Kabanata 5 - Ang Kanyang Pagtatangka

58 0 0
                                    

Kailangan niya ng maayos na plano para mapasang-ayon si Mr. Henderson sa mga kagustuhan niya. Mag-aalala ba ito patungkol sa kaniyang reputasyon? Makakaapekto ba ang isang iskandalo sa pagpapatakbo nito ng kaniyang mga negosyo? Bababa ba ang market valuation ng kaniyang kumpanya? Ay, wait. Maaapektuhan din ba ang kumpanya ng tatay niya? Bulk of her inheritance was tied to her dad's company. Isang corporation din iyon na kasalukuyang nasa management ni Klyde. Ah, bahala na nga.

Binuksan niya ang kanyang closet para pumili ng susuotin. Marami siyang sexy dresses doon. Pupuntahan niya si Klyde ngayong umaga upang kausapin tungkol sa kanyang apartment issue. Ilang araw na lang ay palalayasin na siya rito.

She picked up a tight-fitting dress. Should she whine in his face and show him her bountiful assets? Ay, wait. Ayaw niyang magmukhang cheap. Ibabalandra niya pa rin ang sarili pagpasok sa company building nito. Pumili siya ng blazer to go with the dress. Pwede naman niyang hubarin iyon kapag nakapasok na siya sa office ng binata. Let the fun games begin, nginitian niya ang sarili sa salamin as she envisioned how she'd look with the clothes she picked. Wag kalimutan ang heels.

Pagpasok niya sa opisina ng lalaki, nakita niyang abala si Klyde sa pagrereview ng mga kontrata. Tiniyak sa kanya ng kanilang corporate lawyer na walang negative clauses doon against their company, ngunit dahil panibagong kopya ito, gusto niyang tiyakin na walang nagbago mula nang huli niya iyong reviewhin. Ang isang linya ay maaaring naidagdag o nabago at iyon ay maaaring makapanira sa kanilang sitwasyon.

Ipinaalam sa kaniya ng kaniyang sekretarya ang pagdating ni Ms. Franklin ngunit hindi siya maabala sa ngayon. Bakit ba madalas pumunta dito ang babaeng ito? Halos araw-araw. Nang hindi niya ito tapunan ng tingin ay nagkusa itong bumunganga, inilahad sa kanya ang mga alalahanin nito. Medyo nakakarindi ang boses ng babae.

"Pumunta ako para pag-usapan yung tungkol sa apartment ko. Naibenta na pala ni dad yung mansion namin. Balak ko sanang bumalik doon kaso hindi na pala sa amin. Buong akala ko ay may pupuntahan pa 'ko, yun pala ay wala na. Ilang araw na lang ay papalayasin na 'ko nung landlord ko. Dalawang buwan iyong hindi ko nabayaran. Idamay mo pa na hindi pa rin ako bayad sa kotse ko. Wala akong ibang pupuntahan. Hahayaan mo lang ba na sa kalsada ako humantong? Hindi mo ba ako tutulungan, my dear legal guardian?"

Oh, ha. Ang dami niyang nasabi.

Huminga ng malalim si Klyde bago ibinaba ang kontrata. Ang babaeng ito ang personipikasyon ng salitang "nakakainis".

"Oh? Anong pakialam ko? Problema mo iyan, hindi sa akin. Di ba sabi ko sa'yo maghanap ka ng trabaho? Hindi ko pa natitingnan ang kabuuang ari-arian ng iyong ama. Ipapaalam ko sa iyo kapag tapos ko nang ireview."

Pinanlakihan siya ng mga mata ni Melissa. Hindi niya rin ito masisi. Abala na ang lalaki sa sarili niyang kumpanya at mas pinabigat pa dahil dinagdagan ng kaniyang ama. Still, paano naman ang problema niya? Kailangan niya ng pera at sa kanya lang niya iyon makukuha.

"Hindi ka talaga makapagbibigay kahit kunti lang? Mawawalan na 'ko ng bahay, hoy. Saan ka ba nakatira? Eh kung makitira na lang ako sa 'yo? Kuripot ka masyado. Guardian naman kita, di ba? Papalayasin na 'ko sa apartment, at ikaw lang ang maaari kong lapitan. Responsibilidad mo 'ko, di ba? Kung ayaw mo 'kong makitira sayo, eh di bigyan mo ko ng pambayad sa bahay."

Some of that is utter bullshit, she doesn't exactly know what his responsibilities are as her legal guardian. Pero ganoon din naman yun, di ba? Legal guardian, kahit pa of legal age na siya. Tagapamahala ng kanyang mana. Taga-manage ng kumpanyang iniwan ng ama.

Her dad probably thinks she can't take care of herself. Well, he's not wrong.

"Oh, eh di tumira ka sa bahay ko." Sagot ng binata na ikinabigla niya.

Hindi niya inaasan na ganoon ang magiging reaksyon nito. Sandali, wala naman iyon sa plano. Nabanggit lang niya dahil biglang sumulpot sa utak niya. Wait lang, mabilis siyang nag-isip kung paano iyon makakatulong sa kaniya.

"Mas gugustuhin mo pang sumiksik ako sa bahay mo kaysa bigyan ako ng pera? Wow, sobrang kuripot talaga." Pang-iinis pa niya.

"Saan pala ang bahay mo?" Iritableng tanong ng dalaga, pero mukhang mas madali niyang maiisagawa ang kaniyang plano kung may access siya sa kaniyang tirahan, hindi ba?

Klyde picked up the intercom at sinabi sa kaniyang sekretarya na ibigay kay Ms. Franklin ang kaniyang address at ang partikular na direksyon kung paano makararating doon. Nakakairita ang nakataas niyang kilay, daig pa ang babae. Para bang nanghahamon ito.

Nagkibit-balikat si Melissa at tinanggal ang kaniyang blazer. Muntik na niyang makalimutan. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa mesa ng lalaki. Natutuwa siyang makita ang pagkunot ng noo nito at kung paano bumaba ang tingin nito sa kabuuan ng kanyang katawan. Ngumiti siya ng nakakaakit.

"Sigurado ka bang ayos lang na tumira ako sa bahay mo? Baka maabala lang kita." Bahagya siyang napahinto. Saglit. Bakit nagtanong pa siya? Baka magbago pa isip niya! Ang tanga mo talaga, Melissa! Pangungutya niya sa sarili.

Sa kabutihang palad, ang kaniyang boses ay tunay na nakakaakit pakinggan. Yumuko siya sa lamesa nito at siniguradong makikita ng binata ang kaniyang cleavage. Malulusog ang kaniyang hinaharap. Ang palda ng kaniyang damit ay bahagyang tumaas sa kanyang mga hita nang iyuko niya ang kaniyang katawan.

Sa pagkakataong iyon ay mali na naman ang kaniyang kalkulasyon.

Si Klyde ay hindi umiiwas sa aktibong provocation. Na-appreciate niya ang tanawing nasa kaniyang harapan. Siya ay nagpakita ng munting ngiti at pinasadahan ng tingin ang kahabaan ng katawang naka-display sa kaniyang harapan. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang hubog ng balakang at dibdib nito. Halos kumawala ang mga iyon mula sa kaniyang damit. Hindi nagtagal ay napag-isip-isip niyang sinadya iyon ng dalaga.

"Are you trying to seduce me? Handa ka bang ituloy 'yan hanggang dulo?" Paghahamon niya, sabay taas ng isang kilay.

Napawi ang ngiti ni Melissa. Ano daw? Wait, ano ang ibig niyang sabihin doon?

Ituloy hanggang dulo? 

/wattpad/

Pag-akitWhere stories live. Discover now