8th: Now Trying

196 12 0
                                    

WALANG UMIIMIK sa aming dalawa ni Eustace habang dinig ang pagtunog ng orasan na nakasabit sa dingding sa living room.

Ang tissue na nakasuksok sa ilong niya ay nagkulay pula na. Luckily, tumigil na sa pagtulo ang dugo. But I think he should visit a clinic or whatsoever, baka napuruhan ang ilong niya dahil sa suntok.

"Kailangan mo sigurong magpunta sa ospital?"

Lampas ang paningin ni Eustace mula sa akin at sa... bintana.

Hindi siya sumagot at umiling-iling lang.

Tumango naman ako at huminga nang malalim. I should probably head inside.

"Take as much time as you need to feel better. Tapos isara mo lang ang pinto kapag umalis ka-"

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin nang agad na tumayo si Eustace. Gumalaw lang ang ulo niya nang kaunti at humahakbang na agad siya palabas.

Habang ako ay sinundan siya ng tingin bago napatango-tango tapos nagkibig ng balikat.

Bumalik ako sa kusina para magpatuloy sa pagkain.

By 10 am, I finally had some errands to attend to. Hindi naman mahirap magschedule ng mga dapat gawin kung ni isang bagay wala ka pang balak na gawin dahil wala ka pang nasisimulan.

I managed to schedule an appointment with the owner of the grill, where I had once worked before. Iba na ang may-ari pero nagbabakasakali akong ma-hire ulit. Maayos naman ang record ko noong dati na nagtrabaho ako sa kanila.

When I was nineteen, I dropped out of college. But I went on with my life-thinking I finally had the freedom that would make me happy.

Maybe we'll always gonna have moments in our life that we would soon regret as we get older. But the experience and lessons incurred by those moments will always be treasured.

At twenty, I have been part of a serving crew in a bistro. Sa mga sumunod na taon ay nagtrabaho na rin ako sa grill. Hanggang sa kailangan kong umuwi sa Pilipinas at harapin ang pamilya ko at ang sitwasyon ni Mama.

That was when I felt like my life had paused. Sa ilang taon na patuloy kong pinipili ang sarili ko, matapos makasama si Mama sa Pilipinas ay napagtanto kong isang ilusyon na isiping kaya ko silang talikuran at magiging masaya ako na mag-isa. Pamilya. I needed them to feel whole.

We have to be alone in this life, that's a given. Pero kung may mga pagkakataong pwede mong kasama ang mga mahahalagang tao sa buhay mo sa bawat hakbang na tatahakin, parang kakayanin mo lahat ng problemang darating-kahit pa araw-araw ang hirap.

Wala na si Mama. Si Papa? Ayaw magpakita sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Hindi rin ako ganoon katapang para ipilit na alamin agad ang rason.

I just want to continue my life whatever phase I am in at this point. I should make do of what circumstances are given to me. If I have to live paycheck to paycheck, ngayong nagsisimula na naman ulit ako, ayos lang.

All I have to do is wake up, work, and mind my own life. Then repeat.

Ngunit napatigil ako sa mabilis na paglalakad palapit sa bungad ng grill nang maaninag ang isang lalaki sa unahan, na ngayon ay humahakbang din. Makakasalubong niya ako kung hindi agad ako papasok sa loob ng grill.

Yumuko ako at inayos ang sarili. Pero hindi na ulit ako sumulyap sa banda niya.

Hindi naman siguro masamang isama sa plano ko ang makipagbalikan sa ex hindi ba?

Tinampal ko ang noo.

He ignored you, Lienna. I should do the same.

Tumikhim ako at ngumiti sa cashier ng grill na agad akong binati pagkapasok sa loob. "Good day. What would you like to have?"

Keep Me CloserWhere stories live. Discover now