Kabanata 38 - Hindi komportable

36 0 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at sa tuwing sinusubukan ni Mel na pihitin ang door knob sa study ni Klyde, naka-lock pa rin ito. She would pout but she never asked him directly. Tinanong niya ang mga kasambahay at natiyak naman niya na hindi ito nagdadala ng ibang babae roon.

She doesn't do it quietly. Sa tuwing susubukan niyang buksan ang pinto ay kinig na kinig ni Klyde ang pag-alog ng door knob. Alam rin nito na siya lamang ang gumagawa noon. Nang makalipas ang linggong iyon, muling nagdesisyon ang binata. It's not working anyway.

Makalipas ang ilang araw ay nakaugalian na iyon ni Mel. Sa tuwing pupunta siya sa kusina para kumuha ng kung anuman, susubukan niyang pihitin ang knob na iyon. Nagulat siya nang sa wakas ay bumukas rin iyon.

"Aba, himala." Ngumisi siya at nakaramdam ng pagkapilya. Ipinasok niya lamang ang kaniyang ulo sa loob ng pinto. Nang makita niya si Klyde sa nakagawian nitong puwesto, binati niya ito nang malakas, in a somewhat sing-song voice.

"Hello! Nakalimutan mo bang i-lock ang iyong pinto ngayong araw? Gusto mo bang i-lock ko ito para sa iyo?"

Nasasanay na siya ngayon sa tono ng boses ng dalaga. Binigyan niya ito ng maikling sulyap bago sumagot, "Keep it unlocked."

"Talaga?" Parang excited na tanong ng babae. "Pwede ba akong pumasok?"

Imbes na sumagot ay kinawayan lang siya nito gamit ang isang kamay.

"Ano bang pinagkakaabalahan mo nitong nakaraan? Bakit mo ni-lolock ang pinto mo?" Tanong niya habang tinatahak ang daan patungo sa sofa, her usual spot.

"Just an important project na kailangan kong tapusin." That lie smoothly rolled off his tongue.

"Ganoon ba? Akala ko ay ayaw mo na ako dito." She whined bago naupo sa kaniyang pwesto.

Napaawang ang labi niya sa pagiging childish nito. Ano nga ba ang nagustuhan niya sa brat na ito? Hindi pa rin siya nakakapagdesisyon kung ano ang gagawin niya sa babae.

He did his best to ignore her and Mel spent the next ten minutes just looking at him. Pagkatapos noon, kinuha niya ang kaniyang smartphone para magtingin-tingin ng videos.

Hindi nagtagal ay natapos rin ng binata ang kaniyang gawain at dahil abala si Melissa, malaya siyang tumitig. Nag-isip-isip siya. Kailangan nilang pag-usapan ang tungkol sa pag-renew ng kanilang kontrata. Isang buwan na lang ang natitira bago mag-expire iyon. Sa ngayon, talagang gusto niyang ipagpatuloy ang kanilang kasunduan at nais rin niyang magdagdag ng ilang mga kondisyon. Hindi niya papayagang patuloy na makipag-date ang babae sa ibang tao. Sobra niyang ikinakainis ang bagay na iyon.

Mukhang naramdaman ni Mel ang pagtitig niya kaya napatingin ito sa kaniya.

"What?" Nagtaas ito ng kilay, na napagtanto niyang normal na nitong reaksyon.

Sumandal siya sa kaniyang upuan at huminga ng malalim bago simulan ang usapan.

"May isang buwan na lang bago matapos ang ating kasunduan." Hindi niya ine-expect na ngingiti ang dalaga, pero ginawa nito iyon. Bahagya niyang ikinaalarma ang reaksyon nito.

"Alam ko." Hindi na ito nagsalita pa. Masayang sumang-ayon lang sa kaniya.

Tumigil siya sandali, sinisipat ang dalaga, bago nagpatuloy.

"I'm thinking of renewing it..." Nang sabihin niya ang mga salitang iyon, nakita niya itong umiling.

"Oh, no. We've had enough fun. May iba akong plano kapag natapos na natin iyon."

Well, shit. He inwardly cursed. Medyo nataranta rin siya, ngunit hindi niya iyon ipinahalata.

"Anong plano?" Hindi niya matandaan na may binanggit ito noon.

Pag-akitWhere stories live. Discover now