Kabanata 62 - Kapanganakan

26 0 0
                                    

Dinagdagan pa talaga ng bwiset na iyon ang mga alalahanin niya. That damn bastard!

Para sa kanya, ang mga sinabi nito ay nagpapahiwatig ng dalawang bagay. Siguro tatlo. Hindi siya makasigurado.

Una, sa tingin nito ay ganoong klase ng babae ang matalik niyang kaibigan. Kung tutuusin ay pamilya na ang trato niya kay Lily. Hinding-hindi niya gagawin ang ganoong bagay. Ayaw ni Mel na pinagdududahan nito ang sarili niyang kaibigan, at kinamumuhian niya ang sarili dahil naapektuhan din siya. How could she doubt her? Masama iyon sa kalooban niya.

Ikalawa, madalas ba siyang nakaka-encounter ng mga ganoong babae? Para isipin nito na ganoon din ang kaibigan niya, madalas ba niya iyong nararanasan? Madalas ba siyang nilalapitan ng mga babae at inaakit? At ano ang ginagawa niya kapag nangyayari iyon? Nag-aalala na si Mel sa posibilidad na iyon at ngayon ay halos kumpirmahin ni Klyde ang bagay na iyon. Ilang babae ba ang nagpupumilit na makuha ang atensyon ng asawa niya?

Ikatlo, sinabi niya na susubukan niyang iwasan ang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. So that implies iniiwasan niya ang mga babaeng gumagawa noon at hindi sila nagtatagumpay sa kahit anong subok ang gawin nila? Pero lagi bang ganoon ang nangyayari? Hindi siya naaakit? Hindi siya natutukso? Hindi niya dinadala ang mga iyon kung saan and have his way with them?

Minsan ay hindi niya makontrol ang sarili niyang imahinasyon. He's not helping. Lalo pa siyang nag-aalala at nagiging insecure. He likes her? Eh ano ngayon?

It's a roller coaster of emotions pero galit pa rin dahil sa sinabi nito tungkol sa kaibigan. Wala siyang alam tungkol kay Lily at ganoon na lamang ang mga salita niya rito... Ugh. Si Mel mismo ang nakakaramdam ng pagka-insulto. Nasasaktan siya para sa kaibigan. Malapit niya iyong kaibigan! How dare he?

Dumiretso siya sa kwarto, sinara ang pinto at ni-lock iyon. Alam niyang may mga susi naman si Klyde kaya nagpunta siya sa banyo at ni-lock din iyon. Umupo siya at nagsimulang umiyak. That stupid idiot...

Naiinip na hinintay ni Klyde ang katulong na kumukuha ng mga susi. Napangiwi siya nang malamang inilock ni Mel ang pinto. Bihira niya iyong gawin. Mukhang galit na galit ito. Anyway, ang pinakamahalaga ngayon ay ang pakalmahin siya.

Nang iabot sa kanya ng maid ang susi ay agad niyang binuksan ang pinto. Sa loob-loob niya ay napamura siya at tiningnan ang mga susi na hawak niya habang naglalakad patungo sa banyo. Iyon lang ang lugar na maaari nitong pagtaguan.

Nang tumunog ang door knob ay pinandilatan iyon ni Mel bago tumayo. Inabot niya ang mga produkto na nakalagay sa counter ng banyo.

Pagbukas niya ng pinto ay halos matamaan ng bote ng shampoo si Klyde sa mukha. Itinaas niya ang isang braso para protektahan ang sarili.

"Mel..."

"Labas." Sigaw niya, saka isa-isang ibinato ang mga boteng naroon.

"Labas!" Pag-uulit nito sa matinis na boses.

His heart sank nang nang marinig ang basag nitong boses. Nakakadurog ng puso.

"Melissa, let me explain. I'm sorry. I didn't mean what I said." Damn, iyon na yata ang nagiging script niya kapag nag-aaway sila.

"Ang sabi ko, lumabas ka!" This time, natamaan niya ang mukha nito at napangiwi ang lalaki. Bahagya itong nasaktan.

He gritted his teeth at sapilitang pumasok upang malapitan ang asawa. Nanliit ang mga mata ni Mel nang makita siyang pumasok. Hinawakan niya ang anumang madadampot at ibinato iyon sa kanya. Damn it. Lumapit ito at natamaan ng kamay niya. Niyakap siya nito at ikinulong ang mga braso sa kaniyang tagiliran. Nagpumiglas siya pero mahina lang niyang nahampas ang likod nito. Ayaw niyang maging mahina sa harapan ng lalaki.

Pag-akitWhere stories live. Discover now