Kabanata 53 - Pagpapasaya sa Kanya

22 0 0
                                    

Naiinis na rin naman si Mel. Sino ba ang may gustong maging masungit sa lahat ng oras? Pinipilit niyang huwag magsungit pero iyon talaga ang inaakto niya. Naiinis siya sa di niya malamang dahilan. Hindi niya mapigilan ang kanyang reaksyon sa ilang mga bagay, lalo na pagdating kay Klyde.

Nang sumunod na linggo, nanatili siya sa bahay upang suriin ang sarili. Oras na para seryosong gawin ang iminungkahi ng doktor at isipin kung ano ang sanhi ng kaniyang pagka-irita.

Si Klyde naman, may mga ideya na siya, hindi lamang niya masigurado. Considering her mood during their honeymoon near the beach, malamang may kinalaman ito sa environment niya. Gaya ng sabi nito, medyo madilim ang dating ng bahay na tinitirahan nila ngayon. Maaaring isa ito sa mga bagay na nakakaapekto sa kanyang mood. Hindi makakabuti kung pipinturahang muli ang buong bahay, kaya inutusan na lamang niya ang mga kasambahay na palitan ang mga kurtina at anumang bagay na maaring palitan ng ibang kulay. Light colors para maaliwalas tingnan ang paligid at gumaan din ang pakiramdam ng buntis niyang misis.

Bagama't mas gusto ni Mel ang mansyon na malapit sa beach, hindi ito pupwede para sa kanya. Isa't kalahating oras ang biyahe mula sa kanyang kumpanya. Binili lamang niya iyon para maging bakasyunan, hindi aktwal na tirahan araw-araw. Just thinking about spending three hours on the road every weekday... it's already unappealing to him. Mag-iisip na lamang siya ng ibang pwedeng gawin para pasayahin ang kaniyang asawa.

Sa pagkakaroon ng mas maaliwalas na kulay sa bahay, hindi na masyadong masungit ang babae. Pero masungit pa rin ito. Only not as explosive as before the changes were made. Isa pa, naiimpluwensyahan din ng mood ni Melissa ang kaniyang sariling mood kaya kailangan niya talagang makahanap ng solusyon.

Balak sana niya itong dalhin sa beach tuwing katapusan ng linggo, ngunit nang magpakonsulta siya sa doktor, sinabi sa kanya na ang labis o madalas na pagbibiyahe ay maaaring makasama sa mga buntis. Considering it's almost a two-hour drive one-way, it may affect her pregnancy negatively. Maaari din itong maging sanhi ng miscarriage. Nang marinig niya iyon ay inalis niya agad ito sa kaniyang mga options. Tinanong niya kung okay lang ang minsanang paglabas upang mamasyal, marahil ay isa o dalawang beses sa isang linggo. Ayos lang naman daw iyon, basta huwag lang madalas o palagian. Mas makakabuti rin kung iiwasan ang pagbibiyahe nang malayo.

Huh, bigla niyang naisip ang sitwasyon ng mga empleyadong pumapasok pa rin sa trabaho limang araw sa isang linggo kahit na sila ay buntis. Karaniwang nagsisimula ang maternity leave sa ikawalo o ikasiyam na buwan ng kanilang pagbubuntis. He asked about that since he's curious.

"Well, iba-iba ang sitwasyon ng bawat babae. Ang iba ay mas komportable sa kanilang pagbubuntis at hindi nakakaranas ang anumang bagay. Mga kunting discomfort lang. Ang iba ay mas maayos ang kalusugan kumpara sa iba, so factor din iyon. Ang iba ay madaling kapitan ng sakit at komplikasyon. Hindi ko masasabi nang eksakto kung ano ang sitwasyon ng iyong asawa, binabanggit ko lang sa iyo ang mga posibilidad ng kung ano ang maaaring mangyari sa isang partikular na sitwasyon. Mga maaaring mangyari, maaari ring hindi."

Napabuntong-hininga si Klyde. Essentially, what he learned is that you can't know for sure how a pregnant women would react to certain situations. Iba-iba sila ng mararanasan. You think of one thing and they'll do the other. Napaka-unpredictable nila at sobrang sensitibo. Kailangan mong mag-ingat sa mga sasabihin mo, maging sa mga gagawin mo.

Ano na ang gagawin niya? Well, susubukan lang niyang ilabas ito. Iyon naman ang gusto ng asawa. Kung gagana iyon, mabuti. Kung hindi, baka mabaliw lang siya sa pag-iisip.

Hindi alam ni Mel kung matatawa siya o maiiyak. Pabalik-balik ang kanyang mga iniisip. Bago sila ikasal, she firmly believed that she should just make the best out of it. Napagpasyahan niya that she will commit to the marriage. Umaktong asawa ni Klyde at ina sa kanilang anak. Pero ngayon... she couldn't muster the same energy and conviction. Masama na naman ang pakiramdam niya sa kaniyang sitwasyon. Pinag-iisipan pa rin niya ang kanyang mga plano bago niya malaman na buntis siya. It really derailed her emotionally. Hindi siya handa. Sa ngayon, pakiramdam niya ay naliligaw na naman siya ng landas. Walang direksyon kung saan niya gustong tumungo at kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Nakakaramdam siya ng kaunting galit and a large dose of helplessness. Nakapanlulumo lang. Nagpatuloy pa ito ng ilang araw hanggang sa halos gabi-gabi na lang siyang umiiyak bago matulog.

Pag-akitWhere stories live. Discover now