Kabanata 60 - Pagbawi

26 0 0
                                    

Pareho silang naghintay hanggang sa makaalis ang matanda sa kanilang tirahan.

Hindi alam ni Klyde kung ano ang sasabihin. Huwag muna iyong pansinin sa ngayon? Ibang bagay na lamang ang pag-usapan nila? As for Mel, she's leaning towards turning it into a joke and teasing him.

Ngunit sa sandaling ibuka niya ang kanyang bibig at lumingon sa asawa, hindi siya makaimik nang makita ang ekspresyon nito. She saw him hesitating with uncertainty but... well, siguro ay iyon ang nakita ng matanda. Bakas nga naman sa mukha nito ang pagmamahal habang nakatingin sa kanya. Bakit ngayon lang niya napansin? O namamalik-mata lang ba siya ngayon? Ipinulupot nito ang mga braso sa kaniyang bewang bago masuyong hinalikan ang kaniyang mukha hanggang sa ituon nito ang pansin sa kaniyang mga labi.

"Klyde..." Balak sana niya itong pagsabihan. Nasa may pintuan lang sila ng bahay. Maaari silang makita ng sinuman na mapapadaan. Sa huli ay tanging pangalan lamang nito ang kanyang nasambit habang patuloy siya nitong hinahalikan.

"Hindi ka pa ba napapagod? Umidlip ka muna." Iginiya siya nito papasok ng bahay at dinala sa kanyang silid. Kapag siya ay nagsusungit, mas pinipili niyang puntahan ang sarili niyang silid. Pero kung iisipin, ang kwarto ni Klyde ang maituturing na kwarto nilang mag-asawa.

Sa gilid ng kama, nilingon niya si Klyde. He still has that air of confidence about him, pero tama rin ang sinabi ng lolo nito. Umamo na ang ekspresyon niya at hindi na siya masyadong nakakatakot ngayon.

Hinaplos nito ang kaniyang mukha, pagkatapos ay ngumiti.

Ayaw ni Mel na komprontahin ito, ngunit gusto niyang makarinig ng kahit ano mula rito na maaaring magpatunay ng kaniyang hinala.

"Bakit kailangan mo akong tratuhin nang maayos?" Bigla niyang tanong, inaalala lahat ng ginawa nito para sa kanya.

"Dahil asawa kita." Hindi na niya pinag-isipan ang sagot niya. Sa tingin niya ay iyon ang pinakamabuting sabihin dahil totoo naman iyon. Sa ngayon ay ayaw pa niyang magpaliwanag.

Nakaramdam ng kirot ang puso niya. Hindi iyon ang gusto niyang marinig, pero ano pa nga ba ang aasahan niya mula sa lalaki? Natulala siya habang nag-iisip.

"Kung gayon, kung hindi kita pinakasalan, hindi mo ako tatratuhin ng ganito, tama ba?" Dahan-dahan niyang sinabi ang bagay na iyon.

Nagkaroon ng kalituhan sa isip ni Klyde. Anong klaseng tanong na naman ba itong ibinato sa kaniya ni Melissa? Kumunot ang noo niya at medyo nainis dahil sa sitwasyong tinanong nito.

"I hate to break it to you but there's no way you wouldn't have. We would've married no matter what. Kung hindi kita nakumbinsi, handa akong pilitin ka." This was the premise and the result has been implied. Ibig sabihin, he would've treated her the same way no matter what. Pero iba ang binigyang pansin ng babae.

Umawang ang labi niya. Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa pag-amin nito. It's not very romantic and reminiscent of his character, iyong tipo na determinadong makuha ang anumang gusto niya sa anumang paraan. Bumuntong-hininga siya, ayaw niya nang mag-isip at baka masaktan lamang niya ang sarili.

"Magpapahinga na ako." Pinaalis niya na ito at maingat na humiga.

Napangiwi si Klyde habang pinagmamasdan siya. Damn. Hindi niya sinasadyang sabihin ang mga iyon. He felt frustrated again. Naging maayos ang maghapon nila, siguro ay dapat inasahan na niyang may mangyayaring ganito. He left with a huff.

Napaluha si Mel nang malakas nitong isinara ang pinto. Galit na naman siya.

Nakangiti siya habang umiiyak. Well, malamang ay kasalanan niya. Dapat ay hindi na lamang siya nagsalita. Bakit pa kasi siya nagtanong ng ganoon? Ano ba ang inaasahan niyang sagot?

Pag-akitWhere stories live. Discover now