Kabanata 19 - Tagahanga

38 0 0
                                    

Damn, ang hirap. Sumbong niya kay Lily. Sa unang araw pa lang, nag-isip na siya agad kung hihinto ba siya. Hindi niya matandaan kung ilang beses iyon sumagi sa isip niya noong unang linggo. Tinawanan lamang siya ni Lily at sinabihang normal lang iyon.

"Ganun din ako nang magsimula ako sa trabaho. Huwag kang ma-stress. Malalampasan mo rin 'yan. It's not knowing exactly what to do that has you in jitters. Sigurado akong maraming tao ang nakakaranas niyan."

"Pero anong gagawin ko? Akala nila ngayon ay ang tanga-tanga ko. Hindi ko akalain na ganun karami yung ituturo sa 'kin. Hindi pa naman ako sanay mag-multi-task. Paano ka nakakasurvive tuwing month-end sa ganoon kadaming reports?" Mukhang pagod na pagod si Mel sa puntong iyon.

Lily made a face for her to see. "Shunga ka nga. Hindi mo naman gagawin lahat yun araw-araw, di ba? Focus ka lang sa daily tasks mo. Huwag mo munang problemahin yung month-end reports. Ituturo ulit yun sa 'yo. Sa katapusan, okay lang na magtanong ka ulit sa mga kasamahan mo. Kapag nasanay ka na, mani-mani na lang yan sa 'yo. Pagtatawanan mo na lang yung sarili mo ngayon. Ni hindi mo maisip kung saang parte ka nahirapan. It's a matter of practice, or in this case, experience. Pag nasanay ka na, kayang-kaya mo na 'yan."

"Naiintindihan ko naman yan. Ang concern ko ngayon, isang linggo na ang lumipas pero hindi ko pa rin matandaan ng maayos lahat ng dapat kong gawin. Naiirita na sa 'kin ang mga kasama ko sa trabaho. Anong gagawin ko?"

"I think masyado kang nag-aalala. Chill ka nga lang. Did you make notes? Ihanay mo yung mga tasks mo, tapos iprioritize mo kung alin ang uunahin mo. Pagsunud-sunurin mo sila. Melissa, saan na naman nagpunta ang utak mo? Ang simple lang ha? Umayos ka. May notebook ka ba diyan, simulan mo ngayon. Now na."

Natahimik bigla sa Melissa sa sinabi nito. Oo na. Mukhang natanga nga siya. Huminga siya ng malalim.

"Ayan, ganyan. Relax ka lang. Kalma lang, Mel. Hinga ka ulit ng malalim."

Sinunod niya naman iyon bago naglabas ng ballpen at maliit na notebook mula sa bag niya.

"Go, ilista mo. Gusto mo nang chips?" Pag-aalok nito habang nakangiti. Minsan talaga kahit anong simple lang ng problema, kapag masyado kang nag-aalala ay wala kang maisip na paraan para iresolba ang mga ito. Anyway, baguhan pa lang naman si Mel. It's understandable. She'll learn along the way.

Humagalpak siya ng tawa nang makita ang namumula nitong mukha.

"Okay lang yan, Mel. Ganyan talaga. First time mong mamroblema sa trabaho. Sa susunod, kumalma ka lang. Mas makakapag-isip ka ng maayos. Anyway, if you're feeling sorry towards your co-workers, manlibre ka na lang ng meryenda to show your appreciation dahil tinutulungan ka pa rin nila. Hoy, ipapaalala ko lang ulit sa 'yo. Yung gawain mo nung college, hindi yun pwede sa workplace. Alam mo naman kung magkano lang ang suswelduhin mo, di ba? Huwag kang gagastos ng sobrang laki kung ayaw mong malaman nila na sobrang yaman mo na. Pagdating sa opisina, simple tokens of gratitude are enough. Yung mumurahin lang. Pero kung maramihan at lahatan, normally pagkain ang ibinibigay. Bumili ka na lang ng pizza at soda. Mag-order ka thru an app tapos ipadeliver mo na lang sa office. Gawin mo sa afternoon break. After n'yo mag-lunch, banggitin mo sa kanila. Baka mamaya umorder pa sila ng sarili nilang pagkain, sayang naman. Syempre magpasalamat ka na din agad pag binaggit mo sa kanila. Tapos magpasalamat ka ulit kapag kakain na kayo. Ganun."

Hindi malaman ni Lily kung anong mararamdaman niya. Parang bata si Mel na tinuturuan niya kung paano makikipagkapwa sa mga katrabaho. Ibang-iba kasi talaga ang naging turingan nilang magkakaklase noong college. She was known as a rich kid and was treated as such. Hindi uubra iyon sa workplace.

Anyway, mukha namang interesado talaga itong magtrabaho kahit maliit lang ang kikitain niya roon.

"Mel..." Tawag niya rito. May idadagdag pa sana siya.

Pag-akitWhere stories live. Discover now