Kabanata 22 - Ang Kanyang Lolo

41 0 0
                                    

Kinabukasan, inabangan ni Lily si Cedrik. Nang makita niya ito malapit sa elevators, agad niya itong nilapitan. For some reason, nagtataka siya na hindi pa niya nakikita man lang ang kakambal nito. Gayunpaman, sigurado siyang si Cedrik ang kaharap niya ngayon. Hindi iyong manloloko.

Pamilyar na siya sa kilos at ekspresyon ng mukha nito.

"Hi." Dali-dali niya itong binati.

Bahagya itong nagulat ng makita siya.

"Uh, hi." Nag-aalangan nitong sagot at halata sa mukha nito na hindi nito inaasahan ang paglapit niya.

Napansin niyang hinawakan nito ang tungki ng ilong at mas nakasigurado siya dahil doon. Nabanggit nito dati na nagsusuot siya ng salamin sa mata kapag nasa bahay lang siya.

"I'm sorry about yesterday. It was a misunderstanding." Diretso niyang sabi at agad na humingi ng tawad.

Nakakunot ang noo nito nang tuluyang tumingin sa kanya, tila humihingi ng paliwanag.

"Na-encounter ng kaibigan ko yung... uh, kakambal mo at akala niya ay ikaw yun. I mean, duda ako na ikaw yung tinutukoy niya pero nang ipakita ko sa kaniya yung litrato mo, kinumpirma niya na ikaw nga yun. Hindi ko naman alam na may kakambal ka pala. Ano, nambababae daw kasi yung isa pang Cedric, eh magkamukha kasi kayo. Ayun, sorry sa inasal ko kahapon."

Bakit ang dami niyang sinabi? Natatakot lang siya na hindi ito makinig sa kaniya. Or worse, magalit ito sa kaniya.

"I'm sorry." Pag-uulit niya nang hindi ito agad nagsalita.

Maraming tao ang nakapaligid sa kanila, pawang naghihintay makasakay ng elevator papunta sa kani-kanilang mga palapag. Nakapila sila at hindi pa sila ang susunod.

Tumikhim ito bago nagsalita. "Hindi ako malapit sa kakambal ko, dahil na rin sa magkaiba kami. Alam kong dito rin siya nagtatrabaho. Nakikita ko siya minsan pero hindi kami nag-uusap."

"Ganoon ba? Sabi ng kaibigan ko, mabait naman siya noong una, kaso malapit pala siya sa maraming babae. Narinig lang niya na may ilan itong nililigawan at mukhang nabanggit ang pangalan ko na isa sa mga iyon. Akala niya ay ako kaya sinabi nya sa akin para mag-ingat din ako."

Napangiwi si Cedrik, "Yeah, he's been like that. Hindi mo pa siya nakakasalamuha?"

"Hindi pa. Yung kaibigan ko lang."

"Mabuti naman. Kapag nakita mo siya, layuan mo agad. Don't be friendly with him. He can be really charming. Marami na siyang babaeng pinaiyak at sinaktan." He sounded envious and resentful. May habit ang kakambal niya na agawin ang mga nagiging girlfriend niya. Isa yun sa mga dahilan kung bakit naging malayo sila sa isa't isa. He doesn't want to have anything to do with that guy. Mabuti na rin na hindi sila nagkikita sa laki ng building na pinagtatrabahuhan nila. Ngayon, pakiramdam niya ay maaari silang magkita anumang oras.

"Bakit kasi magkapareho kayo ng pangalan na ginagamit? May second name ka naman, di ba? Bakit hindi yun ang gamitin mo?" Curious na tanong ni Lily. Hindi niya iyon makita sa social media accounts nito.

He grimaced before lightly shaking his head.

"Hindi mo ba sasabihin sa akin? Gusto kong malaman. Parang ayaw kitang tawaging Cedrik ngayon."

"Tatawagin mo ako gamit ang second name ko?"

"Why not? Para hindi rin malito ang mga tao sa inyong dalawa." Nagsisimula na silang mag-usap tulad ng dati. Ganito nila nagustuhan ang isa't isa. Medyo komportable silang kausapin ang isa't isa.

"Malvar." Inamin niya rin dito ang bagay na iyon at bahagya siyang natawa sa reaksyon nito.

"Masyadong makaluma, di ba?" Dagdag pa niya, nauunawaan ang nasa isip ng dalaga sa mga sandaling iyon.

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon