CHAPTER 54: PROMISE

7 2 0
                                    

RASHIDA'S POV

Matapos ang weekend ay bumalik na din sa school si Wendy, matapos talian ang buhok ni Mavise ay tinulungan ko naman si Wendy na ayusin ang buhok niya at sa paglagay sa wig na susuotin nito.

"You'll be fine, hija..." pag-assure ko dahil pansin ko ang panginginig ng kamay nito habang inaayos ko ang wig niya. "There's no need to be nervous, regardless of appearance you're pretty" sabi ko bago siya tingnan sa vanity mirror ko at ngitian.

"Maganda din po si Mavise" sabi nito.

"May sinabi ba kong hindi?" sagot ko habang maingat na sinusuklay ang buhok nito. "Of course maganda siya. Ni hindi nga naranasan ng batang yan maging pangit eh" sabi ko na ikinatawa niya.

"Ayan..." ani ko matapos ayusin ang buhok nito.

Napangiti naman ito bago hawakan ang buhok. "Salamat po" tumayo ito at hinarap ako bago niyakap, yumakap ako pabalik at hindi maiwasan ang mapangiti nang humigpit ang yakap nito sa'kin.

Is it because of the mother's warmth I have? I heard iba daw kasi ang yakap ng isang ina.

Hinigpitan ko pa ang pagyakap dito bago lumayo nang makita ang bulto ni Shin na nakatayo sa may pintuan. "Nandito na sundo mo" sabi ko at napatingin ito sa pintuan at mas lumaki pa ang ngiti nang makita ang anak ko.

"Mauna na kami, Ma" sabi ni Shin na tuluyan nang pumasok sa loob ng kuwarto naming mag-asawa.

Hinalikan nito ang noo ko bago hawakan ang kamay ni Wendy. "Salamat po ulit, Mauna na po kami" paalam sa'kin ni Wendy bago ako muling yakapin at lumabas na sila ni Shin.

Sabay kaming bumaba na tatlo at sinalubong ko naman yung dalawang pababa pa lang ng hagdan. "Bye, Marx" ani ko at hinalikan nito ang pisngi ko bago kunin ang bag niya at ni Mavise.

"Mavise..." ani ko at tumakbo ito pabalik sa'kin para halikan ang pisngi ko tsaka sumunod sa Kuya nito.

"Uy!" ani ko sa gulat nang maramdaman ang pagkurot ng asawa ko sa puwetan ko, tiningnan ko ito habang kapwa kami natawa bago halikan ang labi nito. "Hatid ko lang sina Marx at Mavise. Magdadala daw ng sasakyan si Shin eh, balik din ako kaagad" tumango ako tsaka muling halikan ang labi nito.

"Bye! Ingat!" sigaw ko dito at nilingon ako nito habang nakangiti at kinawayan ako.

Nang maka-alis na sila ay gumawa ako ng tsaa bago dumiretso sa Altar room namin at kinausap ang mga anak ko at si Morris. "They're doing good..." ani ko bago inuman ang tsaa ko.

"I think I'm doing a good as their parent" dagdag ko kay Morris. "Pero alam mo, something is kinda off with Mavise"

"Tinatakal na niya ang kanin niya" sabi ko habang iniisip pa ang ginagawa nito.

"And nag-e-exercise na din siya" dagdag ko. "She even asked me na magpa-check-up kami kasi baka daw may PCOS siya"

"I think she's trying to lose weight" theory ko mula sa mga kinikilos ni Mavise this past few weeks.

Ininuman ko ang tsaa ko bago muling nagpatuloy. "I don't get why? She's pretty as it is"

"Is someone bullying my daughter?!" theory ko pa nang iinuman ko na sana ang tsaa. "She's not getting bullied is she?"

Napatingin naman ako sa tatlong urn na nasa harapan ko at napatitig sa kanila ng ilang minuto. "Please, strengthen my momma sense even more" sabi ko dito bago lumuhod at mag-bow sa kanilang tatlo.

Nang makaayos ako nang upo ay agad na gumuhit ang ngiti sa labi ko nang pumasok ang asawa ko sa loob na may dala-dalang pagkain. "Sorry, naipit ako sa traffic" sabi nito bago kumuha ng cushion at naupo sa tabi ko.

Love Series #3: Je t'aimeWhere stories live. Discover now