Kabanata 31 - Hindi Pagsang-ayon

37 0 0
                                    

Napabuntong-hininga si Klyde. "Wala kang matutunan kung ibibigay ko lang sa iyo ang mga solusyon. Bakit hindi mo simulang mag-aral kung ano ang mga prinsipyo at proseso sa pamamahala ng mga asset? Tingnan mo kung alin ang gusto mo. Karamihan sa mga financial institutions ay may ganoong klase ng serbisyo. Do your research. You can look at the big banks and trust fund companies. Kailangan mong malaman kung ano ang gagawin nila sa pera mo, what the guidelines are, how much earnings to expect... Dapat mo ring alamin how trustworthy they are, their track record, would they be responsible for any decrease in valuation... You have to check it all. In that way, you'll know what questions to ask when the economic situation changes. You should at least know what to expect."

Ugh. This man is insufferable. Gusto lang yata nito na pahirapan siya. Ganoon ba talaga kadami ang dapat niyang paghandaan?

"Ang pagtatrabaho mo sa opisina ay makakatulong upang maunawaan mo kung paano mag-operate ang isang negosyo. Bagama't limitado ang makikita mo roon, malamang ay maririnig mo rin ang mga problemang kinakaharap ng ibang departamento. Also, you graduated with a business course. Inaasahan kong kahit papaano ay pamilyar ka sa ma terminong ginagamit sa pamamahala ng negosyo."

Bumuntong-hininga si Mel at napiliting umayon sa mga sinabi nito. "Oo na. Naiintindihan ko. Susubukan kong aralin ulit lahat yan."

Sa pag-alis ng abogado ay nakasalubong nito ang lolo ni Klyde. Binati niya ang matanda na kakilala naman niya.

"May problema ba?", nag-aalalang tanong ni Enrico.

"Wala naman. Patungkol lang sa mana ni Ms. Franklin ang ipinunta ko dito. I needed an update mula sa kanilang dalawa. Mukhang maayos na ang pakikitungo nila sa isa't isa." Ngumiti ang lalaki at siniguro siya.

"Ms. Franklin? May kaugnayan ba kay William Franklin?"

"Yes, si Melissa na anak ni William. Klyde was appointed as her legal guardian and administrator of the estate until she's thirty."

"I see." Na-distract siya saglit. Si Melissa?

"Uuna na ako sayo, Enrico. May susunod pa akong lalakarin. It's a pleasure to meet you today."

"Ah, sige. Ikaw rin. Nagtatrabaho ka kahit weekend, ha?"

"Well, ganoon talaga. Sa muli nating pagkikita."

Nakakunot noo si Enrico nang pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan niyang may pinag-uusapan sina Melissa at Klyde sa sala.

"Oh, tingnan mo. Nandito na ang lolo mo." Si Melissa ang unang nakakita sa matanda at binati niya ito sa pamamagitan ng pagkaway.

She's sensible enough at naisip niyang bigyan ng privacy ang dalawa. Marahil ay may kailangan silang pag-usapan. Tumayo na siya para umalis.

"Anak ka ba ni William?" Hindi niya akalain na ang dalagang ito ay anak ng lalaking iyon. Nakalimutan niyang itanong ang apelyido nito noong nakaraang bumisita siya.

Medyo hindi natuwa si Mel sa tanong nito, na napansin niya.

"Ah, opo."

"Ilang taon ka na?"

"Twenty-four na po ako ngayon." Ngumiti siya. Mas magiging maayos ang pakiramdam niya kung hindi nila babanggitin ang kaniyang ama.

Napansin naman ni Mel ang pagkunot-noo ng matanda. At parang iba ang paraan ng pagtingin nito sa kanya. Hindi katulad noong nakaraan. Parang hindi ito natutuwang makita siya ulit.

Napasulyap siya kay Klyde na sumenyas sa kaniya. Pinapaalis na siya nito.

"Well, I'll excuse myself. May assignment pa kasi akong gagawin."

Pag-akitDonde viven las historias. Descúbrelo ahora