Kabanata 24 - Pahintulot

38 0 0
                                    

Well, hindi nakapagbigay sa kaniya ng maayos na sagot si Mel. Hindi siya naka-oo. Sinabi niya sa lalaki kung gaano kahigpit ang kaniyang guardian sa bahay. Binigyang-diin niya na hindi siya nagbibiro nang makita ang ekspresyon nito na hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Seryoso ako. May curfew ako. Kailangan kong umuwi ng maaga araw-araw."

Napaawang ang labi ni Randall. Hindi nito masabi kung nagsasabi siya ng totoo o hindi. Kung ito ang paraan niya ng pagtanggi, talaga namang kakaiba.

"Sabi mo guardian mo? Hindi mo magulang? Anong klaseng guardian ang nagbibigay ng curfew sa isang taong nasa tamang edad na, nagtatrabaho at kumikita ng sarili niyang pera?"

"Naku, sinabi mo pa. Well, hindi kasi ako naging responsable dati. Unang trabaho ko 'to. Mahigit isang taon akong walang ambag sa lipunan. Saka nagsasayang ako ng pera noon, bago ako natutong magtrabaho. I'm still under observation, kung kaya kong mamuhay mag-isa o hindi."

"Ha? Anong klaseng sitwasyon yan?"

Tumawa na lamang si Melissa. Hindi niya pwedeng sabihin ang totoo. At dahil nagsisinungaling siya, mas mabuti kung hindi siya masyadong magbibigay ng mga detalye.

"Maybe a quick dinner? O kaya naman, ipapaalam ko sa 'yo kapag nag-out of town yung guardian ko. Pwede akong mag-stay sa labas kapag wala siya." Gusto na niyang tapusin ang usapan.

"Ganoon ba? Sige. Sabihin mo sa akin kung kailan ka pwede." Ngumiti ang lalaki. Mukhang hindi naman pala talaga siya tinatanggihan ng dalaga. Kakaiba lang yata talaga ang sitwasyon nito.

Si Klyde ay binisita ng kaniyang lolo sa opisina. No wonder naging maayos ang pakikitungo nito kay Melissa. Pareho silang madaldal. Kagaya ni Mel ay dinetalye nito ang kanilang pagkikita noong araw na iyon at ang mga bagay na napag-usapan nila. Parehong-pareho sa tinuran ng dalaga. Hindi nga ito nagsisinungaling tungkol sa alok na binigay ng kaniyang lolo.

"Look, Pops. Sa ngayon, hindi ako interesado na makasal. Bata pa naman ako. Sampo o dalawampung taon mula ngayon, maaari pa rin akong makabuntis ng isang babae kung gugustuhin ko. Hindi pa huli ang lahat sa pagkakataong iyon."

Bumuntong-hininga ang matanda. "Dalawampung taon? Baka patay na ako niyan. Paano pa ako makikipaglaro ako sa aking mga apo kung nakabaon na ako sa ilalim ng lupa? Gusto mong bumalik ako bilang isang multo? Baka gusto mong multuhin kita? Walang kwenta kang bata."

Bumuntong hininga rin si Klyde at tumingin sa kaniyang lolo. "Tingnan mo nga iyang sarili mo, Pops. Ang lakas-lakas mo pa. Sigurado akong buhay ka pa sa susunod na tatlumpung taon."

Malusog ang matanda. Nakakagala pa rin ito at masiglang kumilos.

Bahagyang natahimik si Enrico. "Tatlumpung taon ka diyan? With you stressing me out, baka hindi ako umabot ng sampong taon. Bakit hindi kita bigyan ng ultimatum? Dalawang taon. Bibigyan kita ng dalawang taon. Kung hindi ka pa rin mag-aasawa sa panahon na iyon, piso lang ang iiwan kong mana sa iyo."

Kumunot ang noo ni Klyde habang nakatingin sa matanda. Hindi naman problema sa kaniya ang pera. Kahit hindi siya nito pamanahan ay okay lang. Walang bisa ang banta nito sa kaniya.

Mukhang na-realize din iyon ni Enrico dahil nagbago ang ekspresyon nito at napaisip ng malalim. Hinintay ni Klyde ang susunod niyang sasabihin.

"At anong uri ng pananakot ang uubra sa iyo? Gagawin ko pa rin iyon. Idagdag mo pa, tatanggihan kitang makita hanggang sa mag-asawa ka. Kahit malapit na akong mamatay, huwag kang magpapakita sa akin kung wala kang asawa at anak. Naiintindihan mo ba?"

Napaawang ang kaniyang labi nang makita ang mayabang na pagmumukha ng kaniyang lolo. Sa pagitan nilang dalawa, ang kaniyang lolo ang mas madalas na bumisita sa kaniya. Sa isang taon, dalawang beses o tatlong beses lang siyang bumibisita rito. Kapag pasko, sa kaarawan ng kaniyang lolo o kaya naman ay sa sarili niyang kaarawan.

Pag-akitWhere stories live. Discover now