5th: Ashamed of it all

301 16 0
                                    

"THAT WOMAN," I said as I reached for the bottle of beer in front of me. Hawak ko na ang bote ng alak nang itinuro ko ang tinutukoy. "Yes, that tall woman with curly hair whose smile's almost stretched to her entire face, is my friend Danica."

Tumango-tango si Eustace. "So, hindi ka pala mag-isa rito?"

Sa harapan ko ay nakasandal si Eustace sa sariling upuan. Kalmado siyang nakaupo habang napapatingin sa paligid.

Hindi tulad kahapon, dahil medyo maaga pa nang magpunta kami ngayon dito sa grill, chill pa ang paligid at halos iilan lang ang nag-iinuman. Acoustic country songs played in the background as we talk to each other humming to the unfamiliar yet cozy hymn of the music.

"What do you mean mag-isa? Here in Michigan?" I asked.

He didn't say anything but only gazed at me.

I shrugged. "I guess, I'm not alone at all."

Lumingon siya sa likuran nang may babaeng natisod doon na agad humingi nang pasenya. Eustace stood in his seat and nodded his head to the girl-medyo tumitig siya saglit rito pero hindi nagsalita. I bet he just checked if the girl hurt herself after she bumped on his seat.

Ngumiti ang babae pagkatapos ay nagpatuloy na sa paglalakad.

Bumaling ako sa hawak kong bote ng alak at inabot ang can opener.

Saka lang ulit ako napatingin sa kanya nang marinig ang boses niya. "Gusto mo ako na?" tanong niya, nakaupo na ulit.

"No, it's fine."

I smiled then positioned the opener on the top of the battle. A swift flick and a pull displayed my familiarity with the act. "Sanay naman akong magbukas."

Tumango na siya. "Dito ka tumatambay?"

"Yup," I said then hunched over our table. "Madalas ako rito-this grill, as you can see, is one of the most famous in downtown Detroit. Nandito na 'to noon pa. More than a decade I guess. Ipinamana na nga ng tunay na may-ari sa mga anak niya. Now, they renovated this as a pub. Kind of."

"A grill with a history and legacy."

"You could say that."

Nanaig ang tugtog sa maliit na make-shift stage sa gilid namin kaya natahimik muna kami at sabay na napatitig banda na nasa harapan.

Almost all of the members were wearing a cowboy hat, tatlo lang sila: isang vocalist na nakasuot ng kurdoroy pants, ang isa ay nakasuot ng brown boots at puting loose shirt na pinatungan ng leather jacket. The other one is wearing earth tone colored clothes. They were all dressed in a country vibe-sakto sa music na tinutugtog nila.

Slowly... a small smile stretched on my lips while looking and listening to them.

Tumikhim ako nang mapansin na nakatitig na sa akin si Eustace.

"They're great," saad niya.

"Yeah." Nasabi ko na lang, sabay lagok ng alak galing sa bote. S

umulyap ako sa baso ng tubig na nasa tabi ni Eustace na nangalahi na ang laman.

"I'm a fan of acoustic music," dagdag niya. Magkapareho na kami ng reaksyon ngayon habang nakamasid sa mga tumutugtog.

"I do..." I mumbled. "I do appreciate that kind of music too."

Hindi inalis ni Eustace ang pagtitig sa akin. "Ngayon lang ako nakapanood ng live acoustic performance ng banda na tumutugtog sa harapan." Tapos ay napangiti siya.

Tumitig siya sa banda at nanood. He's banging his head lightly as he enjoyed the music.

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ko.

Keep Me CloserWhere stories live. Discover now