CHAPTER 60: CALIFORNIA

8 2 0
                                    

RASHIDA'S POV

"Suddenly wanting to meet" sabi ni Sydney bago naupo sa harap ko.

Tinawagan ko ito at tinanong kung puwede ba kaming magkita bukas at ito na nga;

Pinagkatitigan ko ito bago nagsalita. "I hate you" panimula ko na ikinaayos ng upo nito.

"Gusto mo kong makita para lang sabihin yan?" tanong niya, hurt. "Ida, Look I'm sorry for deceiving you"

"And?" ani ko na ikinakunot ng noo nito.

"If I'm not mistaken you didn't just deceived me" sabi ko at napayuko ito. "You know I really hate aging" pag-amin. "The more that I age, the more that I look like you, it disgusts me"

"Pati na rin ang mga kinikilos ko pagdating sa pagiging nanay ko, lagi ko nang naiisip na katulad kita" dagdag ko at huminga na muna nang malalim.

"Did you do a good job being a mother to your daughters? Sina Rina?" tanong ko at tiningnan ako nito bago dahan-dahang tumango.

"Ganun din si Mama sa'kin" sabi ko referring kay Mama Adeline. "And I wish my children can proudly say that I did a good job as their mother na hindi kita naiisip"

"Gusto kitang patawarin" sabi ko. "Pero ngayon, lahat nang ginawa mo sa'kin bumabalik dahil kay Mavise"

"Ano bang nangyari-"

"Wala kang karapatan alamin kung anong nangyayari sa pamilya ko" sabad ko habang pinipigilan kong maluha bago siya tingnan. "I wish kahit masayang childhood lang naibigay mo sa'kin, para kahit papaano hindi lahat nang alaala ko sayo masama"

"At di rin kita sana kinamumuhian. I despise you for bringing me such trauma, na pati sa pagiging nanay ko dala-dala ko" dagdag ko bago punasan ang luha ko.

"Ida..." aniya.

"Itatama ko lahat ng pagkakamali na nagawa ko sa mga anak ko, I'm going to be a better mother than I am. Hanggang sa maisip ko na hindi mo ako katulad"

"Hindi mo naman talaga ako katulad" sabi niya habang nakangiti. "You're kind...and a great person, Ida. Just like how I wish for you to grow up"

"You know, there is a time that I want to be there for you and guide you until my last breath" nakangiti nitong sabi. "It was when you we're born, you really held my fingers tight as if ayaw mong pakawalan kita"

"I feel loved by that smallest action, Ida" tuluyan nang tumulo ang luha nito.

"But the reason I turned to be this way, because you can't force love, Ida" umiiyak nitong sabi.

"Mahal kita, minahal kita bilang anak ko. But every time na nakikita ko ang Daddy mo, I see how force it is" pag-amin nito.

"Masaya ako na nagawang tabunan ni Adeline ang mga trauma na natamo mo dahil sa'kin, and I'm sorry for causing it" sabi nito bago abutin ang kamay ko. "You're great mother, Ida" pag-assure nito.

"You're better than me, because you are not like me" nakangiti nitong pagtapos bago punasan ang luha ko. "And I'm glad you grew up nothing like me"

Nang kumalma kami ay lumabas na ko para makauwi sa bahay, bago makapasok sa loob ng sasakyan ko ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Rius.

"Love?" bungad ko sa kabilang linya. "Hun, puwede mo bang sunduin si Mavise. May meeting pa kasi ako and sakto siya sa uwian niya. I'm sorry." Sabi nito.

"Hey, it's fine. Puwede ko namang gawin yun" sagot ko habang nakangiti.

"Thank you, Hun. Ingat ka sa pagmamaneho. Love you" sabi nito na mas nagpangiti sa'kin. "I love you too" sabi ko at ako na mismo ang nagbaba ng tawag bago sumakay sa loob ng sasakyan ko at nagmaneho na papunta sa Athens.

Love Series #3: Je t'aimeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें