CHAPTER 28: AMERICA

8 4 0
                                    

MAYA'S POV

"Oh!" ani ko nang makasalubong ko si Morris sa loob ng clinic.

Nginitian naman ako nito bago ako tulungan pumasok sa loob. "Anong maitutulong ko sayo?" tanong niya nang maiupo na ako sa kama.

"Ahmmm, magpapapalit sana ako ng gauze..." sagot ko bago tingnan ang buong clinic. "Pero mukhang wala yung nurse eh-"

"I can do it for you" sabi niya at napatango naman ako bago siya ngitian.

Kinuha na nito ang kailangan niya bago kumuha ng upuan at ilagay ito sa harap ko tsaka siya naupo duon para palitan ang gauze sa paa ko. "Ano bang course mo?" tanong ko habang tinatanggal nito ang gauze. "You seems to be an expert in this"

"Nursing ang kinuha kong pre-med course, sabi nila magandang pre-med course daw yun eh" sagot nito at bahagya pang natawa bago ako tingnan mata sa mata.

"Okay lang ba? Does it hurt?" tanong niya habang hini-hilot-hilot ang sprain ko.

"Y-yeah" sagot ko at napangiti naman ito bago tuluyang palitan ang gauze, at nang matapos ay dumating na rin ang nurse kaya sabay na kaming lumabas at hinatid na din ako nito sa parking space kung saan nanduon na si Daddy.

"Good afternoon, Sir" bati ni Morris kay Daddy habang pangko-pangko ako nito.

Kinuha naman na ako ni Daddy bago binati si Morris. "I'm sorry but who are you? At bakit parang ngayon lang kitang nakita na kasama ng anak ko?"

"Morris Santiago po and we're friends but not that close to be all around each other" sagot ni Morris bago nagtungo sa pintuan ng kotse namin at pinagbuksan ako ng pinto para madalian si Daddy sa pagpasok sa'kin.

"It's nice meeting you, hijo" rinig kong sabi ni Daddy bago kamayan si Morris, tumingin naman ito sa gawi ko bago ako kawayan tsaka tuluyang umalis.

Nang makapasok si Daddy sa loob ay agad itong nagmaneho pauwi. "I like that guy" sabi nito sa kalagitnaan nang pagmamaneho.

"Like?" tanong ko bago siya tingnan.

"Hm! Like, I like him for you" napasinghap naman ako sa naging sagot niya. My Dad don't usually like it when men around my age approach me, and now here comes Morris, just introducing himself and he got my Dad all swayed.

Hanggang sa mag-Dinner kami ay hindi ito natigil sa pagkuwento tungkol kay Morris. "May girlfriend na ba si Morris?" tanong ni Daddy at napaisip naman ako bago umiling, nakaporma namang 'O' ang bibig nito habang natango nang sagutin ko na siya.

Makalipas ang tatlong linggo ay tuluyan na ding gumaling ang sprain ko at tuluyan na ding natapos ang exam day at ilang celebration na lang ang gagawin namin bago mag-summer break.

Matapos mapag-usapan ang bakasyon na gagawin namin ay sinamahan naman ako ni Nica sa bahay para magpaalam kay Daddy. "So...Tito, payag ka na ba? Pinayagan na ko, kaya payagan mo na din si Maya" tanong ni Nica matapos magpaliwanag dito.

"Pupunta ba dun si Morris?" tanong nito at nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Nica dahil sa narinig.

"Ahmmm, Opo. Si Morris po ang may-ari nung beach na pupuntahan namin" sagot ni Nica habang litong-litong nakatingin kay Daddy. "What's with Morris, by the way?" tanong nito bago ako tingnan.

"Oh! I like her for Maya" napatayo naman ako nang ayos nang tingnan ako mula ulo hanggang paa ni Nica dahil sa naging sagot ni Daddy. "Kaya sige, papayag na ako na pumunta si Maya dun" nagpasalamat naman kami bago lumabas sa opisina nito sa bahay.

"Nica..." ani ko nang nagmamartsa itong naglakad papunta sa kuwarto ko.

"Nica, kausapin mo ko" sabi ko bago isara ang pintuan ko at i-lock. "Gusto siya ni Daddy para sa'kin, pero hindi ko siya gusto-" nahinto naman ako nang tingnan ako nito habang naigting ang panga.

Love Series #3: Je t'aimeOnde histórias criam vida. Descubra agora