Kabanata 51 - Masigasig na Gabi

27 1 0
                                    

Gumanda ang mood ni Klyde matapos mahalikan ang asawa. Nagkaroon siya ng pag-asa. Mapusok siya nitong hinalikan pabalik kaya naman nag-eexpect siyang magiging maayos ang kanilang honeymoon. Sinusubukan niyang manatiling matiyaga ngunit ang kanyang pagnanasa para dito ay malapit nang umabot sa kaniyang limitasyon. Hindi na siya makapaghihintay pa ng mas matagal.

Ginising niya si Melissa makalipas ang ilang oras. Humingi ito ng ilang sandali upang makapagbihis at ihanda ang mga dadalahing gamit. Pinalabas siya nito ng kwarto. Nagsimula siyang mag-alala. Ayaw na naman ba nito na hinahawakan siya?

Pinagmasdan ni Melissa ang mga damit na iniimpake niya sa kanyang bag. Pagkatapos ay nagpalit siya ng isang pulang damit na halos kalahati lamang ng kanyang mga hita ang natatakpan. Ganoon din sa tapat ng kanyang dibdib. Pula rin ang kanyang suot na pang-ilalim, ngunit yari naman sa lace. She's feeling playful at the moment.

Halos mapamura si Klyde nang makita niya ang babae. Kinindatan pa siya nito bago ideklarang maaari na silang umalis. Sinundan niya ito na parang gamu-gamo sa apoy.

Nag-pose pa si Mel sa harap ng lalaki bago pumasok sa loob ng kotse, ibinibida ang kanyang sexy na damit. Sayang at hindi niya maisuot ang kanyang pulang sapatos. Medyo mataas kasi ang takong niyon.

Hindi mapigilan ni Mel na mapatawa nang makita ang ekspresyon niya. Oh, he's definitely hungry for something she can offer. Pumasok na siya at sumunod naman ito, mabilis siya nitong inilipat sa kaniyang kandungan. Nararamdaman niya ang mainit nitong mga kamay sa kanyang balat.

"Behave, mister. Tigilan mo na ang pangangapa sa katawan ko."

Napaungol sa frustration ang lalaki. Napakahirap ng ilang linggong dinanas niya, na hindi nahahawakan ang asawa. Damn, bakit nga ba higit sa isang oras ang biyahe papunta sa lugar na iyon? Kunting-kunti na lang ay bibigay na siya. Ipinulupot ni Mel ang mga braso sa kanyang leeg at inilahad ang katawan sa kanyang ibabaw. Gusto niya ang ginagawa nitong panunukso. Indikasyon iyon na gusto rin nitong may mangyari sa kanilang dalawa. Bahagyang napangiti ang babae. Tatagal pa kaya ang lalaking ito? Huminga ito ng malalim bago ipinulupot ang mga braso sa baywang niya. It took a lot of his control not to caress her soft body. Inaliw niya ang sarili sa pag-amoy ng pabango nito. Pinatong niya ang kaniyang baba sa ulo nito. Biglang naramdaman ni Mel na hindi siya komportable sa kaniyang posisyon kaya't inilipat niya ang kaniyang mga braso at niyakap na lamang ang kaliwang braso ng lalaki.

Nagsimulang makaramdam ng pagkainis si Klyde. Mukhang kalmado pa rin ang babae at hindi nababahala. Siya? He's burning with a need to possess her. Tiniis niya ang haba ng kanilang biyahe. Hindi siya naglakas loob na halikan ito. Kahit pa sabihing malaki ang pagnanasa niya rito, hindi niya ito maaaring angkinin sa loob ng kotse kung saan may ibang makakakita. Naalala niya iyong mga sasakyang may partition. Talagang pinag-iisipan na niya ngayon na bumili ng ganoon. It might prove useful in the future.

Nakatulog pa nga si Melissa, nakasandal sa katawan ng kaniyang asawa. Nang makarating sila sa lugar, medyo inaantok pa ito. He felt helpless and carefully carried her inside the house. Nagawa ni Mel na tumingin-tingin sa kanilang paligid habang bitbit siya nito.

"Bahay mo ba ito? O nirentahan mo lang?" Husky pa ang boses niya.

"Pag-aari ko ito." Although he calmed down a little, he still badly wants her.

"Talaga? Bakit hindi ka dito nakatira?"

"Mas gusto ko doon sa tinitirhan natin."

"Mas gusto ko ang isang ito."

Napatigil siya sa pahayag ng babae.

"Paano mo nasabi? Kakarating lang natin. Hindi ka pa nakaka-isang araw dito."

Pag-akitWhere stories live. Discover now