19th: What To Do

153 5 1
                                    

RINIG KO ANG pagtambol ng dibdib ko habang hindi mapakali sa kinauupuan. Eustace turned on the car's engine and he was about to step on the accelerator when he glanced at me. "What did Rhyl set you up with?"

Pumikit ako sabay hawak sa noo. "I don't know."

"Tangina," mura ni Eustace at nagsimula nang magmaneho.

Tinahak namin ang kalsada sa unahan at hindi bumalik sa highway. Kinakabahan akong bumaling kay Eustace, magtatanong sana nang sinalubong niya agad ang paningin ko.

"Hindi tayo pwedeng dumaan sa highway. Baka may checkpoint bandang gabi," aniya, bakas ang pagkabalisa sa higpit nang pagkakahawak sa steering wheel pero kita pa rin ang pagiging kalmado.

I could never face Eustace in my confused and chaotic state-because his demeanor that I see this time will be the oppositite of mine kapag nagsimula na akong mag-alala at maging balisa sa sitwasyon ngayon

"It's still 4 in the afternoon," I said, trying to grasp on some hope that was left in me. Huminga ako nang malalim at tinitigan ang box na dala-dala ko.

Mabigat iyon at medium size na rectangle.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa bawat gilid tapos inangat. Matibay ang box nang niyugyog ko ng kaunti ay tumunog ang laman.

"Huwag mong alugin."

Agad kong ibinaba ang box at tumingin kay Eustace na parang may nagawa akong mali na hindi dapat.

"We don't know what's inside."

"Exactly, Lienna."

"Don't you think we must know?"

"Sa tingin ko oo," sagot ni Eustace.

"But we can't just open someone's package." Tumingala ako sabay napasinghap. "Shit. Ano ba naman 'to!"

Lumapat ang batok ko sa headrest ng passenger's seat pero sa halip na mapapikit at makapagrelax sa malambot na pakiramdaman-hindi ko magawang makapag-isip ng tama. Mas lalo lang ako nangangamba sa bawat paglipas ng mga minuto.

"Paano kong i-surrender natin sa Sherrif's office?" sabi ko.

"Paano kung magagawa naman nating makabalik sa Detroit ng walang nangyayaring masama?"

Isang liko ang ginawa ni Eustace at hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang highway. I-ilang sasakyan lang din ang nasa unahan at mga nakakasalubong namin.

"I just have to get this to Rhyl. End of story," saad ko at tumingin sa kanya.

Right. At this point, I was desperately looking for a validation that I'm about to do is the right thing.

Maybe the girl was just kidding and trying to scare us both? But what would this small package contain that it would theaten our safety?

Hindi ko namalayang nakabaling na pala ang atensyon ni Eustace sa akin habang nakatuon pa rin ang atensyon sa pagmamaneho. "Ano ba ang sinabi ng babae sa 'yo kanina?"

I pursed my lips and then did my best to provide a coherent answer despite my nerves starting to cloud my rational thoughts.

"She warned me about the police finding out about the transaction. But... Eustace." Tumigil ako sa pagsasalita para makapag-isip nang maayos. "They were in a hurry. I'm sure of that. But I think they laughed before they drove the car away from the meeting spot earlier."

"Tumawa sila?"

"Ang driver ng sasakyan ay seryoso at halatang gusto na agad umalis. Habang ang babae... matapos akong balaan, she grinned and for three seconds her laughter echoed at the backseat then they sped off."

Keep Me CloserWhere stories live. Discover now