CHAPTER 49: ADOPTION

13 2 0
                                    

RASHIDA'S POV

Makalipas ang dalawang taon sa buhay namin ay masasabi na muli itong bumalik sa normal, nakalabas at umayos-ayos na din ang lagay ni Morris at bumalik na din sa kaniya ang mga anak.

"Go, Marx!" sigaw nina Shin sa naghahandang bulto ni Marx.

"Go, Marx!" nakangiting sigaw ni Morris sa anak. "Go, Kuya!" napangiti ako at hinawakan ang likod ni Mavise bilang alalay dahil nasa ibabaw ito ng balikat ni Morris katulad ni Thalia na nasa balikat ni Zayn.

"Go kuya! Destroy them!" nanggigigil na sigaw nito na ikinatawa ko.

"My kuya will win!" sigaw nito at tawang-tawa naman kami ni Rius dahil sa inasal nito.

Napatitig ako sa asawa ko nang mapansing nakatitig ito kay Mavise at sa lagay nito kay Morris, alam kong nangungulila pa din ang asawa ko mula sa pagkakawala ni Shira at ganun din ako. Hindi ko maiwasan ang mapaisip na siguro kung buhay ito ay buhat-buhat din ito siguro ni Rius para mapanood ang laro ng pinsan.

Maya-maya lang ay pinaayos na sila at hindi kalaunan ay opisyal ng nagsimula ang karera by firing the gun at nagsimula na silang tumakbo.

"Go, Marx!" sigaw namin dito.

"Marx! Ahhhhh!" sigaw nung Kambal bago natawa at panay ang mga talon namin sa excitement sa nangyayari. "Go, Marx!"

"Ceo!"

"Cayo, Go!"

"Midnight!"

"Go! Kuya, win! My kuya will win!" sigaw Mavise. "Kuya!"

"Go, Kuya Marx!" pagsabay ni Thalia sa pagsigaw ni Mavise.

"Oh! Daddy! Daddy! Daddy!"

"My kuya won! My kuya won!"

Napahiyaw naman kami nang mauna na nga si Marx, bumaba na kami sa bleachers at sinalubong ito matapos mabigay sa kaniya ang award niya.

"Marx!" sigaw ni Shin bago salubungin ang pinsan. "Eh?" natawa naman ako sa naging reaksyon ni Shin nang salubungin niya si Marx pero nilampasan lang siya at unang niyakap si Neo. "Ako yung nasa unahan pero likod yung inuna"

"Tatampo ka na niyan" sabad ni Levin at agad siyang hinabol ni Shin na ikinatawa namin.

"Congrats, kuya" sabi ni Mavise at sinuot sa kaniya ni Marx ang medal bago tanggapin ang bouquet of flowers na hawak niya.

"Congrats, Marx" bati naming mag-asawa dito bago siya abutan ng bouquet.

"Hey!" sigaw ni Mavise at napatingin naman kami sa kaniya. "I told you my Kuya will win!" sigaw nito sa mga nakalaban ni Marx at natawa naman sila dahil duon bago lapitan si Mavise at kurotin ang pisngi nito.

"Oh! Sexual harassment!" sabi ni Thalia kaya napatingin ako sa kaniya. "That's sexual harassment, you all man and you're touching a girl. Sexual harassment!" tinakpan ko ang bibig nito habang natawa kami ni Dione sa pinagsisisigaw ni Thalia.

"It doesn't work like that, mahal ko" sabi ko na ikinatawa namin. Nag-picture taking na muna sina Marx at ng mga nakalaban nito bago kami umalis sa track field.

Bago kami kumain sa labas para mag-celebrate ay dumiretso na muna kami sa sementeryo, habang abala ang mga bata sa pakikipag-usap kay Melanie ay naglagay naman kami ni Dione ng bulaklak sa puntod ni Nica at Maya.

"We are taking good care of them" pag-assure ko sa kanilang dalawa. "Tutuparin din namin yung gusto mong mangyari Maya, we'll give them the happy life that they deserve. Hindi namin hahadlangan yun" nakangiting dagdag ni Dione.

Love Series #3: Je t'aimeWhere stories live. Discover now