Kabanata 49 - Apo

27 0 0
                                    

Saglit na tila nalito ang matanda bago nito tuluyang naintindihan ang sinabi ng apo. Bahagya itong natigilan habang pinagmamasdan silang dalawa.

"Nagpakasal kayong dalawa?"

"Yes." Sagot ni Klyde sabay tango.

"Bakit hindi ko alam ang tungkol dito? Bakit hindi mo ako inimbitahan?" Bakas sa tono nito ang pagkadismaya.

Napakagat labi si Mel sa narinig.

"Simpleng kasal lang ang gusto namin. Kilala kita. Alam kong ipipilit mong magkaroon kami ng isang engrandeng kasal, kaya inimbitahan ka na lang namin ngayong tapos na. Kinasal kami kaninang umaga."

Napatingin si Enrico sa magkahawak nilang mga kamay. Pareho silang may suot na singsing.

"Kaninang umaga?" Gusto niyang kumpirmahin.

"Yes. Welcome to the reception. Iilan lang ang mga bisita namin." He gestured towards the others at sa pagkakataong iyon ay tinignan silang mabuti ng matanda. Ang ilan sa kanila ay napapatingin sa kanilang direksyon paminsan-minsan. Si Lily, lalo na, dahil alam niya kung ano ang nangyayari.

"Nagpakasal kayo kaninang umaga?"

"Oo nga, Pops." Klyde's expression remained indifferent. In a way, he already expected the old man's reaction to be like this. She has to give it to him. Kaya niyang manatiling kalmado samantalang siya ay labis na ang kabang nadarama.

Napatingin ang matanda sa kanilang dalawa, nagpalipat-lipat mula kay Melissa papunta kay Klyde. Mukhang nahihiya pa ang dalaga.

"Pinilit ka lang ba ng lalaking ito? Tinakot ka ba niya para pakasalan siya?"

Napabuntong-hininga si Klyde sa direksyon na naisip ng kaniyang lolo. Saglit na natigilan si Mel bago ngumiti.

"Ay, hindi po. Napagkasunduan namin ito."

"Hmm, pero kahina-hinala kayo." Panay ang tingin niya sa dalawa.

"Noong huling beses kitang nakausap, ay sabi mo ay hindi ka interesado. Iginiit mo pang bata ka pa at hindi pa huli ang lahat." Pagpapaalala niya kay Klyde.

Pagkatapos ay humarap ito kay Mel, "Ganoon ka din noong huli tayong nagkita. It hasn't been long since then, right?"

Mel faked a cough bago sinulyapan si Klyde. I'm not gonna say it so you should, iyon ang sinisigaw ng expression niya patungo rito.

"Buntis si Mel, kaya nagdesisyon kaming magpakasal agad."

Pareho nilang pinagmasdan ang ekspresyon ng matanda na napalitan ng pagkagulat. Napaawang ang labi niya nang magsimula itong magmukhang nagulat, pagkatapos ay nasasabik. Halatang nagpipigil ito ng sarili.

"Anong sinabi mo?" Medyo nanginginig ang boses nito habang pinipigilan ang excitement. Isa pa, sa isip niya ay baka imahinasyon niya lang ang kaniyang narinig. Ang kanyang mga mata ay hindi maiwasang tumingin sa mesa, kung saan ang tiyan ni Mel ay natatago sa kanyang paningin.

"Nine weeks pa lang." Walang pakialam na sabi ni Klyde, habang si Mel ay nanatiling tikom ang bibig.

"Nine weeks? Ano yun? Mahigit dalawang buwan?"

"Yes."

Ang kanyang ekspresyon ay nagpakita ng wagas na pananabik at siya ay labis na nasisiyahan dahil sa balitang iyon.

"Buntis ka?" Itinanong niya mismo kay Mel, gusto pa ring makarinig ng isa pang kumpirmasyon.

"Opo."

"At kasal na kayong dalawa ngayon?"

Pag-akitWhere stories live. Discover now