CHAPTER 62: VOLLEYBALL

10 2 0
                                    

DARIUS' POV

Makalipas ang ilang dekada ay tuluyan nang nagbinata at dalaga ang mga apo namin;

"Sino?" tanong ko habang nakikipagkuwentuhan kena Nicholas.

"Si Halia" sagot nito bago ngitian ang pinsan na bakas na bakas sa mukha ang pagkairita sa kinukuwento ni Nicholas.

"You're quite annoying nuh?" tanong nito na ikinatawa ko bago nakangiting pagmasdan ang dalawa na kumain.

"You like her?" tanong ko kay Halia kaya napatingin dito ang pinsan.

"I don't know na" sagot nito. "She's attractive...and I'm attracted" dagdag nito na nagpakilig sa'min ni Nicholas na mas ikinairita naman nito.

Nung grade nine si Halia ay umamin ito sa'min na bisexual siya, umiiyak pa nga ito kasi akala niya magagalit kami lalo na ang Daddy niya. But we don't mind it at all. As long as wala siyang ginagawang masama then we're good.

"Do you plan to confess to her?" tanong ni Nicholas at napakamot naman sa ulo si Halia. "Di ko na alam!"

"Bugnutin" komento ni Nicholas kaya agad itong kinurot ni Halia.

Pumunta naman ako sa may ref para kuhanan sila ng maiinom. "Nagkaayos na ba kayo ng Daddy mo?" tanong nito kaya napalingon ako.

Nagtatampo kasi si Halia sa ama dahil sa naghanda ito ng dinner pero late nang umuwi si Shin kaya kahapon ay dito ng dinner ang bata. "Hindi pa, I...I really can't right now" sagot ni Halia.

Kinabukasan habang nagpapahinga kaming mag-asawa ay nakatanggap kami ng tawag kay Neo na nasa hospital si Shin. Nang marating namin ang lugar ay natagpuan namin si Halia na umiiyak habang yakap-yakap si Neo.

"Halia..." ani ko at agad itong lumapit sa'min bago ako yakapin.

"What happened?" tanong ni Ida kay Marx na chini-check-up ang kapatid.

Naupo si Ida sa upuan bago hawakan ang kamay ng anak. "I found him hung inside the house" umiiyak na sabi ni Halia.

"Halia? Halia....Halia!" sigaw ko dahil sa nanginginig nitong katawan at dahil sa hirap na din itong huminga.

Agad kong binuhat ang apo ako at sinugod sa emergency room;

"Halia-"

"Daddy Lolo kasalanan ko po" sabi nito habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko at inaayos naman nung nurse ang pagkakalagay nung oxygen sa apo ko. "Hindi ko po siya pinapansin tapos hindi ko pa sinagot yung mga tawag niya...Daddy Lolo!" agad ko na itong niyakap.

"Shhhh, Hija it's not your fault. Stop blaming yourself" paulit-ulit kong sabi dito, hoping it's enough para tumahan ito.

Makalipas ang ilang linggo ay nakalabas na si Shin sa hospital. "Bakit mo ginawa yun?" umiiyak na tanong ni Ida sa anak namin.

"Shin, sagutin mo naman ako. Please tell me kung bakit? Gusto kong malaman" sabi nito at ngumiti naman si Shin bago punasan ang luha ni Ida.

"Ang importante okay na po ako-"

"Hindi yun eh" sabad ni Ida at niyakap lang ni Shin ang ina.

At makalipas ang ilang araw ay muling sinubukan mag-suicide ni Shin, na naulit muli, at muli, at muli, hanggang sa kinailangan na nitong magpahinga ng ilang buwan para gumaling ang mga sugat niya at magpa-therapy.

Makalipas ang ilang buwan ay bumalik na din ang dating sigla ng anak ko at ang closeness nila ni Halia, masaya kaming mag-asawa na nakikita na silang nag-uusap at nagtatawanan na mag-ama.

"Oh! Hi..." nakangiting bati ni Ida sa nililigawan ni Halia.

"Hello po, it's nice to meet you" magalang ng sabi ni Micha sa'min bago nagmano.

Love Series #3: Je t'aimeWhere stories live. Discover now