CHAPTER 51: MOTHER

10 2 0
                                    

RASHIDA'S POV

Makalipas ang dalawang taon sa buhay namin ay umayos-ayos na din ang lagay ni Mavise, though we always have to remind her na isang pills lang ang dapat niyang inumin pero kahit na ganun ay masaya kami na kahit papaano ay nakaka-adjust na silang magkapatid.

Habang inaayos ang kama naming mag-asawa ay napatingin ako sa gawi ng banyo ng lumabas na ito. Pinupunasan nito ang basang buhok gamit ang isa pang towel habang ang isa pa ay nakapulupot sa ibabang bahagi ng katawan niya. Ba't ba niya tinatakpan pa yan? Nakita ko naman na.

"Nag pa-tutor si Mavise sa teacher niya" pag-imporma nito habang nagsusuot ng boxer. "Nagsabi na din daw siya dun sa teacher na mag-tu-tutor sa kaniya"

"Bakit hindi na lang sa'tin? Tsaka bakit hindi naman siya nagkuwento kanina about diyan?" tanong ko.

"Busy daw tayo eh, ayaw din daw niya istorbohin ang mga Kuya-"

"Busy? When was I busy for family?" tanong ko. "How can that kid decide that I'm busy?"

Nagtatampo ako sa narinig sa asawa ko, Dahil ako? Busy? Kelan ako naging busy para sa mga anak ko?. "Buwesit..." ani ko dahil dun.

Narinig ko ang pagtawa ng asawa ko at kasabay nang paglapit nito sa'kin ay ang paghalik nito sa labi ko. "Let her-"

"We can't just let it, Rius. Iniisip nung bata na busy tayo kahit na kaya naman nating magbigay ng oras para sa kaniya" sabi ko, naupo ito sa tabi ko at hinalikan ang noo ko. "Maganda na nagiging mas aware na si Mavise sa paligid niya and that she is also considering other people's perspectives pero hindi naman ganitong pagintindi ang gusto kong gawin niya"

"Let Mavise decide for herself, Ida. She'll be soon entering high school and I think it's a good idea that we let her decide for herself and do things all by herself" sabi nito.

"Tingnan mo si Shin, masyadong mong binaybi kaya ayan tuloy, mag-e-enroll lang kasama ka pa" pinalo ko ang braso nito dahil sa sinabi. "I'm just saying, hindi na mga bata ang mga anak natin. Kung kokontrahin natin ang mga desisyon nila masyado silang magiging dependent sa punto na bawat galaw nila itatanong pa sa'tin"

"Mama!" sigaw ni Shin mula sa ibaba. "Puwede ba namin kainin yung tsitisrya dito!" napatingin ako sa asawa ko na nakangisi.

"See what I mean?" pagpunto nito at napabuntong hininga na lang ako bago sagutin si Shin. "Sige!" sigaw ko na ikinatawa ng asawa ko.

"Pero may ibang pakiramdam ang Mama sense ko, pakiramdam ko hindi magandang gawin to ni Mavise" pagkontra ko kay Rius bago ito tingnan mata sa mata.

"Ida..." aniya bago halikan ang labi ko at napabuntong hininga na lang ako. "Talo ako sa taong masyadong nagpapakatanga sa anak niyang babae" sabi ko na ikinatawa nito.

"Well, I am indeed a fool for my daughter and wife" paglinaw nito bago paghahalikan ang pisngi ko na ikinatawa ko.

Nagpatuloy ang nararamdam ko sa Mom senses ko at halos araw-araw ko ding tinatanong si Mavise kung may nangyayari ba habang nagtu-tutor sila at lagi nitong sagot ay wala naman, though pansin nga ang pag-improve ng score ni Mavise sa subject na iyon, but still my Momma senses still telling me na hindi maganda ang nangyayari.

Makalipas ang isang linggo ay nagpatuloy pa ito, hanggang sa isang araw matapos ang tutor ni Mavise ay umuwi na silang mag-ama kasama si Pete.

"Shin! Pete! Mavise!" pagtawag ko sa mga bata matapos maghanda ng meryenda. "Meryenda na!" sigaw ko.

Habang inaasikaso ko si Mavise ay pansin ko naman ang pagiging tulala nito. "Mavi-"

"Tita..." pagtawag ni Pete sa'kin kaya naudlot ang pagtawag ko kay Mavise. "Nasabi po ba ni Mavise na nag papa-tutor siya?" tanong nito.

Love Series #3: Je t'aimeWhere stories live. Discover now