CHAPTER 36: ENGAGEMENT

9 1 0
                                    

RASHIDA'S POV

Matapos ang nangyari sa labas kanina ay pumasok na kami sa loob, tinulungan ko si Tita Ji-eun na magluto ng dinner habang ang anak ko ay nakikipaglaro sa Papa, Tito at Lolo nito sa salas.

"Na-miss ko to" sabi niya habang hinihipan ang karne bago ito isubo sa'kin.

Napangiti naman ako nang matikman na ang ulam namin para sa gabing to. "Ang sarap..." ani ko na nagpangiti dito.

"Sorry ulit" aniya bago takpan ang kawali at hayaan na munang mag-simmer ang ulam na nanduon. "Kung...hindi ko siya iniwan, probably hindi siya magkakaganun"

Ikinuwento na sa'kin ni Shin ang tungkol sa nangyari kanina kaya alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Tita Ji-eun. "Can I be honest?" tanong ko at tumingin naman ito sa'kin bago tumango.

"Pinakasalan ko lang po si Shan dahil kailangan ko ng ebidensya" pag-amin ko. "Yung sinampa po kasing kaso kay Papa is stealing of property documents, nahanap po nila yung documents na yun sa opisina niya mismo"

"Then napaisip po ako na sa lahat ng puwedeng magpasok nun dun ay ang mga Ramirez lang naman, kaya wala naman po talagang pagmamahal yung naganap na kasal. Well, one-sided" pagtapos ko bago napayuko dahil inamin ko siya sa tunay na nanay pa ni Shan.

Huminga ako nang malalim bago siya muling tingnan direkta sa mata. "I'm sorry po na nagawa ko yun sa anak niyo" sabi ko at ngumiti naman ito bago umiling tsaka hawakan ang pisngi ko.

"That's a lawyer instinct, hija" sagot niya. "But it's not an excuse para saktan ka niya" tumango na lang ako bago siya yakapin.

Maya-maya pa ay natapos na din kaming magluto at bago kumain ay pinatahan ko na muna si Ate Dani dahil iyak ito ng iyak nang makita na ako. "I'm sorry" paghagulgol pa nito at tumango naman ako bago hagurin ang likod nito.

"Patawarin mo ko" aniya bago higpitan ang pagkakayakap sa'kin.

"Okay na, okay na Ate Dani. Tahan na. Hindi ako nagalit sayo" pag-assure ko habang hinahagod ang likod nito bago tingnan ang anak ko na nakatitig sa'kin.

"Yes anak ko, ano need mo?" tanong ko at tinuro nito si Ate Dani habang nakatingin direkta sa mata ko.

"Niaway mo siya?" tanong nito pabalik at natawa kami ni Ate Dani dahil dun bago kami umayos na dalawa, binuhat nito si Shin bago halikan ang pisngi nito.

"I'm okay, Tita Dani's okay" sagot ni Ate Dani sa anak ko bago kami dumiretso sa kusina kung saan nakapaghain na ang mga lalaki.

Inupo ko ang anak ko sa gitna namin ni Shin bago naupo sa upuan ko, nagdasal na muna kami bago nagsimulang kumain. "No!" sigaw ni Shin nang kakain sana ako ng kimchi.

"Bakit?" tanong ko sa anak ko at naluha naman ito nang kainin ko na ang kimchi.

"Hindi niya kinaya nung kumain yan kahapon eh" bahagya akong natawa sa sinabi ni Tito Steven bago tingnan ang anak ko na paiyak na.

"I'm okay..." pag-assure ko dito at bumalik na kami sa pagkain at kuwentuhan.

Napatingin naman ako sa anak ko nang bigla na lang tumawa si Zayn at ituro ito, natawa na rin kami ni Shin nang makitang papikit-pikit na ang anak namin habang nginunguya ang kanin sa loob ng bibig nito. "Hoy!" sigaw ko at buti na lang ay nasalo ni Shin ang ulo ng anak namin nang babagsak sana ito patalikod.

"Anak ko, finish your food na muna. After that let's sleep na" tumango naman ito bago uminom ng tubig at magpasubo sa Papa nito ng ulam at tawa ng tawa ang pinsan nitong si Zayn dahil sa nangyari.

Matapos kumain ay pinaliguan ko na ang anak ko at binihisan bago ito ihiga sa kama ni Shin, nang tulog na ito ay hinalikan ko ang pisngi nito bago tumayo sa kama at napaigtad sa gulat nang makita si Shin sa harap ng pinto. "Cute niyong dalawa" sabi nito at nginitian ko siya.

Love Series #3: Je t'aimeWhere stories live. Discover now