CHAPTER 15: BOTANICAL GARDEN

21 3 0
                                    

DARIUS' POV

"Let's welcome the starting line-up of Ravenwood's Devouring Colossi!" pumalakpak naman kami kasabay ng hiyawan ng mga taga-Raven.

"Starting with the Team Captain, wearing jersey number 09, Shan Ramirez!" at nagpatuloy pa ito sa pag-announce ng players hanggang sa makompleto na sila.

"Ayan na..." ani Kuya matapos tawagin ang starting five ng Ravenwood.

"And for the starting line-up of Athens' Roaring Thunder!" naghiyawan naman ang side namin nang marinig iyon at nang mapatingin ako kay Rashida na sumisigaw din ay hindi ko naman maiwasan ang mapangiti dahil ang cute niyang tingnan.

"Starting with the Team Captain, wearing jersey number 18, Shun Santiago!" kasabay nang pagpasok ni Kuya ay ang hiyawan ng school namin.

"Shooting Guard wearing jersey number 16, Shin Santiago!" pumasok naman na ako sa court at inapiran si Kuya bago kinawayan sina Mama na nanunuod din tsaka isunod si Rashida.

"Go, Shin!" napangiti naman ako dahil duon at nakatanggap naman ako nang pagbatok mula kay Kuya.

"Sakit..." ani ko na ikinatawa niya.

"Point Guard wearing jersey number 10, Morris Santiago!" pinalakpakan naman ni Kuya si Morris bago ito batukan.

"Mga siraulo!" singhal ni Morris bago kami gantihan.

At matapos na ngang tawagin ang mga players ay nagsimula na din ang laro. "Putangina!" gulat na singhal ni Kuya nang maka-tres na kaagad ako.

"Takbo! Takbo! Takbo!" sigaw ni Morris at agad naman kaming pumunta sa side ng kalaban.

"Shin!" sigaw ni Kuya at agad naman akong tumalon para saluhin ang bola na hinagis niya tsaka agad na dumiretso papunta sa side namin.

"Ahhhh!" hiyaw ng side namin nang pumasok ang tira ni Morris matapos kong maipasa sa kaniya ang bola.

At makalipas pa ang ilang minuto ay nagpatuloy pa ang laro na Raven ang nauuna;

"Hoy! Walang foul!" sigaw ko sa referee nang matumba na ako at mapaupo sa sahig matapos akong itulak nung Shan.

"Hoy! Foul yun!" sigaw nina Kuya at Lander sa referee pero hindi na nila ito pinilit dahil baka technical foul pa ang makuha namin.

Nagpatuloy na lang kami sa laro at sunod-sunod akong naka-tres making the score gap more closer, 10-8 na ang score namin ngayon; 10 ang raven at kami ang 8.

"Eh?" ani ko nang pumito ang referee at sabihin na foul ang ginawa kong mahinang pagtulak sa isang player ng Raven. "Ang gulo mo..." bulong ko bago pumwesto sa gilid at hintayin na maka-shoot ang Raven dahil wala kong choice.

"Putangina..." paglabi ko dahil sa inis sa referee.

"Relax ka lang, relax ka lang..." bulong ni Lander sa'kin.

"Ulol!" sigaw ko nang masalo ang bola matapos itong hindi pumasok sa ring at akmang i-rebound ng Raven. "Amin!" sigaw ko bago ito itakbo sa ring namin at i-shoot dahilan para mapahiyaw ang mga tao na nasa side namin nang muli akong maka-tres.

"Tangina!" sigaw ko matapos mangyari iyon.

Makalipas ang first and second quarter ay patuloy pa ding nangunguna ang Ravenwood sa'min at patuloy din naming inuunti-unti ang score gap, sinisigurado na kung lalamang man sila ay hanggang tatlo lang.

"Foul!" sigaw nina Kuya bago ituro si Shan matapos na naman ako nitong itulak.

"Wala na naman?" tanong ko sa referee na nasa likod ko lang nang mangyari yun. "Pag kami wala" nakapameywang kong sabi dito at agad naman itong nagpaliwanag sa'kin dahilan para pansamantalang matigil ang laro.

Love Series #3: Je t'aimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon