10th: With You

192 13 5
                                    

HINDI PA SUMISIKAT ang araw ay nasa balcony na ako dala ang isang maliit na speaker habang naghahanda nang sumayaw. Suot ko na ngayon ang workout clothes ko pero dahil wala sa tamang kundisyon ang katawan ko para magworkout dahil puyat ako kagabi, I would spend the next two hours dancing my frustrations out. I hope it helps.

My hair was carefully held in an updo. May kataasan ang buhok ko kaya sobrang dali lang gawin.

Itinaas ko ang dalawang mga kamay at nagsimulang magstretch. Today begins the first day of me claiming back my life. I don't need anyone to lean on. I have myself. I shall freely express myself through dwelling on things that had fueled me years ago.

Dancing.

Dinama ko ang malamig na hangin at ipinikit ang mga mata.

Ilang saglit lang ay tumugtog na ang up beat song na p-in-lay ko sa speaker.

I mastered the rhythm and decided to begin my count. Hinayaan ko ang sarili at pinuno ng hangin ang dibdib pagkatapos ay nakangiting nagsimula sa pagsayaw.

An hour passed and I was already too immersed in the music that I was practically making up moves that would synchronize with the music: a glide on the side, a march to the front, sway on the hips, and a thump on my feet.

Someone had told me I am not really good at hip-hop dancing. Well, maybe he'd think otherwise after he would see me with the way I-

Basta akong napatigil sa dapat sanang susunod na step na gagawin nang mapatingin ako sa katabing balcony at nakitang naroon si Eustace, nakatayo sa isang gilid at tahimik na nakabaling ang atensyon sa banda ko.

When he realized that I saw him and stopped dancing, he cleared his throat and tried to stand properly. Earlier, he was leaning on the railings at sa likuran ay ang papasikat na araw at ang langit na nagkulay payapang asul.

I thought he would pretend that he wasn't watching but I saw him slowly clap his hands and he gave me a nod. "I didn't know you're a good dancer."

Tapos ay ngumiti siya na ikinabusangot ng mukha ko.

"I can dance that's a given," malamig kong saad at tatalikod na sana pero agad nagsalita si Eustace.

"I didn't mean to distract you from your reverie. Nagising ako kasi ang lakas ng tugtog. Tiningnan ko lang kung saan galing."

"At nabulabog kita?" I asked, I didn't mean to sound sarcastic pero iyon yata ang kinalabasan ng tono ko. "Palagi ka na lang may reklamo sa ingay rito. Noong nandito pa si Avie sa Michigan at dito niya muna ako pinatuloy, iyan din ang sabi mo."

Basta kong kinuha ang maliit na speaker na ginagamit ko kanina. I even climbed to the edge of the railing para ilapit iyon sa kanya at ipakita.

"Ganito lang kaliit ang speaker na ginagamit ko ha. I tell you hindi nito magigising ang buong barangay."

"Pero magigising mo ang katabing unit."

"Hindi naman nakafull on ang volume ng phone ko!"

I extended a hand in an attempt to really make him see how small the speaker is pero dahil sa pag-akyat ay nadulas ako nang kaunti.

"Careful, Lienna!" malakas ang boses ni Eustace, halos sumigaw... kita ang kaba sa mukha.

Muntikan na akong mapatungo sa railing at mahulog, mabuti na lang at nakakapit ako nang mahigpit at agad naibaba ang mga paa.

Tumitig ako sa ibaba sabay atras.

Nanlalaki ang mga ko at lumapat ang isang kamay sa dibdib.

"Ingat kasi," Eustace mumbled pero kahit mahina ay narinig ko pa rin.

Keep Me CloserWhere stories live. Discover now