Chapter 6 The Proposal

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sabi ko nga tatahimik na." Umirap na lang ako at tumingin sa bintana. Sayang lang kasi ang laway ko sa kakasigaw sa lalaking ito.

Makaraan ang ilang minuto ay huminto kami sa isang resto. Wow first time kong makakapunta sa resto. Tamang tama gutom na gutom na ako.

"Eula, pakitawagan mo ako kapag nasa hotel ka na." Sabi niya sa asawa niya. Hala iiwan kaming dalawa? Paano ako?

Tiningnan ko si Eula at nagmakaawa look ako sa kanya. Takot kaya ako sa lalaking 'to kung manigaw daig pa ang terror teacher ko na si Miss Minchin.

"Yes sir. I'll go ahead." Sagot nito. Wait did she just say 'sir' ? Hihi boss pala akala ko asawa. Buti naman at wala pa itong asawa sayang ang kagwapuhan hindi siya bagay kay Eula.

Bumaba si Eula sumunod naman si Sungit. Ako kaya bababa? Kinidnap ako di ba malamang hindi ako bababa.

Paano na lang kung pilitin niya ako sa gusto niya? Waaah ayoko 'no. Baka mabuntis ako ang hirap ng buhay. Paano ang pamilya ko? Paano na ang kinabukasan ko? Paano na si Coco?

Oo, si Coco ang man of my dream. Itinakda kong kami ang magkakatuluyan at walang hahadlang sa aming dalawa.

"Baba." Grabe ha ang cold talaga ng lalaking ito. Sungit na nga hindi pa marunong magsmile. Nakabukas na pala ang kotse ng di ko alam.

"I said labas." Oh, yan na naman galit na naman wala talagang pasensya itong taong ito.

Bwisit talaga. Kung wala lang akong kasalanan sa kanya hindi ako susunod. Bumaba ako at sinara niya ang pinto.

"Follow me." Okay follow naman pala eh. Naglakad siya ng dire diretso sa resto binuksan ng guard ang glass door at ako naman nasa likod niya. Siyempre follow ko siya diba.

Naghanap siya ng table. In-assist naman siya ng waiter sa pinakasulok na pwesto. Todo ngiti ng mga waitress doon. Crush si Mr. Simangot. Umupo ito sa kaliwang upuan ako naman nakatayo pa rin.

"Sit." Edi sit. Parang aso lang.

Umupo ako sa harapan niya. Bale magkaharap kami at ngayon ko lang nakita ng malapitan para pag-aralan ang mukha niya. Grabe ang gwapo gwapo niya. He has a fair skin, messy hair na masarap hawakan, his pointed nose and damn that kissable firm lips. May hikaw din ito sa kaliwang tenga. Ayoko sa mga lalaking may hikaw ang yabang kasi ng dating pero bakit lalong nakadagdag sa appeal niya?

Ang nakuha ng atensyon ko ay ang mata niya. Oh my gosh, brown eyes. Parang nangungusap sa tuwing kaharap mo. Bibilugin ang mata niya kapag tinitigan ka siguro ng mga iyon hindi mo maiwasang kiligin.

"Stop staring." Sabi niya. My jaw dropped. Is it obvious?

"I'm not." Woah english yon.

"Yes you are."

"Psh." Ang sungit na ang yabang pa. Hindi ko man lang nakitang nakapag-order na siya. Mabuti na lang kasi wala akong alam sa mga pagkain ng mayayaman. Tumingin siya sa wrist watch niya at humarap sakin.

Sabi na eh! Yang matang 'yan nakakatunaw! Hay ano bang iniisip ko. Erase Rea hindi tama yan.

Drake's Pov

Hindi ko alam na ganito pala kakulit at kadaldal ang babaeng ito. Pero kailangan ko siya at alam kong magaling siyang umarte kaya siya ang napili ko.

Ngayon ko lang napansin na maganda talaga siya. Ang buhok niya ay nakapusod at may ilang hibla na nakatabing sa mukha niya. Walang make up kahit lip balm man lang. Natural na natural. Bilugin ang mata niya na ang itim ay parang uwak.

Lagi itong nakangiti, maganda ang ngipin. Katamtaman ang tangos ng ilong at mapupula ang labi. Medyo payat ito at morena. Marahil sa sikat ng araw dahil lagi siyang nakabilad. Nakasuot ito ng white blouse at maong pants na kupasin na. May butas nga sa tuhod na parang sinadya.

The Best Pretending RoleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon