CHAPTER 5: CAPTAIN

17 3 0
                                    

DARIUS' POV

"Gising na!" napaubo naman ako ng biglang dumagan si Kuya sa'kin na talagang nagpagising sa'kin

"Tangina naman nento!" sigaw ko bago siya sipain dahilan para mahulog ito sa higaan ko

Naupo naman ako nang marinig itong dumaing bago suklayin ang buhok ko patalikod "Kung makikiligo ka sa banyo ko, gisingin mo ako ng maayos" iritado kong sabi

"Hindi ako makikiligo! Bumangon ka na daw sabi ni Mama!" sigaw nito bago ako irapan tsaka tumayo at pagpagan ang sarili

"Apakayabang mo na porket may hot water yang shower mo, gina-ganiyan mo na ako" pagtatampo nito at hindi ko naman maiwasan ang mandiri ng ngumuso pa ito sa'kin

"Lumabas ka na nga lang dito!" sabi ko "Wala akong balak suyuin ka nang ganito kaaga" nagpapapadyak naman itong lumabas ng kuwarto ko

Bumangon naman na ako at nag-unat-unat na muna bago dumiretso sa banyo para maligo, nang matapos ay nagsuot na ako ng uniporme bago lumabas ng kuwarto at nagkatinginan naman kami ni Kuya nang magkasabay pa kami pababa

"Ohhhh, Good morning sa mga artista kong anak" sarkastikong bati ni Mama at pinagtulak pa kami nito ng upuan

At nang makaupo na kami ni Kuya ay agad naman kaming nakatanggap ng pagbatok dito "Mga college student na kayo pero ako pa din ang nagluluto ng almusal niyo" pag sermon nito

"Hindi kayo mga artista para pagsilbihan ko, at mas lalong hindi niyo ako katulong para gawin yun" nagkatinginan naman kami ni Kuya dahil sa umagang panenermon ni Mama

"Nung college ako, mag-isa na akong namumuhay nuon. Marunong na akong magluto ng sarili kong pagkain mapa-almusal, tanghalian o dinner man"

"Eh kayo? Anong alam niyong lutuin?" tanong nito bago maupo sa tabi ni Papa na kapwa namin ay nakaayos ng upo at tahimik lang

"Marunong kaming mag toast ng tinapay-" agad namang tinakpan ni Kuya ang mukha niya gamit ang mga braso niya nang itaas ni Mama ang kamay na may hawak na kutsara

"Mabuti na nga lang at marunong kayong mag saing at maglaba" sabi nito bago lagyan ng egg roll ang mangkok ni Papa

"Sabi mo kasi itatakwil mo kami kung hindi kami marunong mag saing" sagot ni Kuya at muli naman itong napatakip sa mukha para protektahan ng masama siyang tingnan ni Mama

"Rice is important to any Asian households" sagot ni Mama bago hinawakan nang ayos ang chopstick nito at nagsimula na ring kumain "Kaya dapat lang na marunong kayong mag saing"

"Ni hindi nga kayo marunong gumawa ng kimchi!" galit na naman nitong sabi na nagpaigtad kay Papa

"Honey, relax...we can teach them how to make one sa Saturday o kaya sa Sunday" pagpapakalma ni Papa dito bago kunin ang kanang kamay ni Mama tsaka halikan ang likod ng palad nito

Tiningnan naman siya ni Mama dahilan para mapaatras ito "How can you teach them?! Eh hindi ka rin naman marunong" sagot nito bago bawiin ang kamay kay Papa at nagpatuloy na muli sa pagkain

"I know how to make hotteok" pagsali ko sa usapan at napatingin naman sa'kin si Mama bago napangiti

"Make me one later pag uwi mo" nakangiting sabi nito at tumango na lang ako bago nagpatuloy sa pagkain

"Oh! I hear may bago nang captain ang basketball team niyo, totoo ba yun?" tanong ni Papa at napatingin naman ako kay Kuya dahil wala akong alam tungkol sa pagkakaroon ng bagong captain

"Thank you po" sagot ko kay Mama nang bigyan ako nito ng spam

"I mean, I'm a graduating student" panimula ni Kuya "Kaya nag-usap na po kami ni Coach kung sino ang magiging next na captain pag grumaduate na ako"

"Oh! Thank you po" sagot ni Kuya nang bigyan din siya ni Mama nang spam

"And may napili na po kami" napatango naman kami ni Papa dahil duon

Habang kumakain ay hindi ko naman maiwasan ang malungkot, itong year na pala na ito ang huling taon kong makakasama si Kuya na maglaro, kaya susulitin ko na bago pa siya sumabak sa training niya sa Air Force

Nang makapasok kami sa school ay tawa naman kami nang tawang magkakaibigan habang naglalakad sa hallway at hindi naman maiwasan ang manibago habang nasa loob ng classroom dahil sa mga bago naming nakakasalamuha sa school ngayon pero kailangan ko nang masanay dahil meron pa akong two years sa school na ito

RASHIDA'S POV

"Okay, class dismissed" sabi ng advicer namin kaya tumayo na kami para magdasal bago nagpaalam sa teacher namin at lumabas na ng classroom

"Libutin natin yung school?" tanong ni Dione at agad naman kaming tumango bago tumakbo pababa at tawa naman kami ng tawa dahil sobrang unnecessary naman kasi ng pagtakbo namin

Dinaanan namin ang mga bagong classroom at ang mga bagong pavilion, maya-maya pa ay nakarating na din kami sa basketball gym ng school at may naabutan kaming nag-te-training duon

"I told you mas guwapo ako sa kanila, tangkad lang nilamang nila sa'kin" sabi ni Nica na patuloy pa ding nagtatampo kay Maya "Tsaka etits" dagdag nito at natawa naman kaming tatlo

"Oo na! Mas guwapo ka na" sabi ni Maya bago panggigilan ang pisngi ni Nica na ikinatawa namin ni Dione

"Oh! Good afternoon po" bati namin nang makita ang coach ng basketball team

"Good afternoon po" bati ni Maya at Nica dito tsaka nagpatuloy ulit sa pagbabangayan

"Manunuod kayo ng training?" tanong nito at umiling naman kami

"Naglilibot lang po, ang dami po kasing bago ngayon" sagot ko at napatango naman ito bago tingnan ang mga players niya

"Do any of you do sports?" tanong nito sa'min

"Swimming po kami ni Nica, yung babae pong maikli ang buhok" panimula ko habang nakaturo kay Nica "Siya din po ang Captain"

"Ballet naman po si Maya" ani ko bago ituro si Maya "At nasa women soccer team naman po si Dione, Team Captain po" pagtapos ko bago ituro si Dione

"Malapit-lapit na din ang mga tournaments niyo, good luck" sabi nito at nagpasalamat naman kami

"Oh! Ipapakilala ko sa inyo ang Team Captain, which is isa sa mga senior niyo dahil graduating student na siya at ang papalit na din sa kaniya na Captain" sabi nito bago may sinenyasan na lumapit sa kaniya

"This is Shun Santiago, ang Team Captain" ngumiti naman ito sa'min at kinamayan naman namin siya

"Nice to meet you..." sabi ko nang kamayan na ako nito

Ang guwapong singkit...

He has a medium length style with long layers for a hairstyle, singkit ang mga mata nito and it is so tantalizing, maganda din ang katawan niya muscles are in the right places, matangos din ang ilong at mapula ang labi niya. This man is drop dead gorgeous.

"At ang bagong Team Captain..." panimula ni Coach Amir at nahigit ko naman ang paghinga ko nang magtagpo ang mga tingin namin ng papalit kay Shun bilang Captain

"Shin Santiago" pagtapos nito at nanatili naman ang mga tingin namin sa isa't-isa

"Hi..." ani ko bago ilahad ang kamay ko sa kaniya

Ngumiti naman ito pabalik bago tanggapin ang kamay ko "Hi..." aniya habang kapwa kaming titig na titig sa isa't-isa

Love Series #3: Je t'aimeWhere stories live. Discover now