CHAPTER 50: FAMILY

11 2 0
                                    

DARIUS' POV

Matapos kumain ng hapunan ay nanuod na muna kami ni Mavise ng palabas sa TV bago ito naligo. "Mavise..." ani ko at hindi maiwasan mapangiti nang makitang tulog na ito habang hawak-hawak ang daliri ko.

Maingat ko itong pinangko bago dinala sa kuwarto nito. "Don't..." aniya nang mailapag ko siya sa kama. "Leave me" huminga ito ng malalim bago higpitan ang pagkakahawak sa daliri ko.

"I won't" sagot ko bago ilapat ang labi ko sa noo nito at napangiti nang bitawan nito ang daliri ko kaya inayos ko na ang pagkakalagay ng kumot sa katawan nito.

Dinouble-check ko na ang pagkaka-lock ng kuwarto nito bago lumabas, pagbaba ko ay naabutan ko ang asawa kong nakaupo sa sofa. "Lasing na yung dalawa mong binata" sabi nito na ikinatawa ko.

"Hayaan mo sila, they're kids" sabi ko bago siya lapitan at maupo sa tabi nito.

Agad itong lumapit sa'kin bago halikan ang labi ko. "It feels so unreal..."

"Parang natupad yung pinangarap kong pamilya" sabi niya bago ako tingnan. "Parang...I'm living an what if life. What if hindi namatay si Shun at Shira. It's like this" niyakap ko ito bago halikan ang tuktok ng ulo nito.

"Let's protect them, I want to protect them..." naluluha nitong sabi at tumango ako bago siya in-assure na yun ang gagawin namin.

Pansamantala na muna kaming naninirahan sa bahay nina Morris dahil sa nangyayaring pag-renovate sa bahay namin, nilalakihan kasi ang kuwarto na gagamitin ng dalawa at dadagdagan din para maging storage.

"Napatitig ka pa nga eh" pangangasar ni Shin kay Mavise matapos ito asikasuhin. "Just admit it, Mavise. You like him" dagdag pa ni Marx na ikinatawa naming mag-asawa.

"I don't, napatitig ako sa kaniya because he looked stupid playing such sports" sagot nito na ikinagulat naming mag-asawa.

"Hindi ko po-problemahin ang batang to" sabi ko sa asawa ko bago lagyan ng ulam ang plato nito. "Mahirap kunin ang atensyon" napangiti naman ako nang makita ang ngiti ni Mavise matapos sabihin ni Ida iyon.

"Bakit mo tinatabi yung gulay? Beans lang yan?" tanong ni Shin kay Mavise at natawa naman ako ng biglang maestatwa si Mavise matapos mapatingin kay Ida.

"If I'm scarier paano pa kaya ang Lola niyo" sabi nito referring to my Mom, she's right. Mas strict ang Mama ko pagdating sa pagkain. "Try to eat it, have a few bites pero kung hindi talaga. Ibigay mo kay Kuya Shin mo" mahinahon na sabi ni Ida, tumango si Mavise bago sinubukan kainin yung string beans.

"Masarap hindi ba? Papa mo nagluto niyan" nakangiting sabi ng asawa ko at napatitig naman kaming apat kay Mavise na ganadong kumain.

Kinabukasan ay hinayaan ko na munang matulog ang asawa ko dahil late na itong nakatulog dahil sa trabaho, ako ang naghanda ng almusal at lunch ng mga bata bago sila hinatid sa school bago dumiretso sa bahay para asikasuhin naman ang misis ko.

"Delivery?" ani ko nang makakita ng package sa labas ng bahay namin.

Pinasok ko ito at binuksan, namula at nag-init ang mga tenga ko at agad na-excite nang makitang mga 'outfit' ito ni Ida. Napangising aso ako dahil sa mga nakitang damit bago ito i-tape muli at ilagay sa side table naming mag-asawa.

Habang pinagtitimpla ng kape ang asawa ko ay nakatanggap ako ng text mula kay Mavise at napangiti nang mabasa ito.

Papa Ceo/Police Officer: Pauwi na ako, may nadaanan akong bakery what do you want?

Papa Ceo/Police Officer: sent a photo

Koala: Orange tart

Koala: Blueberry cheesecake daw kay Kuya Marx

Love Series #3: Je t'aimeWhere stories live. Discover now