Kabanata 29 - Kaarawan Niya

31 0 0
                                    

Mabilis na nakapag-adjust si Melissa sa pagkakataong iyon. Ang kaniyang mga bagong katrabaho ay hindi kasing sosyal ng mga dati niyang katrabaho. Hindi rin sila gaanong maingay. Mas seryoso sila sa trabaho. Nag-uusap pa rin sila paminsan-minsan, ngunit malimit lamang iyon. Kapag may trabaho sila, tinututukan nilang tapusin ang mga ito bago maglaan ng oras para mag-relax. Gusto niya iyon, pero... medyo nakakatamad. Palagi na lamang ganoon at walang masyadong hamon. Sabagay, hindi naman siya palahanap ng hamon. Medyo boring lang kasi. Pero ito naman ang hanap niya, di ba? Hindi masyadong stress na trabaho. Nakakabagot nga lang.

Makalipas ang ilang linggo, pinag-isipan niya kung ano ang gagawin sa nalalapit niyang kaarawan. Natapat iyon sa araw na may trabaho siya, kaya hindi niya alam kung maiimbitahan niya si Lily at ang kasintahan nito. Malamang ay sa weekend na lamang sila magkikita.

Tinanong niya si Klyde kung gusto nitong makipag-date sa kanya, friendly date lang ba. Sa ngayon ay ayaw niya pang subukang muli dahil sa huli niyang karanasan.

Nakakunot ang noong nagtanong si Klyde, "Gusto mo pa ring makipag-date? You should focus on your career, lady. Bata ka pa naman."

"Uh-huh, says the older guy na hindi interesadong makipag-date. Sige na, friendly date lang naman. Birthday ko yun at gusto kong lumabas."

"Pwede ka namang lumabas kung gusto mo." Sagot nito, hindi nauunawaan kung ano talaga ang gusto niya.

"On my own? Ayaw ko nga." Hindi siya makapaniwala sa suggestion nito.

"May kaibigan ka naman, di ba? Bakit hindi mo sila imbitahin?"

"Bukod kay Lily, wala akong ibang kaibigan. Medyo napahiwalay ako sa kanila mula nung naka-graduate kami ng college. Marahil ay napagtanto nila na hindi ko sila matutulungan na makapasok sa mga trabahong gusto nila. Hindi na sila masyadong lumalapit sa 'kin. Akala siguro nila ay marami akong koneksyon. Meron naman, pero hindi ko ugaling mang-abala ng ibang tao. Saka hindi ko rin gusto iyong ganoong kalakaran. Mag-rerecommend ako? Ako na walang alam? Baka mapahiya lang ako. Si Melissa Franklin lang naman ako, hindi ako kagaya ni Klyde Henderson. Anyway, may pasok si Lily sa araw na iyon at malamang ay kasama niya ang boyfriend niya. Ayaw ko naman silang abalahin. Siguro sa weekend, pero syempre... hindi na yun yung mismong kaarawan ko."

Napabuntong-hininga si Klyde. Naparami na naman ang mga sinabi nito. Nagkatitigan sila, hinihimok siya nitong sumang-ayon as she wriggled her eyebrows and showed him her hopeful eyes.

"You realize it won't be good if people see us together, especially those with malicious intentions. They might dig into why we're together and it would go badly for both of us. I'm supposed to be your legal guardian. And even if that's not saying much, imagine how people would react if they get a hint that we're sleeping together."

Pinanlakihan siya ng mga mata ni Mel, "Do I care about those things? Wala akong pakialam sa iisipin ng ibang tao."

Kahit papaano ay napangiti ang binata, "You and me both. But the repercussions could involve my company and your dad's company. If revenues go down, investors would be concerned. Employees would be affected. We may or may not be able to maintain our reputation and image."

Umawang ang labi ng dalaga. Hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging epekto niyon sa kanilang negosyo.

"Totoo?"

Ibinaling ni Klyde ang atensyon sa ibang dokumento.

"Wait lang. Are you saying hindi mo man lang makokontrol ang media? Kung anong mga artikulo ang kanilang ilalabas na may kinalaman sayo? They would dare to offend you? I thought they normally seek out the people involved in a negative situation to confirm the facts? Maybe contain the situation or something?"

Pag-akitWhere stories live. Discover now