Kabanata 45 - Negosasyon

27 0 0
                                    

"Magpapakasal tayo."

Kinaumagahan, pagkatapos nilang mag-almusal, sinundan siya ni Mel papunta sa kanyang study. Ito ang sinabi niya pagkatapos nilang magkaharap sa couch.

Kagabi, hindi niya inaasahan na tuluyan itong makakatulog. Marahil ay dahil sa sobrang pag-aalala kaya ganoon ang naging reaksyon nito pagkatapos umamin sa kaniya. Hindi naman siya nagmamadali na makipag-diskusyon dito. Sa katunayan, mahabang oras din ang ginugol niya kagabi upang mag-isip.

Sa ngayon, ang kailangan nilang gawin ay magkasundo kung paano nila haharapin ang pagdating ng bata. Napatitig ang dalaga sa kanya nang marinig ang sinabi niya.

"Ha? Paano naging solusyon iyan? Hindi naman kailangan, di ba?" She's firm about this. Hindi nila kailangang magpakasal.

Kumunot ang noo ni Klyde. Sa una pa lang ay tumatanggi na agad ito. Well, hindi niya masasabing hindi niya inaasahan ang pagkontra ng babae. This is within his predictions.

Tinitigan niya ito ng malalim bago sumagot, "Hindi rin naman iyon ang gusto ko pero kapag nalaman ito ni Pops, tiyak na hihilingin niyang mangyari iyon."

Ayan na nga. Iyon ang pinakaligtas na paraan para kumbinsihin ito. Kagabi, nakipagdebate siya sa sarili kung paano niya iyon ilalatag. Nitong mga nakaraang buwan, mas naiintindihan niya ang pagkatao ng dalaga at kung paano ito mag-isip.

Hindi naman talaga galit si Melissa sa binata, naiinis lang siya kapag paminsan-minsan ay himahamak siya nito. Kahit pa may katotohanan ang mga sinasabi ng lalaki, masakit pa rin iyong marining.

As for Klyde, alam niyang hindi siya gusto ng babae. She doesn't exactly hate him, and she probably likes him enough to enjoy their nightly activities, pero mukhang hanggang doon lang iyon. She thinks of him as a bastard. Mukhang malabong suklian nito ang nararamdaman niya. Recently, madalas nitong ipaalala sa kaniya na matanda na siya, sinasabihan siya na hindi na siya bumabata... at patuloy pa rin itong nakikipag-date sa mga lalaking mas bata sa edad niya. Sa isang banda, napagtanto niya na iyon ang kanyang pinakamalaking kapintasan. He's much older than her. Bagama't wala itong reklamo or problema sa pang-aakit sa kanya at pagsisiping nila sa kama, malinaw na hindi siya nito nakikita bilang isang lalaking maaaring mapangasawa.

Nitong nakaraang buwan, mula nang malinawan siya sa kanyang nararamdaman, talagang nababahala siya sa tuwing lumalabas ito para makipag-date. Nagpapadala siya ng mga tao para subaybayan sila at tiyaking hindi siya lalabag sa napagkasunduan nila sa mga panahong iyon. Sa kabutihang palad, tinupad naman nito ang kanyang mga salita at hindi sumiping sa ibang lalaki. Napangiwi siya nang maalala kung paano niya ito tinanong kung kanya ang batang pinagbubuntis nito gayong obvious naman ang sagot. He clearly made her upset with that.

Gayunpaman, hindi pa rin favorable ang kaniyang posisyon. Ayaw nitong i-renew ang kanilang kasunduan. Kung hindi niya makumbinsi ang babae tungkol dito, hindi niya ito makokontrol, hindi siya makakapag-demand ng mga kondisyon. Maaari siyang iwan nito at sumama sa ibang lalaki. Iyon ang hindi niya matatanggap. Kailangan niya itong kumbinsihin na manatili sa tabi niya.

With this marriage ruse, pareho lang ang layunin niya roon. Make her stay with him. Tied to him. Unable to seek other men. To contain her activities. To ensure she's within his space of influence. It might sound overbearing, but that's just how he is.

Paraan na rin iyon para magawa niyang mapa-ibig ito. Unti-unti, kailangan nilang mapalapit sa isa't isa. Kailangan niyang ipakita rito na husband-material naman siya. He recalled the things she said she wanted in a man. He sighed as he resignedly admitted he would have to try. Hindi pwedeng basta na lang niya ipilit ang sarili dito.

"Well, hindi mo ba siya makukumbinsi? I don't think a marriage between us would work." Biglang saad ni Mel matapos ang ilang minutong katahimikan, which made him focus in the present.

Pag-akitHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin