Kabanata 11 - Ang simula

59 0 0
                                    

Hindi na nag-abala si Melissa na suotin muli ang undies niya. Kung magpapatuloy sila sa kwarto ni Klyde, ano pang silbi na suotin niya ulit, di ba? Basta-basta na lang niya sinuot ang kaniyang blouse at shorts. Sinundan niya ang binata. Tatlong pinto sa kanan ang nadaan nila bago ito pumasok sa isang silid, probably his master bedroom. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang general aesthetic nito. Tipikal para sa isang bachelor.

"Where do you want me?" Tanong niya habang naglalakad papunta sa malaking kama nito. Ini-expect na niya na may demands din ito inside the bedroom, kagaya ng past lovers niya. Balewala naman sa kaniya iyon, hangga't kaya niyang gawin. Kahit naman siya ay paminsan-minsan ding humihiling.

Inalis ng lalaki ang damit nito bago humarap sa kanya, kaya naghubad na rin siya habang pinapanood nito. Naupo ito sa kama at tumango sa kaniya.

"Here."

Noon lang niya napansin na mas mataas ang kama nito kaysa sa nakasanayan niya. Well, matangkad ang lalaki. At siguro... para mas madali niyang bayuhin ang isang babae habang nakatayo siya sa sahig? Sumakit ang puson niya sa naisip at tumayo sa harapan ng lalaki. Pinaupo siya nito sa kaniyang tabi, bago ito tumayo at tumitig sa mga mata niya. Napataas na lang ang isang kilay ng dalaga.

"Can you use your mouth?" Parang hinahamon siya ng tono nito at inikot niya ang mga mata bago idinako ang tingin sa sandata nito. Damn, it's huge. Hindi na siya nagtataka kung bakit medyo nasaktan siya kanina.

Dinilaan niya ang labi bago hinawakan iyon. Naramdaman ni Melissa ang paghawak nito sa kaniyang ulo at ang bahagyang paghila sa kaniyang buhok.

Ang kanilang pagtatalik ay parehong magulo at lubhang kasiya-siya. Tinikman nito ang bawat parte ng kaniyang katawan. Ginalugad ang kaniyang kaibuturan. Binigyang pansin ang bawat sensitibong lugar. Pinagparausan siya mula sa iba't ibang mga anggulo at posisyon. Hindi lamang missionary ang alam nito. Gayunpaman, ginawa lamang nila ang lahat sa kama nito. Sabagay, unang gabi pa lang naman. Alam naman ni Melissa na hindi talaga literal ang nakasulat sa kontrata.

Inaasahan ni Melissa na marami na itong karanasan ngunit lubos pa sa kanyang inaasahan ang ipinakita ng binata. Siya ay lubhang nasiyahan sa resulta ng kanilang unang gabi. Kung mayroon siyang pera, malamang ay aalukin niya ito upang makipagtalik sa kaniya. Ganoon ito kagaling.

Sa kabuuan, ang kasunduan sa pagitan nila ay hindi na masama.

Nang magising siya ng madaling-araw, pareho silang nasa ilalim ng kumot. Pero syempre, walang yakapan na nangyari. May sapat na espasyo sa pagitan nila para hindi magkadikit ang kanilang mga katawan. Dahan-dahan niyang inunat ang pagod na katawan bago bumangon. Tapos na sila, di ba? Nagpasya siyang ipagpatuloy ang pagtulog sa sarili niyang silid.

Paggising niya sa umaga, ang una niyang ginawa ay i-check ang kanyang online banking account. Napaawang ang labi ni Melissa habang nakatitig sa maliit na halagang naroon.

Well, to be fair, baka tulog pa si Klyde. Dali-dali siyang naligo at lumabas upang mag-almusal. Dito naman siguro siya kumakain ng almusal, di ba?

Nang makita niya ito, wari niya ay galit ang ekspresyon sa mukha nito. Nagtaas siya ng isang kilay. Hindi siya magpapaapekto sa lalaking ito.

"Ano?" Medyo pasinghal niyang sabi.

"Sinong nagsabi sa 'yong umalis ka sa kwarto ko?"

Luminga-linga siya sa paligid at nakita niyang walang ibang tao sa kusina. Mabuti naman. Hindi man alam ng mga katulong kung sino siya, marahil ay inaakala ng mga ito na siya ang kasalukuyang babae at laruan ng amo nila. Malay ba niya kung anong iniisip nila kapag may iniuuwing babae si Klyde?

"Tapos na tayo, di ba? Nakatulog na tayo pareho." Umupo siya sa tapat nito at hinarap ang pananakot nito. He looks scary kapag galit ito pero mukhang immune na agad siya.

Pag-akitWhere stories live. Discover now