39th: Family

160 15 0
                                    

"IKAW LANG MAG-ISA dito, Dad? Paano ang mga gawaing bahay?"

"Nagpapatulong ako sa mga labahin," mabagal niyang sabi sabay tango-tango. "Nagbabayad ako kada linggo. May isang pamilya katabi ng bahay na ito. Sila ang nagtatrabaho sa lupa ko sa tapat—pinataniman ko ng mais."

Tumango-tango ako, pinagtatagpi ang mga kinukuwento niya. "It must be hard all along, Dad."

"Batid kong mas naghihirap ka. Dahil wala kang natanggap ni isang duling mula sa Tatay mo."

"I am old enough."

"You said you were, even years before you become one."

I sad smile crept on my lips. The entire house looked cozy but the silence was defeaning. Malayo ang desinyo ng bahay sa dating bahay namin sa Zambales. Hindi ko na iyon masyadong maalala. The walls inside were covered with curtain. Like the outside of the house, it was furnished too.

"May dalawang kwarto sa bahay na 'to. Dalawang banyo. Isang kusina at isang sala."

Tumango ako at pinasadahan ng tingin ang piligid.

"You shouldn't live in a house like this, Lienna. Lalo pa't may dinadala ka sa sinapupunan mo."

"Bakit po, Dad?"

"Mahirap ang buhay dito."

"Alam ko po."

"May naipon ako sa bangko mula pa noong umalis ka. Noong tuluyang bumagsak ang kompanya, hindi ko na iyon ginalaw pa. Iyon sana ang ipapamana ko sa iyo. Ngunit ka-kailanganin mo na iyon ngayon."

"Dad..."

"Kailangan mo ng tulong. Are you gonna raise the child alone? What about the father?"

Tumikhim ako at nanubig ang mga mata. "Malabo pa, Dad eh."

Nilunok ko ang pait sa lalamunan. It was the truth. I couldn't get a hold of Eustace. Perhaps all he knew is that I ditched his proposal, which I actually didn't.

Hindi na ulit nagsalita pa si Dad. Lumalim na ang gabi kaya ay nagtanong ako kung matutulog na ba si Dad. He nodded silently.

"Bakante ang kabilang kwarto." Nagpresenta akong tulungan siya sa paghiga pero umiling lang siya. Sa loob ng kwarto niya ay isang maliit na kama. Dumapa siya doon at dahan-dahan na gumapang. Huminga ako nang malalim nang maramdamang parang dinudurog ang puso ko. It was this hard all along to be a parent and alone.

Napahawak ako sa tiyan...

Inayos ni Dad ang unan sa bandang ulo at binuklat ang kumot.

Lumapit ako sa kanya. "Ako na po, Dad." At inayos ko ang kumot sa bandang paa niya.

Umatras na ako at pumikit na si Dad. No words come out of his mouth. Kung katulad ng dati at sinabi ko sa kanya ang sitwasyon ko ngayon, sigurado akong hanggang ngayon hindi pa siya titigil sa pagsasalita. But right now, we were enveloped by silence and understanding. Mga bagay na sobrang hirap hagilapin noon.

Hinanap ko ang light switch. I turned it off at lumabas na ako ng kwarto.

Sinalubong ako ng tahimik na sala. Naupo ako sa maliit na sofa. Maybe all along, I was meant for simplicity and ease, because that is where my heart always goes back to rest.

At the end of the day, andito ka pa rin para sa sarili mo ano man ang mangyari.

It was pride that held me back to approach my Dad. And it was guilt that had pulled him away from me at the same time.

Pride and guilt... would I allow the same things to pull me and Eustace away from each other? Or did we already?

Huminga ako nang malalim at binuksan ang cellphone.

Keep Me CloserWhere stories live. Discover now