CHAPTER 1: PHONE NUMBER

36 3 0
                                    

DARIUS'S POV

"Bilis akyat!" pabulong kong utos kay Kuya

"Wag mo kong madaliin! Hindi ko kasalanan kung bakit late na tayo umuwi!" pabulong niyang singhal sa'kin

"Eh, Hyung-"

(Hyung/Hyeong 형제 means older brother in Korean)

"Shin, Shun" natigil naman kami ni Kuya sa paglalakad papunta sa hagdan nang marinig iyon

"Ang ingay mo kasi" pagsisi nito sa'kin at hinampas ko naman ang braso niya

"Lumapit kayo dito" sabi ni Mama at agad naman kaming dumiretso sa kaniya

Nakaupo ito sa sofa at hindi rin maganda ang aura nito, nagmano na kami sa kaniya ni Kuya bago halikan ang pisngi niya "Anong oras na?" tanong nito at sabay naman naming tiningnan ni Kuya ang malaking orasan sa likuran ni Mama

"9:00-"

"Ng gabi" pagtapos nito bago tumayo

"Pinapayagan ko naman kayong umalis ng bahay, pero bakit naman sa ganitong oras kayo uuwi?" galit at nag-aalala nitong sabi

Napatingin naman ako sa may gilid ni Mama nang may maglakad palabas ng kusina "Pa-"

"Wag niyo kong idamay diyan" sabad ni Papa nang hihingi sana ako nang tulong dito

Nilapitan naman nito si Mama bago ito abutan ng tubig "Diyos ko, tatanda ako sa inyo ng maaga" sabi nito

"Sorry po, di na mauulit" sabi namin ni Kuya

"Ikaw kasi eh" pagsisi nito bago ako sikuhin "Ang tagal naman kasi nang kuwentuhan niyo nung babaeng yun"

"Hoy! May pangalan siya" sigaw ko bago siya tingnan

"Ba't mo ko sinisigawan, I'm your hyung!" sigaw nito bago hawakan ang kuwelyo ko at hinawakan ko naman ang leeg niya

(Hyung/Hyeong 형제 means older brother in Korean)

"Nan ne dongsaeng-iya!" sigaw ko

(Nan ne dongsaeng-iya 난네동생이야 means I'm your younger brother in Korean)

"Babae?" natigil naman kami dahil sa naging tanong ni Mama

"Opo, pinilit kami ni Morris na makipag blind date kanina" sagot niya at itinulak naman ako nito nang idiin ko ang pagkakahawak sa leeg niya

"Jojgat-eun saekki!" sigaw nito at nakatanggap naman ito nang pagbatok kay Mama

(Jojgat-eun saekki 좆같은 새끼 means this fucking bastard in Korean)

"Aguy!" ani ko dahil sa nangyari at pinigilan ko naman ang sarili ko na sabihan si Kuya na 'bobo' dahil baka makatanggap din ako nang pagbatok

"Then what happened?" tanong ni Mama sa'kin habang hinahaplos ang likod ng ulo ni Kuya

"Actually the girl that I was talking to in the coffee shop was not my real date, my real date ditched me while she ditched hers" sabi ko at natawa naman si Kuya na agad ding natigil nang tingnan siya ni Mama

"Then yun. We talked and get to know each other. She's nice and smart" dagdag ko at tumili naman si Mama kaya gulat kaming napatingin sa kaniyang tatlo na lalaki

"She's really something" paglabi sa'kin ni Kuya at nilapitan naman ako ni Papa

"Hey, it's late na. Matulog na tayo" sabi nito bago ipalibot ang kamay sa beywang ni Mama tsaka ito ngitian

"Ew!" sabay naming ani Kuya dahil duon

"Kung kelan naman hindi na nanghihingi si Shin ng bunsong kapatid, tsaka niyo naman siya bibigyan" sabi ni Kuya at sabay naman kaming napatakbo sa hagdan nang tingnan kami ni Mama

Love Series #3: Je t'aimeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz