Kabanata 67 - Pagkagambala

35 0 0
                                    

Mabilis siyang napalunok nang ibinaling ni Klyde ang tingin sa kanya. Gayunpaman, nanindigan si Mel. Wala siyang ginawang mali. Nagtaas pa siya ng kilay para hamunin ito.

Tahimik nitong hinawakan ang braso niya at dinala siya sa kaniyang maliit na opisina na nasa isang sulok ng café. May ilang customers sa loob ng cafe, kaya hindi angkop na doon niya harapin ang asawa. Nadaanan nila si Nessa na nagbabantay sa counter, medyo nag-aalala ito para sa kanyang boss.

"Klyde..." Panimula niya ngunit agad iyong naputol. Ibang klaseng déjà vu ang naramdaman niya.

"Gusto mo ba siya? Siya ba ang type mo?" His tone was sharp and accusatory, ngunit nang marinig niya ang mga salita nito, naalala niya ang isang katulad na sitwasyon kamakailan lamang.

Hindi siya agad nakaimik. Ibinuka niya ang kanyang bibig para magsalita ngunit hindi siya makabuo ng mga salita. Anong klaseng sitwasyon ito?

"Damn it, woman. Hindi ka ba kuntento sa akin? Ano pa bang kulang sa akin?" Ang ekspresyon nito ay isang bagay na hindi pa niya nakikita sa mukha nito kailanman, ngayon lang at pamilyar iyon sa kanya.

Nakaramdam siya ng sakit sa kaniyang puso. Ngayon lang niya napagtanto na nakakaramdam din pala ng insecurity ang lalaki. Naalala ni Mel na hindi pa nga pala siya sinasabi sa asawa ang mga salitang iyon, kahit maraming beses na nito iyong sinabi sa kaniya. Who knew that it worried him immensely?

"Sabihin mo sa akin." Nanginginig ang boses niya, at kahit nakakatakot ang titig niya, hindi nakaramdam ng takot si Mel.

Pero...

"You have a bad temper. Chill out. Kinausap ko lang naman siya dahil magkaklase kami noon at customer ko siya ngayon. Wala kaming ibang ginawa. May asawa na 'ko. Wala ka bang tiwala sa akin?"

This comeback effectively dissipated his anger and he looked at her with pursed lips.

"At saka, bawal ba akong magkaroon ng kaibigang lalaki? You barely acknowledged Lily." Inikot pa niya ang kaniyang mga mata upang ilabas ang kanyang mga hinaing.

Who knew na matigas rin pala ang ulo ni Klyde?

"Hindi ka pwedeng magkaroon ng mga kaibigang lalaki." Mariin nitong sinabi, halos manumbalik ang kaniyang galit.

Pinanlakihan niya ito ng mata, "Fine. Eh paano naman iyong mga kakilala ko? Syempre, may lalaki dun. Kagaya ng dati kong mga kaibigan at mga kaklase."

Huminga siya ng malalim bago sumang-ayon. "Oo na. Pero hindi ka pwedeng sumama sa kanila na kayo lang, lalo na in private."

Ngumuso si Mel. "Syempre naman. Ako pa ba?"

Napaawang ang labi ni Klyde. This conversation didn't go as he expected. Nang makita ni Mel ang kaniyang hitsura ay naging magaan ang pakiramdam niya. See? Madali lang paamuhin ang lalaking ito.

Ngumisi ang kanyang asawa bago hinawakan ang gilid ng kanyang mukha at hinila iyon pababa para gawaran siya ng halik. Niyakap niya ito ng mahigpit at pinalalim ang halik. He was really tempted to take her then and there.

"Umuwi na ba tayo? O magde-date talaga tayo?" Kontrolado pa ni Mel ang sariling pagnanasa, ngunit bahagya siyang hiningal. She couldn't imagine doing it with him in this tiny office and there are still customers outside.

"Pwede tayong mag-date sa loob ng kwarto natin." Walanghiyang sabi nito sa kaniya.

Ayos lang naman. Wala naman talaga silang nakaplanong date ngayon. They go on dates at least once a week. Medyo busy lang sila parehas sa ngayon.

Mas naging aware si Mel sa mga kilos nito at sa paraan nito ng pagtrato sa kanya. Kahit na ang paraan ng kanilang pag-iisa, masyado iyong matamis. May pagkatanga yata talaga siya dahil hindi niya agad napansin ang mga bagay na iyon. Well, kasalanan din naman ng lalaki. He was too cold at ilang beses siya nitong minaliit. She didn't dare to think na magugustuhan siya nito, to the point na ma-iinlove siya.

Pag-akitWhere stories live. Discover now