EPISODE 1 WHEN THEIR EYES MET

1.2K 17 0
                                    

Mansion ng mga De la Vega...

Magkaharap na nakaupo ang Mag-amang Marco at Philip De la Vega sa veranda ng kanilang mansion habang nagkakape ang daddy niya. Tahimik na pinagmasdan ni Marco ang kanyang Ama habang tumitingin sa malayo. Hindi halatang 50 years old na ito, dahil kung titingnan parang mas bata ang mukha nito kaysa sa original nitong edad. Matikas at gwapo pa rin ito at kayang paibigin ang sino mang babae. Ngunit alam niyang simula nang iniwanan sila ng kanyang ina ay hindi na ito muli pang nag-asawa.

" Marco," tawag nito sa kanya. "Ilang taon ka na, kailan ka ba mag aasawa?"

"Wala pa sa plano ko ang pag- aasawa dad.. Bakit ba atat na atat kayong mag asawa na ako?" Parang naiirita niyang sagot sa ama.

"Anak, matanda na ako. Kailan mo pa ba ako bibigyan ng apo? kung uugod-ugod na ako? O baka naman inaantay mo lang na mamatay ako bago ka mag asawa!" May himig nagtatampong sagot ni Philip sa anak.

" Dad, tingnan mo nga yang mga pananalita ninyo! Pag-aasawa ko ho yong pinag-uusapan natin. Hindi ito pagkain na iluluwa ko lang kung hindi angkop sa panlasa ko. Tsaka kayo nagturo sakin na hindi basta-basta magtitiwala sa mga babae." halata ang pagtitimpi sa sagot niya sa ama.

"Aba! Ilang taon kana Marco, Hanggang ngayon hindi ka pa rin nakatagpo ng katapat mo? Oo sinabi ko sayo na hindi agad-agad magtitiwala sa mga babae dahil ayokong mangyari sayo ang nangyari sa akin.. But My GOD, Marco, ano ka laging nakapikit? Wala ka man lang nagustuhan sa edad mo na yan?" Galit niyang tanong sa anak.

" Sinasabi ko na sa inyo dad, hayaan niyo na muna ako sa buhay ko. Ayaw ko pang mag asawa. Aalis na po ako." Mabilis siyang tumalikod sa ama ngunit nakailang hakbang palang siya palabas ng veranda, nang bigla siyang mapatigil sa sigaw nito sa kanya.

"Hmmmpppp, MARCO! wag mo akong ginagalit! sa ayaw at gusto mo magpapakasal ka! Bibigyan kita ng isang buwan para ipakilala mo sa akin ang babaeng mapapangasawa mo! dahil kung hindi ako ang hahanap para sa iyo!" Narinig niyang malakas na sigaw nito sa kanya.

Kuyom ang kamao, pinilit ni Marco na iwaksi sa isipan niya ang sinabi ng kanyang ama. Sinusubukan niyang huwag magalit sa pakikialam nito sa personal niyang buhay. Padabog niyang sinara ang pinto ng sasakyan at mabilis na pinaharurot ito.

"B-Bosss, Boss! dito pa ako Boss..."napakamot nalang sa ulo ang driver habang tinitingnan ang humarurot na papalayo ng sasakyan. "Bakit kasi ang bagal kong kumilos? Yan tuloy naiwanan ako." paninisi niya sa sarili.

SAMANTALA nakaupo si Katleah sa kanyang higaan ng marinig niya ang malakas na katok mula sa pintuan ng kanyang inuupahang silid.

Tok! Tok!

"KatLeah! Ano ka ba? Bingi? Buksan mo ang pinto! Kanina pa ako kumakatok!"

"Opo aling Rosa andyan na, teka lang, bubuksan na po."

"Hoy babae ka! ano ba ang nangyari sayo at ang tagal-tagal mong mag bukas ng pinto ha? May balak ka bang pag taguan ako?"sigaw ni Aling Rosa ng mabuksan na niya ang pinto.

"Bakit ko naman kayo pinagtataguan, Aling Rosa, wala naman akong kasalanan. Bakit po ba, may kailangan kayo?"

"Hah! magtatanong ka pa? Nakalimutan mo na ba!? Pangalawang buwan na ngayon, di ka pa rin nagbabayad ng renta mo sa bahay. Abah! hindi pwede yan, kung wala kang pambayad lumayas ka!"

"Naku po aling Rosa maawa naman po kayo sa akin, promise po itong darating na linggo magbabayad na ako para sa 2 months delay ko. Bigyan niyo pa ho ako ng kaunting palugit, makakasahod na ho ako ngayong darating na linggo."

"Ano? sa darating pa na linggo? Hindi pwede! Hindi na uubra sa akin ang mga paawa effect mo na yan, binigyan na kita ng dalawang buwan na palugit noong nakaraan, tapos hihingi ka pa ulit sa akin ng extension? Ano ka sinuswerte?"

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Where stories live. Discover now