CHAPTER 41: DOWNFALL

8 2 0
                                    

RASHIDA'S POV

"Yes po, what do you need?" nakangiting tanong ko kay Shira nang marinig itong gumawa nang mga mumunting ingay habang pinapakain ng Kuya niya. "What do you need po?" tanong ko at ngumiti naman si Shin bago halikan ang kapatid na nagpangiti kay Shira.

"I'm home!" sabay kaming napatingin sa may pintuan nang marinig iyon.

"Oh! Oh!" napangiti ang asawa ko nang marinig iyon kay Shira. Hinalikan na muna nito ang labi ko bago sunod na halikan ang mga anak. "Hello, mahal ko" bati nito bago buhatin si Shira at Shin.

"Pawis na pawis" sabi ko bago punasan ang mukha at leeg ng asawa ko tsaka kinuha ang sariling towel ni Shira para punasan ang labi nito.

"I'm feeding her..." pag-imporma ni Shin sa ama at tiningnan ako ng asawa ko habang nakangiti.

"Big boy ka na talaga, anak ko" nakangiting sabi ni Darius bago halikan ang pisngi ni Shin at ibaba ito sa sahig.

"Wala akong pasok bukas, dalhin natin mga bata sa botanical garden" sabi ng asawa ko.

"Yes!" sagot ni Shin habang nagtatatakbo sa loob ng dining area na ikinatawa naming mag-asawa. "Sama natin si Kuya Marx, tsaka si Kuya Pete at Levin tapos si Neo!" sigaw nito at bigla na lang natigil nang humarap ito sa may pinto palabas sa likod bahay.

"Oh? Bakit?" tanong namin dahil bigla na lang naestatwa ang katawan nito.

"May ipis..." naiiyak nitong ani bago dahan-dahang lumapit sa'kin, kinuha ko si Shira kay Darius at natawa naman ito nang makita ang sinasabi ni Shin na ipis.

"It's not Ipis, cicada" sabi ni Darius bago pulutin ang cicada at ipakita sa'ming mag-iina.

"Ahhh! Papa, tapon mo!" sigaw ni Shin habang nakayakap sa binti ko at mahigpit ang pagkakahawak sa daster ko, natawa naman kaming mag-asawa bago ni Darius tinapon ang cicada, sinara na nito ang pintuan bago kami lapitan at buhatin na muli si Shira.

Nag-bonding na muna kaming apat sa salas bago kami naghapunan, matapos ay pinaliguan na namin ang mga anak bago ito binihisan at hiniga na sa mga higaan nila. "Okay ka lang ba?" tanong ni Darius sa'kin.

Nasa tabi kasi namin ang crib ni Shira at mahimbing na itong natutulog, pero kahit na ganun ay hindi ko ito mabitaw-bitawan, panay ang paghaplos ko sa ulo nito at paghawak sa kamay niya. "Love..." aniya at naluluha ko siyang hinarap.

"Natatakot ako, Love..." pag-amin ko dito at agad itong lumapit sa'kin para punasan ang luha ko.

"Attach na attach ako sa batang to" tumango siya habang pinupunasan ang luha ko. "Huling beses na naging ganito ako ay yung pinagbubuntis ko yung kambal"

"Halos hindi ko pinapansin nun si Shin sa tiyan ko, lahat ng attention ko na kay Shun"

"Nung nalaglag siya, dun ko nalaman kung bakit. Kasi hindi ko pala magagawang mahawakan ang anak ko. Binigyan na ako ng panahon na mahalin siya kasi hindi ko naman pala siya maaalagaan" niyakap ako nito para pakalmahin, humingi naman ako ng tawad dito dahil baka epekto siguro ito ng postpartum.

(Postpartum means the time after childbirth where most women get the "baby blues," or feel sad or empty, within a few days of giving birth)

"It's okay, naiintindihan ko" pag-assure nito habang pinapakalma ako at sa kalagitnaan nun ay natawa kami dahil biglang nagising si Shira. "Ako na" aniya bago halikan ang labi ko at tumayo na para patahanin ang 18 months old na si Shira.

"Matulog ka na, anak ko. Pupunta pa tayo sa botanical garden bukas kaya dapat marami kang energy" sabi nito na ikinangiti ko, kinuha ko naman ang camera sa drawer malapit sa kama bago kuhanan ng larawan ang mag-ama ko.

Love Series #3: Je t'aimeМесто, где живут истории. Откройте их для себя