CHAPTER 45: ONE STEP AT A TIME

8 2 0
                                    

RASHIDA'S POV

"Ida, anak..." napatingin ako sa kanan ko at pilit na ngumiti nang makita ang mga magulang ko.

"Iuuwi na namin si Shin" sabi nito at tumayo naman ako para halikan ang ulo ng anak ko na buhat-buhat ni Papa. "Kami ng bahala sa apo namin, Rius" sabi ni Mama bago sila umalis ni Papa sa village hall dito sa Azalea Village.

Muli na kong naupo bago sinandal ang ulo ko sa balikat ni Darius at muling naiyak nang makita ang kabao ni Nica. "Nandito ako, nandito ako..." pag-assure nito sa'kin bago hawakan ang kamay ko. "Nandito lang ako"

At sa araw nang burol ni Nica ay ginawa na din namin ang eulogy nito. "I met Nica when I was in High School, along with Ida" panimula ni Dione.

"I can still remember her iconic above the shoulder haircut, yung duffle bag niyang wala namang laman" bahagya itong natawa bago punasan ang luha.

"She's a nice friend, very protective and caring" nakangiti nitong pag-imporma.

"She has this cold aura pero deep inside she's really warm. Lagi niyang sinasabi sa'kin na hindi niya gusto pag hinahawakan ko ang buhok niya, pagnilalagyan ko siya ng make-up o kaya pinipilit ko siyang gawin ang isang bagay na labag sa loob niya"

"Pero the last time that we talked, sinabi niya sa'kin that she came to enjoy or to like those things na ginagawa ko sa kaniya kasi masaya ako habang ginagawa yun"

"She even watch ratatouille with my Twins kahit takot siya sa mga daga kasi paborito daw yun ng kambal" tuluyan itong napahagulgol matapos sabihin iyon. "She really hate rats kahit picture lang nandidiri na siya"

"Nica, I'm sorry din dahil nahulog ko yung toothbrush mo nung high school tayo tapos hindi ko sinabi kasi natatakot ako sayo" humahagulgol nitong dagdag na bahagya naming ikinatawa.

"Alam ko din na wala kang tiwala sa'kin, pero I assure you na aalagaan ko si Neo" pagtapos nito bago ibaba ang mic sa podium at naupo na sa tabi ng asawa niya.

Sunod naman na akong nagsalita at inayos ko na muna ang paghinga ko bago nagsimula.

"I met Nica when I was in High School, we became friends dahil bigla na lang kaming nag-usap. Tas ayun friends na kami" panimula ko at bahagyang natawa nang marinig ang kanila.

"Nica is a nice friend..." pagpatuloy ko at hindi na napigilan ang maiyak.

"She was the swimming team captain" pinunasan ko ang luha ko bago tingnan ang kabao ni Nica. "I'm a competitive person" pag-amin ko nang muli ko silang tingnan.

"Probably kagagawan yun ng biological mother ko"

"Pero si Nica, pinaramdam niya sa'kin na okay lang na magkamali ako, okay lang kung matalo ako...na okay lang kahit maka-disappoint ako ng tao"

"Lagi niyang pinapaalala at ina-assure sa'kin na I'm a good athlete. That I shouldn't be trying hard, kasi kahit na ano pang gawin ko. She will always be proud"

"Nica, you're a great mother and a wife" pag-compliment ko dito. "You're an amazing mother"

"I'm sorry kung hindi kita nagawang protektahan mula sa criticism ng ibang tao pagdating sa pagiging nanay mo...I'm sorry"

"I always admire how brave she is, kasi natural na yun sa kaniya eh"

"Nica, I'm sorry that I lied" pag-amin ko. "Hindi ko pala kakayanin na mawala ka"

"I broke our promise na hindi ako iiyak...but I promise you that I'll take good care of Neo, aalagaan namin siya along with my Kids and I'll make sure that he'll get the happiest life and family" niyuko ko nang bahagya ang ulo ko sa harap nila bago inilapag sa podium ang mic at lapitan na ang asawa ko.

Love Series #3: Je t'aimeWhere stories live. Discover now