4th: Kinda-friend

382 15 2
                                    

NAPAHAWAK AKO sa leeg at 'tsaka dahan-dahan na idinilat ang mga mata. I raked my free hand on the surface where I lay flat on my stomach. Nakatulog ako sa... hindi ko malaman kung ano. Sahig?

Umiling-iling ako.

There's no way this would be the bed dahil masikip at matigas nang konti.

Dahan-dahan kong inangat ang sarili ko at sinilip ang hinihigaan ngayon.

It's the wooden couch.

Right. Nakatulog ako sa wooden couch dahil sa pagod at kalasigan kagabi.

I inhaled a breath.

Nakapikit pa ang isang mata ko at kinapakapa ang sahig. Para akong starfish na nakadapa sa kahoy na couch na sakto sana sa balcony pero ipinasok ko muna sa loob ng living room noong naglinis ako.

Kung akalain mo nga naman, it seemed that it was a perfect moment that I decided to put it here inside for the meantime.

Dito na pala ako inabutan ng antok pagkatapos mapasalampak sa sahig at matawa sa sarili dahil sa nangyari kahapon pauwi.

Si Eustace...

It was only at that moment that I had a good laugh with my own misfortune dahil napangiwi agad ako nang maalala 'yon nang buo.

Fuck, I must have been too stupid in front of Eustace.

Nakakahiya.

Bumangon na ako pero tuwid lang ang tingin sa harapan. Sumisikat na ang araw at ramdam ko na rin ang pag-init ng paligid.

Napahawak ako sa noo hindi para pahiran ang pawis pero para sakupin ang ulo ko. My head hurts-kahit sanay na ako sa hangover tuwing napapainom ako ng alak, hindi ko pa rin magawang hindi pansinin ang sakit.

Kinuha ko ang bag na nasa sahig, hinalungkat ang eye-glasses at agad iyong isinuot. I blink twice to steady my eye sight. There. Baka unti-unti nang mawala ang sakit ng mga mata ko.

Maybe it kind of a combination of headache and eye-strain. Hindi naman ako nagbababad sa computer o cellphone. Siguro dahil lang sa pagod at init kahapon. Jet lag pa kasi ako sa byahe pero nakipaglakwatsa agad para makasama sa Danica. Fail nga lang iyong plano at ang ending, ako lang iyong nalasing.

I walked towards the coffee maker placed on the kitchen counter then proceeded in making myself a coffee. Sa hindi mabilang na beses at kapipikit ng isang mata, I reached towards the cupboard then checked for a box or medicine kit. S'werte at may nakita nga ako. While putting a table of aspirin on my palm, saktong ready na rin ang kape na ginawa ko.

Tumingala ako at isinubo ang tablet. Then I started munching it. Hmm, bitter.

Some think that this habit of mine is kinda weird. But I kinda have a thing of munching food or anything edible which is beyond in the comfort of other people's earbuds. Ang iba napapangiwi sa pait at asim, walang kaso iyon sa akin. I'd gladly take several bites and munched over it. Maybe because since then I was always told to take in everything that I'm offered. Hindi ako puweding tumutol, kung ano ang sitwasyon, o kung ano ang ibinigay sa akin, kailangan ko iyong lumukin at tanggapin nang buo. Kahit pa mapait na.

Kaya siguro para sa akin, mas sumasarap ang alak kalaunan.

But sometimes when you were fed up with all the controlling and imposing rules... you end up becoming a rebel. To simplify what I had done with my life, let a sentence encapsulate my deepest agony: I rebelled against the wrong enemies.

Hinawi ko ang blinds at tumayo sa harapan ng bintana. Matingkad ang sikat ng araw, buti at maaga pa. Dahil kung nasa puwesyo ako mismo ngayon at tanghaling tapat, sigurado akong mararamdaman ko ang mumunting hapdi ng sikat ng araw sa balat ko.

Keep Me CloserWhere stories live. Discover now