Kabanata 9 - Ang Kanilang Kasunduan

57 1 0
                                    

Hindi inosente si Melissa. Alam niyang baka may mangyari sa kanila ng binata kaya nagdahilan muna siya na mag-aayos lang ng ilang minuto bago siya nakipagkita sa study nito. Ginawa niyang presentable ulit ang sarili. Sinubukan niyang gawing mas kaakit-akit ang sarili, pero iyong hindi masyadong halata. Nakatira na sila ngayon sa iisang bahay. Walang dahilan para magsuot siya ng mga sexy na damit. Ang mga iyon ay karaniwang sinusuot lamang niya kapag nagba-bar-hopping.

Itinuro sa kanya ng isang kasambahay kung saan ang study ni Klyde. Kasalukuyang nakaupo ito at wari'y may ginagawa sa kanyang laptop. Halos katulad ng opisina nito ang layout ng study. Bahagyang nanuyo ang lalamunan ni Melissa nang maalala ang nangyari sa pagitan nila kanina.

Sa isip ay napailing siya. You need to get the upper hand in this discussion, paalala niya sa sarili.

"Maupo ka." Mas relaxed ang tono ng lalaki kumpara noong nasa opisina sila.

Okay, gusto niya ang kaibahang ito. Walang upuan sa harap ng desk ni Klyde kaya minabuti niyang umupo sa couch. Hinintay niya itong magsalita muli.

Kinuha ni Klyde ang dokumentong inihanda ng kanyang assistant at iniabot niya iyon sa dalaga.

Napataas ang isang kilay niya nang tanggapin iyon. Ano naman kaya ang palabas nito?

Napakunot ang noo ni Melissa at halos mapaubo nang mapagtanto kung anong uri ng dokumento iyon.

"Seryoso?" Medyo nainis siya. Akala niya ay ang kaniyang mana ang pag-uusapan nila. Hindi niya inaakalang mayroon itong ganitong klase ng kontrata. Okay, granted. Dapat rin nilang pag-usapan ang tungkol dito. Still, mas priority niya ang tungkol sa kaniyang mana.

He squinted at her habang nakakunot ang noo. Ang babae ang unang nanukso sa kaniya. Bakit parang galit ito ngayon?

Huminga ng malalim si Melissa para pakalmahin ang sarili. "Sige. Babasahin ko muna 'to."

"The great Mr. Klyde Henderson... bed partner, huh? Do you have one in your office? O ibig mo bang sabihin ay hanggang dito lang sa bahay mo? No office sex? Nothing off the bed? Hmm?" Usal niya habang ang kaniyang mga mata ay nakatutok sa unang pahina at sinusuri ang nilalaman nito.

His lip twitched. Ang daldal ng babaeng ito, halos wala namang kwenta ang mga sinasabi. Couldn't she figure it out using common sense? Naningkit ang mga mata niya. Noong mga araw na pinuntahan siya nito sa opisina ay nakakairita ang boses nito, pero ngayon ay hindi na masyado. Medyo malamyos pa nga ang tono ng dalaga. She's both amusing and annoying. Hmm, annoyingly amusing. Nakakainis na nakakatuwa.

But he must say, her words could derail his thoughts and direct it elsewhere. Office sex? Off the bed? Hindi ito direktang nakasaad sa kaniyang kontrata dahil ayaw niyang mag-iwan ng opening para sa media na maaaring magsulat ng mga artikulo tungkol sa kaniya, kung sakaling may makakita sa kaniya na may kasamang babae or ka-date sa labas. So, yes. He only engages with his bed partner in bed.

Maingat siya patungkol sa mga ginagawa niyang kababalaghan tuwing gabi. No strings. No feelings involved. No commitment. Just a contract. Karaniwan, ang kanyang assistant ang nagpapaliwanag ng kanyang expectations kapag nakapili na siya ng babae. Sinisigurado nito na tahimik na aalis ang babae kapag sinabihan itong tapos na ang kanilang ugnayan. Walang halong drama.

Gayunpaman, he couldn't do the same with Melissa, given the circumstances. Sa halip na ipaubaya niya sa assistant ang pag-aasikaso ay siya na mismo ang kakausap rito. Hindi naman siya bothered sa sasabihin ng ibang tao. What he told her were facts. Pareho silang nasa tamang edad at may kakayanang magdesisyon para sa kanilang mga sarili. He's not coercing her. She offered. No foul there.

Pero kailangan niya pa rin na mag-ingat. He can tell she's mischievous. He would risk it, though. Sigurado siyang mapapasunod naman niya ito sa mga gusto niya. The contract requires it. Wala pang babaeng nanlaban sa kaniya.

Pag-akitWhere stories live. Discover now