Kabanata 46 - Kasal

31 0 0
                                    

"Syempre hindi." Pag-amin niya ngunit hindi pa rin niya gusto ang sitwasyong iyon. Kailangan ba talaga niyang pumili? Siya o ang bata? It's like a no-brainer, but she was truly laying it out in her head. Hindi kasi niya maikakaila na ang bata ay hindi planado at hindi niya ginusto...

She's beginning to realize the differences in his and her beliefs. Sino ang mag-aakala na mas magiging dedikado ito kumpara sa kaniya? Well, there's his grandpa to think about. Which leads to another concern...

"Curious lang ako, kung pakakasalan kita at ipapanganak ko ang batang ito... ibibigay ba sa akin ng lolo mo ang dalawang bilyong binanggit niya noon?"

His lip twitched at seeing her sheepish look. Alam niyang kalahating biro, kalahating seryoso ang tanong na iyon. Well, itatanong niya kay Pops pero hindi niya sasabihin kay Mel ang magiging sagot nito. Sa isang banda, tingin niya ay dapat pa ring ibigay iyon ng matanda. Nangako ito.

Pero sa harap ni Mel ay nagkibit balikat lang siya. Medyo matagal na natahimik ang dalaga. Ano pa ba ang dapat nilang pag-usapan? Sinubukan niyang pag-isipan iyon ng mabuti.

"Magkakaroon naman ng yaya, tama ba?" Bigla niyang tanong.

"Ayaw mo bang alagaan ang bata nang mag-isa?"

She pursed her lips, "Ano bang alam ko sa pag-aalaga ng bata? Natatakot ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Baka kung ano pa ang mangyari. Mabuti na iyong may mag-aalaga sa kaniya na marunong talaga. Siyempre, magpapaturo ako kaya kailangan may karanasan siya. Aalagaan ko din naman ang bata sa paraang kaya ko."

Naunawaan ni Klyde ang punto niya. "Sige. Kukuha tayo ng yaya."

"When would you begin getting involved with the child?" Isa pang tanong niya.

"Aren't I already involved? Ako ang gumawa diyan."

Nagsimulang makaramdam ng inis si Mel. Siya ang gumawa? Siya lang mag-isa?

"Ang ibig kong sabihin, would you be spending time with him as a baby? Or as a toddler? Ilang oras ang ibibigay mo bilang isang ama? Dahil sinabi mong involved ka na, sasamahan mo ba ako na magpacheck-up sa doctor?"

Nang marinig niya ang pagbabago sa tono ng babae, napagtanto niyang tila mahalaga ito sa kanya.

"Oo naman, sasamahan kita. This may be something unexpected at this time, but it's something I can easily adapt to. Gaya ng sabi mo, hindi na ako bumabata. I might as well embrace the situation. Magkakaroon ako ng asawa at anak. Plano kong maging isang mabuting ama at asawa. Kung wala akong trabaho, I would definitely spend my free time with you and the kid. Does this answer your questions?"

"Mabuti naman. Mas mabuti kung tatandaan mo ang iyang mga sinabi mo." Nakaramdam siya ng inis sa hindi malamang dahilan.

Muli silang nagkatitigan. Napapadalas ang pagkakaroon nila ng katahimikan habang nag-uusap.

"Dito ba ako titira o bibigyan mo ako ng ibang lugar na pupuntahan?"

Sinamaan niya ito ng tingin at nagtanong pabalik, "Ano sa tingin mo?"

Napakagat labi si Mel. Bigla niyang naalala na tuloy nga lang pala ang pagiging bed partners nila. Napakamot siya sa may tenga niya.

"Ano nga ang mangyayari kapag nag-divorce tayo? Magbabayad ang instigator ng kalahating bilyon? Kung ako iyon, hindi ko makukuha ang kalahati ng yaman mo. Wait, ganoon din ba kapag ikaw ang nag-insist? Hindi mo makukuha ang kalahati ng yaman ko? May iba pa ba? Paano pala ang kustodiya ng bata? Kanino siya mapupunta?"

He was silent for a moment, sizing her up. She still brought this topic up? She couldn't let it go, could she?

"Bakit pakiramdam ko wala kang masyadong pakialam sa bata? You keep mentioning divorce. Ayaw mo bang buo ang pamilya ng bata?"

Pag-akitWhere stories live. Discover now