Kabanata 23 - Bagong Kasamahan

35 0 0
                                    

Ang daming mali, actually.

Bahagya siyang nakaramdam ng lamig, na napansin ng matandang lalaki.

Ni minsan ay hindi naisip ni Melissa na masangkot kay Klyde sa ganoong paraan. They just sleep together, which is fine with her. He's skilled and pleasures her in a way she never felt before. Pero ang makasal dito? Duda siya na kakayanin nilang magsama sa ganoong klase ng kasunduan. She believes both of them can only agree on short-term agreements. Pero yung pangmatagalan? Mukhang hindi.

Kung papayag ang lolo nito na maghiwalay rin sila makalipas ang ilang buwan, baka sakaling mapapayag pa siya. If that's all there is to it. Pero gusto din nito na bigyan niya ng anak si Klyde? That's difficult to decide on. Magbubuntis siya ng siyam na buwan at kung maghihiwalay sila ni Klyde ay mahihiwalay rin siya sa sariling anak. She's not that heartless. Dahil sa sarili niyang karanasan, alam niyang hindi niya iyon magagawa sa sarili niyang anak. Kahit na hindi maganda ang naging relasyon niya at ng kaniyang ama, alam niyang minahal nito nang husto ang kaniyang ina. Gusto niya ring maranasan iyon. Marahil ay hahanap siya ng lalaking hihigit pa sa kaniyang ama. Yung tipong hindi pababayaan ang anak nila kapag namatay siya.

Bukod sa mga nabanggit, may mga sarili rin siyang gusto. She wants to explore more in life. Kahit hindi niya pa alam kung ano ang gusto niyang gawin sa hinaharap. What she knows is she wants to travel and visit many places.

Gusto rin niyang maranasan na magkaroon ng ganoong klase ng relasyon, yung mas matatag pa. Isang lalaking magmamahal sa kanya at mamahalin rin siya. Yung lalaking maasahan niya at tatanggapin ang buong pagkatao niya, pati na mga kahinaan at kapalpakan na taglay niya. She's not exactly optimistic. Saan kaya siya makakatagpo ng ganoong klase ng lalaki?

Nagpatuloy siya sa pakikipag-kwentuhan sa matanda. Pinaghain sila ng meryenda sa kalagitnaan ng umaga. Sinubukan pa rin nitong kumbinsihin siya. He would stir the conversation one way, pagkatapos ay ibabalik niya rin sa puntong iyon. Itinaas din nito ang kaniyang alok. Ngayon ay isang bilyon na ito. Umawang ang labi niya. Napakalaking halaga ng pera, hindi niya akalaing ganoon kayaman ang lolo ni Klyde. Panigurado niya na kapag inalok nila ito sa kung sinumang babaeng matatagpuan nila sa lansangan ay agad na papayag iyon, hindi na magdadalawang-isip pa.

Doon na rin nagtanghalian si Enrico. Masayahin ito at laging nakangiti. Medyo nakakahawa. Mapagbiro din ito minsan. Still, talking with him for hours is tiring. Nasiyahan ang matanda sa pakikipagdaldalan sa kaniya. Gusto niya ang babae para sa kaniyang apo. Nang magpasya itong umuwi na kinahapunan ay dalawang bilyon na ang iniwan nitong alok sa kaniya. That's tempting...

Bumalik rin si Klyde kinabukasan at kinuwento agad ni Mel sa kaniya ang tungkol sa pagbisita ng kaniyang lolo, pati na rin ang kanilang mga napag-usapan.

Hindi ito natuwang malaman na nagpunta ang matanda sa bahay niya, at nakipagkwentuhan pa nga ito kay Melissa. Dire-diretso lang ang pagdaldal ni Melissa. May karamihan ang kanilang mga napag-usapan at biniro pa niya si Klyde. He sighed, in a way, inaasahan na niya na ganoon nga ang magiging reaksyon ng matanda kapag nakita si Melissa na nakatira sa pamamahay niya.

"I mean, dalawang bilyon din yung inalok niya. Nakaka-tempt, di ba?"

Nagkatitigan silang dalawa. He squinted at her with a frown and she smirked his way.

"Don't get any ideas." Turan ng binata sa kaniya.

Bahagya siyang natawa sa dismayadong expresyon nito. "Hmm, it was a very enticing idea, though."

Napalunok si Mel nang magsimula na itong maghubad sa harapan niya. They were in his study at katatapos lamang nitong magreply sa email ng isa nilang business partner gamit ang kaniyang laptop. Itinabi na niya iyon at sumandal sa gilid ng mesa habang hinuhubad ang kurbata, sando at inner shirt. Bumaba ang tingin niya para makitang inaalis na rin nito ang suot na sapatos.

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon