CHAPTER 19: MARRIED?

20 2 0
                                    

RASHIDA'S POV

Panay naman ang lakad ko mula kusina papuntang sala dahil panay din ang tawag ni Shin. "Ida"

"Ano!?" tanong ko bago tingnan ang tumawag sa'kin bago huminahon at tumayo nang ayos.

"Welcome home po..." sabi ko nang makita si Mommy bago muling dumiretso sa kusina at tinapos na ang pagluluto ko sa dinner namin.

"May problema ba?" hindi ko naman sinagot ang naging tanong ni Mommy dahil sa kausap niya iyon sa telepono tinatanong.

"Ida" lumingon naman ako nang marinig ang pangalan ko at nakita si Mommy na nakatayo sa may dining table. "May problema ba?" tanong niya at napatingin naman ako sa likod at paligid ko, making sure na ako nga ang kausap niya.

"Ako po?" tanong ko habang direktang nakatingin sa kaniya.

"Ida, I know hindi ko dapat ginawa yun sayo-"

"Ang alin po?" sabad ko. Dahil sa dami nang ginawa niya sa'kin ay hindi ko alam kung alin ba dun ang hindi niya dapat ginawa.

"I'm home!" umalis naman ako sa harap niya para puntahan si Daddy.

"Hi, Daddy" nakangiting bati ko dito bago siya yakapin at agad naman nitong hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Akin na po to" sabi ko bago kunin ang bag niya at ilapag iyon sa sofa namin.

"Oh! Welcome home" sabi nito bago lapitan si Mommy at halikan ang pisngi nito.

"Malapit na po akong matapos magluto" bumalik naman ako sa pagluluto at hindi na muna pinansin si Mommy at ang sinabi nito.

Maya-maya pa ay nagsimula na din kaming kumain nang dinner. "How's school, Ida?" tanong ni Mommy.

"Okay lang po" simple kong sagot bago bumalik sa pagkain.

"Ida, I was wondering kung gusto mong sumama sa'kin bukas-"

"Di na po, mag-aaral pa ako" sagot ko sa suhestiyon sana ni Mommy.

"Anak" nakangiti ko namang tiningnan si Daddy nang tawagin ako nito. "After graduation, gusto mo bang sumama sa'kin pa-Amerika. Duon ka mag-bakasyon"

"Hmmm, tanungin ko po muna sina Dione. Baka po kasi may plano pala kami after graduation eh" sagot ko at nakangiti namang tumango si Daddy bago bumalik sa pagkain.

"Tsaka nga pala, ang sarap nito ha" napangiti naman ako ng kumplementuhin ni Daddy ang luto ko.

"Anong gusto mong regalo after exam?" tanong ni Mommy at walang gana ko naman siyang tiningnan.

"Kung?" tanong ko at nangunot naman ang noo nito. "Hindi po ba yun ang rules niyo?" pagpapaalala ko.

"KUNG...mataas ang score na makukuha ko, dun niyo lang ako bibigyan ng regalo" sagot ko.

"Ano po bang score ang dapat kong makuha para bigyan niyo ako ng regalo ngayon?" tanong ko bago siya tingnan direkta sa mata.

"Tatlo lang po ba dapat ang mali ko?" bumaba naman ang tingin ko sa kamay nito na mahigpit ang hawak sa bread knife.

Ngumiti naman ako bago siya tingnan. "Kahit wag niyo na po akong bigyan, okay lang po ako" sagot ko bago bumalik sa pagkain.

"Saturday bukas, have any plans?" tanong ni Daddy bago lagyan nang ulam ang pagkain ko.

"Di ko pa po sure, pero kung meron po magpapaalam naman ako" sagot ko at tumango naman si Daddy at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Nang matapos ay agad na akong pumunta sa kuwarto ko, nagpahinga saglit bago dumiretso sa banyo para maligo. Paglabas ko ay agad akong nagbihis at nagsuklay ng buhok, sakto naman ang pagtunog ng telepono nang makaupo na ako sa kama ko.

Love Series #3: Je t'aimeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora