CHAPTER 23: JEALOUS

12 4 0
                                    

DARIUS' POV

Matapos ang naging gabi namin ni Ida ay nakapagpahinga na din kami, probably because she passed out after her fourth climax. Mahimbing nang natutulog si Rashida habang nakahiga sa ibabaw ko habang ako naman ay patuloy lang na pinagmamasdan ang mukha nito.

Hinaplos ko ang buhok nito habang titig na titig pa din sa kaniya. "I love you..." nakangiti kong ani bago halikan ang tuktok ng ulo nito tsaka inayos ang pagkakahiga ko at hinintay na lang ang mag-umaga.

Kinabukasan nang magising si Rashida ay agad ko itong inasikaso, mula sa pagpapaligo dito at pagsuot sa kaniya ng damit hanggang sa pag-alalay sa kaniya sa paglalakad. Kasalukuyan kaming nasa kusina ngayon, nagluluto ng almusal para sa lahat at maya-maya pa ay dumating na din sina Kuya at Ate Dani.

"Okay ka lang?" napalingon naman ako nang marinig iyon. "You keep on wincing, may masakit ba?" tanong ni Ate Dani na nakaupo sa harap ni Ida na naghihiwa ng carrots.

"Okay lang ako" nakangiting sagot ni Ida at nilapitan ko naman silang dalawa para ibigay kay Ida ang gatas na tinimpla ko.

"Salamat" aniya at hinalikan ko naman ang tuktok ng ulo nito bago kinuha ang sangkalan nang matapos na din itong maghiwa bago ito hinalo sa itlog tsaka prinito na.

Makalipas ang ilang oras ay nagising na din yung iba at nagsalo-salo na din kaming nag-almusal. "Bakit?" tanong ni Ida at napatingin na din ako sa harap namin at nakita si Nica na nakangisi saming dalawa.

Umiling naman ito bago inuman ang kape niya. "You're too big..." sabi nito dahilan para mapaupo kami nang diretso ni Ida at mapatitig dito.

"Huh?" tanong ni Ida sa kaibigan.

"Huh?" sagot nito pabalik bago salinan ng orange juice ang baso ni Maya. "Yung itlog na luto mo, masyadong malaki"

"Diba, Ida?" nakangising tanong nito at nabilaukan naman si Rashida kaya agad ko itong inabutan ng tubig.

"Sila, hindi tayo" napatingin naman ako kena Ate Dani at Kuya nang marinig iyon. "Sina Ida yung tinutukoy niya, hindi tayo"

"Oy!" gulat na ani Ate Dani nang makita akong nakatingin sa kanila. "Kanin pa?" tanong nito sa'kin at umiling naman ako habang nakangisi kay Kuya na nginisian din ako pabalik.

Matapos mag-almusal ay bumalik na muna kami sa kani-kaniyang kuwarto, at habang umiihi si Ida ay hawak-hawak ko naman ang kamay nito dahil mahapdi daw. "I'm really sorry..." paghingi ko nang paumanhin dito dahil sa sakit na nararamdaman niya.

"It's fine" sagot niya bago tumayo at isuot na ang salawal. "Want to cuddle?" tanong niya at agad naman akong tumango bago kami nagtungo sa kama at magkayakap na nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay.

Makalipas ang isa pang araw ay umuwi na din kami at pinagpatuloy na lang namin ni Ida ang kuwentuhan sa telepono.

RASHIDA'S POV

"Oh! How pretty" pagkomplimenta sa'kin ni Mommy matapos akong lagyan ng make-up.

"Akin na" aniya bago abutin ang neck tie ni Daddy at ayusin ito.

Pinagmasdan ko naman ang sarili ko sa salamin; I wore a mermaid long sleeve backless dress in black because that's the theme, paired it with pearl earrings and necklace and for the footwear I wore a white high heels, my hair was arranged in a simple low ponytail and lastly a simple make-up to finish the look.

Meron kasing socialite party at naimbitahan kami at sina Shan kaya matapos kaming maayusan ay dumiretso na kami sa Manila Pen kung saan ginaganap ang party;

"Okay ka lang ba?" tanong ni Shan na date ko ngayong gabi. "You're hands are cold"

"Oo naman" sagot ko bago siya ngitian at ngumiti naman ito pabalik bago ako ipagtulak ng upuan tsaka kami naupo.

Love Series #3: Je t'aimeWhere stories live. Discover now