16th: Tied Together

173 5 0
                                    

NAKANGITI AKO habang nakaamba sa railing. Ramdam ko si Eustace sa tabi ko at pareho kaming nakatingin sa dagat.

The senery in downtown Detroit was astounding. Sa tingin ko ay magkaparehong nakaawang ang bibig naming dalawa-titingala sa langit pagkatapos ay tititig sa dagat.

Tumikhim ako tapos ay gumalaw nang kaunti. Sumandal ako sa railing, ngayon ay nakatalikod na sa dagat pero nakaharap kay Eustace na agad na napatingin sa akin. Tumingin ako sa kanya. Ngumiti nang kaunti tsaka tumitig ulit sa harapan. Sumalubong sa mga mata ko ang tanawin na kasing ganda rin ng tawanin sa likuran ko.

Sinundan ni Eustace ang kilos ko at tumitig na rin sa kung saan ako nakatingin. Pero kumilos ulit ako at muling tumitig sa dagat.

Nakakalula man ang iilang buildings pero sobrang fulfilling ang pakiramdam kapag nakadungaw ka na sa dagat. It seemed like your soul found peace and rest after an endless roaming around a path that you're unsure of. And you know that things weren't certain this time too, yet your heart is in peace. Somehow like that.

"Ang likot mo naman," saad ni Eustace.

"Hindi ako makapagdecide saan mauunang tumitig," saad ko.

Kadalasan ay bubusangot na ang mukha ko sa komento niya pero nangingiti pa rin ako habang nakatitig sa dagat at paminsan-minsan ay sa kanya.

"Sa akin. Pwede naman."

Kumunot ang noo ko. "Ano 'yon?"

"Isa-isa. Pwede naman." Sumagot siya na parang normal na sa kanya ang magsinungaling.

Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Iba ang narinig ko kanina."

"Kaunting kalandian."

"Jusko ka." Itinulak ko siya nang bahagya sa balikat.

"Hindi ka na mabiro."

"Gano'n ka ba magbiro? Nakakakaba ha."

Natawa siya.

"Hindi ko mahulaan kung nagbibiro lang ba ang isang tao o hindi," mahina kong sabi. "Maawa ka sa puso kong madaling mahulog at umasa."

Halos gusto kong tampalin ang noo ko dahil sa naibulalas. Lumunok ako habang dama ang paggapang ng kaba mula sa dibdib ko papunta sa mga kamay at noo na unti-unting pinagpapawisan.

"Hindi na ata iyan problema. Hulog na hulog ka pa rin sa isang tao."

Bumaling ako sa kanya. This time, I didn't bother shifting my gaze towards the river after a minute has passed. Hinayaan kong maglagi ang paningin sa kanya.

Nang gumalaw siya at humarap sa akin at pinaghinang ang mga mata naming dalawa, parang lumabo ang paligid. Tanging ang sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha na lang ang nanatiling matingkad sa paningin ko.

At parang umingay ang paligid.

Aside from the rumbling footstep from the people roaming around the street, I could hear the wild beatings of that soft tissue caged inside my chest.

Hindi tamang ganito ang reaksyon ko sa tuwing mapapatitig kami sa isa't-isa.

"You're not saying anything. But your eyes seem to have a conversation with my soul."

Tumikhim ni Eustace pagkatapos sabihin iyon.

Kumurap-kurap ako.

What did he just say?

Tumalikod sa akin sa Eustace. Inabot iyon ng ilang minuto.

Nakatitig ako sa likuran niya, walang masabi, walang maintindihan. Dahil siguro mas mabuting hindi na lang iyon intindihin. Kaysa magkamali sa pag-intindi sa sinabi niya na wala naman siyang balak na ipaliwanag. Baka nga pinagsisihaan niyang sinabi niya iyon.

Keep Me CloserWhere stories live. Discover now