Kabanata 26 - Nag-aalala

40 0 0
                                    

Maaaring mahina siya, ngunit kaya niyang makipaglaro rito. Hindi niya ito maitulak kaya humiga siya doon at inabot ang pagkalalaki nito. Hindi niya ito masisipa sa kaniyang posisyon, kaya maaari niya lamang gawin ang makakaya niya. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kahabaan nito, lubhang idiniin ang pag-ipit dito. Wala na siyang pakialam kung gaano kasakit iyon. Ang mahalaga ay makalayo siya sa lalaki at makaalis sa lugar nito. Napangiti siya nang lumayo ito sa kanya, napasigaw at napangiwi sa sakit. Minura pa siya nito kaya naman bumwelo siya para sipain ito. Kumalabog ang puso niya nang mamilipit ito sa sakit at nahiga sa sahig. Mabilis niyang hinablot ang kaniyang bag mula sa coffee table at dumiretso na sa pintuan. Dali-dali niyang inilabas ang kaniyang phone para magbook ng taksi. Ilang beses din siyang lumingon habang dire-diretsong tumatakbo palayo. Ilang kanto din ang nilampasan niya bago siya tumigil at naghintay ng masasakyan. Hinihingal na siya sa mga sandaling iyon at tagaktak na ng pawis. Nakakabwisit lang ang gabing ito. Sana naman ay hindi na siya habulin ni Randall.

Damn bastard. Napaka-peke! Hindi niya akalaing napaniwala siya nito. Manloloko! Akala niya ay magaling na siyang kumilatis ng tao, hindi pala. Hindi ka na talaga makasisiguro sa mundong ito. Maraming magagaling magpanggap. Damn good actors.

Napabuntong-hininga siya at gumaan ang pakiramdam nang sa wakas ay dumating na ang taksi. Ibinigay niya rito ang address ni Klyde bago sinubukang pakalmahin ang sarili sa backseat.

She smirked, in a disgusted way. Sinong mag-aakalang mas masama pa pala si Randall kumpara kay Cedric? At least si Cedric, lantaran ang ginagawa at hindi nagpapanggap.

Sa kabutihang palad, Biyernes noon at walang pasok ng weekend. Hindi niya alam kung paano kakaharapin si Randall sa trabaho pagdating ng Lunes. Bukas pa ang uwi ni Klyde. Napangiwi siya. Muntikan na talaga siyang mapahamak.

She only felt safe nang makarating siya sa kanyang silid. Staring at her phone, iniisip niya kung ano ang gagawin. Wala pa siya sa mood matulog. Ayaw niyang abalahin si Lily. Alam niyang kasama nito si Cedrik, with a K, ngayong gabi. Napangiti si Mel sa naisip. At least, matino ang isang iyon. Aprubado niya para sa kanyang kaibigan. Nakilala na niya ito at napakalaki ng pagkakaiba nito mula sa kanyang masamang kakambal.

Bumuntong-hininga siya bago nahiga sa kama. Medyo nagugutom siya. Nakaka-stress, eh. Nag-order siya ng fried chicken at pizza mula sa pinakamalapit na restaurant.

She blocked Randall's number and squinted. Mas mabuting iwasan niya ito sa opisina. Ugh. Bakit kasi nasa iisang departamento sila? Huh. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit hindi ka dapat makipag-date sa isang katrabaho. Kapag nangyari ang mga ganitong bagay, magiging magulo lang ang sitwasyon. Tiyak na mapapansin ng kanilang mga kasamahan kung lalayuan niya ito pagdating ng Lunes.

Ano nga ba ang dapat niyang gawin?

Isang linggo na lang ang kailangan niya para makuha ang reward mula kay Klyde. Napaawang ang labi niya habang nag-iisip ng mabuti. Hindi. Hindi pwedeng hindi niya makuha ang perang iyon. Titiisin niya ang susunod na linggo bago magbitiw sa kaniyang trabaho.

Nang mabalitaan ni Klyde na nakipag-date si Melissa, nagalit ito. Sinabihan na niya ito na hindi siya pumapayag ngunit nagpumilit pa rin itong pumunta. Hinintay pa talaga nito na makaalis siya. Ganoon ba nito kagustong makipag-date?

Wala na siya sa mood na makipag-usap tungkol sa negosyo at gusto na niyang bumalik agad. Ngunit iginiit ng kaniyang assitant na kailangan niyang dumalo sa meeting na iyon.

Dumiretso siya sa bahay nang matapos sila. Balak niyang parusahan ang dalaga dahil sa pagsuway nito sa kaniya. Hindi niya talaga gusto kapag sinusubukan ng iba na kuhain pa ang nasa kaniya na.

Nagtungo siya sa silid nito. Minsan nila-lock nito iyon, minsan naman ay hindi. Sinubukan niya ang door knob at pinihit iyon. Huminga siya ng malalim at inayos ang kaniyang tingin bago pumasok sa loob.

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon