CHAPTER 13: DATE

25 3 0
                                    

RASHIDA'S POV

Patuloy pa din ang kuwentuhan namin ni Shin habang kumakain ng dessert. "Mauuna pala ang tournament namin kaysa sa inyo"

"Gusto mong manood?" tanong ko at agad naman itong ngumiti.

"Akala ko nga di mo na ako aayain eh" sagot niya at napangiti naman ako bago bahagyang natawa.

"Freestyle race ako, 100m" pag-imporma ko at napatango naman ito.

"May pakiramdam akong ikaw ang mananalo" sabi niya at natawa naman ako bago siya tingnan.

"Talaga ba? Sa tingin mo?" tanong ko at tumango naman siya bilang sagot.

"Magaling ka, Rashida" pag-komplimenta nito na nagpangiti sa'kin. "Nag-te-training ka at alam kong ginagawa mo ang lahat para mag-improve, kaya alam kong mananalo ka" ngumiti naman ito bago ako subuan ng ice cream.

Tinitigan ko naman siya nang ilang minuto bago muling magsalita. "You know, you're my dream guy" pag-imporma ko at nanlaki naman ang mga mata nito bago napangiti.

"Talaga?" masayang tanong nito at bahagya naman akong natawa bago kunin ang malinis na tissue sa side ko bago punasan ang labi niya.

"Hm!" sagot ko bago siya tingnan mata sa mata. "I mean, you're an ideal man. Kaya for sure sa mga babae na nakakakilala sayo ikaw ang ideal man. Especially kung nakakatanggap din sila ng kaparehong pag-trato mo sa'kin"

"Rashida, as I said. You're the first woman I took interest in" pag-ulit niya. "Meaning you're the first and only woman who received such treatment from me"

"How about your mom?" tanong ko bago kainan ang ice cream mochi ko.

"Of course, I treat my mom differently but with the same love na binibigay at pinaparamdam ko sayo" sagot niya at napaayos naman ako ng upo ng marinig iyon.

"Love?" tanong ko habang nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat.

"Yes, love?" tanong niya pabalik at mas nanlaki naman ang mga mata ko bago natawa dahil duon.

"That's smooth?" hindi ko siguradong pag-komplimenta bago muling natawa pero this time kasama na siya.

Nang matapos kaming kumain ay umalis na din kami ni Shin sa lugar at agad ako nitong idiniretso sa bahay namin. Kinuha na muna nito ang payong sa back seat bago bumaba ng sasakyan at pumunta sa side ko para pagbuksan ako ng pinto at alalayan na bumaba.

"See you, bukas" sabi niya habang pinapayungan ang mga katawan namin.

"See you..." ani ko bago tumingkayad para gawaran siya ng halik sa pisngi at natawa naman ako nang makita ang pamumula ng tenga at ang pagkatulala niya.

"Wag mo kong binibigla ng ganiyan" medyo patili niyang sabi habang bahagyang nagtatatalon. "Wag kang ganiyan..." bahagya naman akong natawa dahil sa kinikilos niya.

"Makakapagmaneho pa kaya ako ng maayos nito?" tanong niya bago mahinang tapikin ang braso ko.

"Hoy! Panindigan mo ko, di na ata ako makakauwi" dagdag pa nito at kapwa naman kaming natawa dahil dun.

Pinasok naman na ako nito sa pinakaloob ng gate bago pinatay sandali ang payong niya;

Nginitian ko naman siya bago kawayan. "Bye, ingat sa pagmamaneho" sabi ko at ngumiti naman ito bago tumango.

"Bye..." aniya at nagulat naman ako nang sunggaban niya ng halik ang pisngi ko dahilan para maestatwa ako sa kinatatayuan at siya naman ay natawang tumakbo palabas ng gate namin.

Nilingon naman ako nito sandali bago kawayan. "Bye!" sigaw nito tsaka sumakay na sa loob ng kotse niya at nagmaneho na pauwi.

Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti bago hawakan ang pisngi ko at nagtatatalon sa kilig dahil duon. "Hoy!"

Love Series #3: Je t'aimeOnde histórias criam vida. Descubra agora