangiti kong ani bago siya yakapin at nang mapatingin ako sa gawi ni Mavise ay malungkot itong nakatingin sa'kin bago muling nag-iwas.

Nang maghiwalay ang mga katawan namin ay inayos ko ang buhok ni Wendy bago siya abutan ng bouquet na binili naming mag-asawa. "Salamat po" nakangiti nitong sabi.

Bago umalis sa venue ay nag-picture taking na muna kami;

"Okay na ba lahat?" tanong namin.

"Opo!" sagot ni Wendy at umayos naman na sila bago tumingin sa harap.

"Three, two, one..."

"Cheese!" sigaw nila bago nakangiting tumingin sa camera.

"One more..." sabi ni Lolo Benjamin at napatingin naman kami kay Shin nang pangkuin nito si Wendy.

Love Series #3: Je t'aimeМесто, где живут истории. Откройте их для себя