15th: Unfortunately

171 8 0
                                    

NASA LOOB na kami ng sasakyan niya at nakangiti ko siyang nilingon habang nakaupo sa driver's seat.

"Are you sure you know how to drive?" tanong ni Eustace sa akin.

Bakas sa mukha ni Eustace ang kaunting ngiti sa labi pero ayaw pa rin maniwala sa akin na marunong ako magdriver. Siguro dahil mahigpit ang pagkakahawak ko sa steering wheel at halos hindi na ako kumilos pa nang maupo na sa puwesto ko ngayon.

But it wasn't because I don't know how to drive. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela para hindi niya makita ang panginginig ng kamay ko.

If he was able to read my mind he would know that my knees were shaking too. Dahil sa paraan kung paano niya pinaglapit ang mga sarili namin sa isa't-isa kanina.

It might have been just a simple hug. Pero hindi. Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo mula sa balikat ko hanggang sa gilid ng mga pisngi. And when his palms touched the small of my back I couldn't help but heave a sharp breath. Then he gently buried his head on the small gap between my shoulder and neck. Then I heard his sobs-it was gentle. Mahina, na parang ayaw iparinig sa akin.

But I knew at that point whatever that's bothering him took its toll. Because Eustace was the type of person who can held his emotions in. Who can endure and shrug off the pain when he still can. Until he couldn't anymore.

God. Hindi ko inakalang naiintindihan ko na siya nang ganito ka lalim-eh halos dalawang buwan pa lang naman kaming magkatabi ng unit at nakakausap ang isa't-isa.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Yakap-yakap ko siya kanina pabalik. Sinubukan na patahanin siya. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakapikit na rin ako. Dinadama kung gaano kami kalapit.

Nang matauhan ako sa naisip kanina ay agad akong nagpresenta na ako na ang magmamaneho pauwi sa apartment. Para itago ang hiya, kaba, at takot. Eustace wanted to retort but he was tired. He couldn't find words unlike before. I could see it in his eyes. Today was truly a bad day.

Ngayon ay huminga ako nang malalim. Tumitig muna ako sa harapan at sa kanya ulit. "Bago tayo umuwi, ayos lang ba sa 'yo na pumasyal muna tayo rito sa Detroit?"

"Naalala mo siguro iyong sinabi mo sa akin na gala?"

"Yes, my memory is pretty impressive even at this age."

"Hindi ka naman Lola para maging makakalimutin."

"Sarcastic mo. Basta alam mo na kung ano'ng gusto kong sabihin."

"I heard from Aeyzha that you only stayed in Livonia when you were here in Michigan. How true is that?"

"Entirely true."

"So, hindi ka nakakagala rito sa Detroit?"

"I did twice together with some people."

"Friends?" I asked.

"How much would be the rate if I'll book for a tour guide around downtown Detroit?"

Pinagmasdan ko siya nang mabuti. Alright, that might have been too much prying. Kaya sinabayan ko na rin ang pag-iba niya ng topic.

Bumusangot ang mukha ko. "Maghahanap ka ng iba?"

"Bakit? Kaharap na kita ngayon..."

Pigil ang hininga ko siyang pinagmasdan. "I'll be your tour guide then?" Napahawak ako sa dibdib, nakangiti.

"Right. How much for a three-hour tour?"

"Libre na para sa 'yo. Ang lungkot mo ngayong araw."

"Seems a great deal."

Keep Me CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon