Kabanata 48 - Pagtanggap

26 1 0
                                    

Nang malaman nilang walong linggo na siyang buntis, nagpasya din silang magpa-ultrasound na. Maaga pa para malaman nila ang kasarian ng sanggol, ngunit gustong marinig ni Klyde ang pagtibok ng puso nito. Napaawang ang mga labi ni Mel sa pagiging assertive nito sa pagre-request. Hindi man lang siya nito tinanong kung gusto niya. Fine, whatever.

She did notice his enthusiasm. Under the surface, that is. Sapat na ang lawak ng ngiti nito para malaman niya iyon. Bihirang ngumiti si Klyde at karaniwang maliliit na ngiti ang mga iyon. This time, malawak ang pagkakangiti nito. For a moment, she was mesmerized by how good he looks.

She would admit that he's really handling the situation better than she does. Sa halip na magalit ito at madismaya sa kaniya, tanggap nito ang sitwasyon. Mabuti na rin.

Sa kanilang pag-uwi, nakita nga ni Klyde na hindi siya masyadong masungit. Ganito siya kapag tanghali, ha? Halos neutral ang ekspresyon niya. She squints from time to time, but that was it.

"Saan mo gustong kumain?" Dahil nasa labas na rin lang sila, maaari silang mananghalian sa isang restaurant para maiba naman.

Pero kumunot ang noo ng dalaga nang marinig ang tanong niya. Nagkamali ba siya ng tanong? For some reason, nakaramdam siya ng kaunting kaba.

"Hindi ba ang dapat mong itanong ay kung ano ang gusto kong kainin?"

He coughed to clear his throat, "Anong gusto mong kainin?"

Hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon ng binata. She was ready for a biting comeback. She stared at him with a weird expression.

"Ano ang gusto mong kainin?" Pag-uulit nito at nanatiling malumanay ang tono. Klyde noticed how she visibly shivered.

"Brrr... Okay lang kahit ano. Chicken. Steak. Vegetables. You know... mga pagkaing sagana sa protein, vitamins and minerals?" Hinaplos niya ang kaliwang braso habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

Nag-iwas din ng tingin si Klyde, hindi sanay sa ganitong atmosphere sa pagitan nila. Nag-isip siya ng ilang minuto bago inutusan ang driver na magtungo sa isang restaurant. Nakita niyang tumango-tango si Mel. Kinindatan pa siya nito at nagpakita ng thumbs up. Gusto niya ang lugar, ha? He felt better seeing her with a brighter mood.

Sarap na sarap si Mel sa mga pagkaing inorder niya. Naglaan ng oras si Klyde para obserbahan siya.

"May cravings ka ba? Sabihin mo lang sa mga kasambahay kung ano ang gusto mong kainin at ipaghahanda ka nila."

Huminto si Mel at tumingin sa kanya habang ngumunguya. "Parang wala naman. Kinakain ko pa rin iyong mga karaniwan kong gustong kainin."

She chuckled when she saw him sigh in relief. The sound of her laugh made his lips quirk up.

"Kabawasan na iyon sa mga problema mo, no?" Pang-aasar niya sa binata.

"Hindi naman iyon problema, but I do feel better knowing na wala kang cravings."

"Ako rin."

Pagkatapos, ipinaalam niya kay Mel ang tungkol sa petsa ng kanilang kasal at ang ilang mga bagay na dapat nilang ihanda. Karamihan ay mga personal na dokumento na kailangan nila para irehistro ang kanilang kasal.

Huminga ng malalim si Mel. Hindi niya inaasahan na ganito kabilis ang pagpaplano nito. Pakiramdam niya ay malapit na itong maging katotohanan. Hindi siya sigurado kung ano ang nararamdaman. Napagpasyahan na niya ito. Tinanggap niya ang alok ng lalaki at ang mga kondisyon. Ngunit hindi iyon ang makapagpapasaya sa kaniya.

Nang makita ni Klyde ang malungkot na mukha nito, hindi siya mapakali. Ah, oo. Muntik na niyang makalimutan. Sa palagay niya ay dapat na niyang simulan na ligawan ito nang maayos. Kailangan niyang magkagusto rin ito sa kaniya. Kailangang mahulog rin ang loob nito sa kaniya.

Pag-akitWhere stories live. Discover now