Chapter 3; Amadeia Orleans

1.4K 72 3
                                    

"Agh!!!" Hiyaw nya nang binitawan ko ang baba nya.

Bakit ba ako nag sasayang ng oras sa babaeng to? Sakanila? Kung hindi nila ako gusto hindi ko din naman sila gusto. Ganun nalang, bakit kailan pa nila akong saktan? Bat kaya ganun?

Tumayo na ako at pinagpag ang kamay ko. "Sabihin mo sakin ang pangalan mo."

"Pri-Princess?" Bingi ba sya? Dapat ko pabang ulitin?

Sinamaan ko sya nang tingin. "Pa-Patricia po ang pangalan ko!"

Patricia. Bakit hindi ko maalala ang pangalan nya sa mga alaala ko?

Ang naaalala ko lang ay ang mga pangyayari, father mother brother ganun.

"Sabihin mo sakin Patricia ano ka sa buhay ko?"

Nanlaki ang mga mata nyang tiningala ako. "P-po?"

Bingi nga sya.

"A-ako ang nag alaga sa Princess Amadeia ma-magmula nang dumating sya sa palasyo."

Nag alaga.

Nag alaga? Eh gutay-gutay at sira-sira nga ang suot ko!

Ano naman kung puro ginto tong kwarto kong ang suot ko ang dumi?!

"Sabihin mo, hanggang kailan mo ako ilukulong rito?" Ayon sa babaeng to, hindi ako pwedeng lumabas ng kwartong to.

Pero hindi na ngayon, ako ang masusunod.
"Hindi mo na kailangang sumagot. Magmula ngayon Ikaw lang Patricia ang pwedeng pumasok at lumabas sa kwarto ko." Ito na ang pasya ko.

Wala namang pakinabang ang mga maid nato sa totoo lang. Tignan mo nga ang mga suot nila, sakanila yata napuounta ang mga halaga nang gold sa kwarto ko eh.

Ngayon, kung iisipin mo. Dapat may mga alahas ako eh. Hhmm.

Kumikislap-kislap pa nga.

Narinig ko ang mga pagsinghap ng mga maid.

"Princess!! Hindi mo maaaring gawin yon!" Angal pa nang Isa sakanila.

Matapang sya.

Pinagkross ko ang mga braso at tinignan sila. Sino ba sila sa akala nila? Commoner sila, noble ako. I am a Princess while they are just a bunch of commoner. How dare they utter those imbecile words infront of me.

Sya naman ang nilapitan ko at tinulak ko sya, yong mahina lang. "At bakit naman?"

"Princess!!!" Matapang nga.

Nginisihan ko sya at tinulak ko sya ulit na para bang nang hahamon ng away. "Kayo na ba ang masusunod?"

Bumukas ang bibig nya at lumabas ang mga walang saysay na mga salita. "Wala kang karapatan na suwayin ang mga sinasabi namin! Sa amin pinagkatiwala ang buhay mo!! Kaya dapat nga magpasalamat ka pa samin!!"

(Sfx; Fackkkkk!!!)

Lumipad ang mukha nya pakanan sa lakas ng sampal ko. "Kayo ang magpasalamat ng sa akin ay may kakainin kayo, may tutuluyan kayo, at nakatuntong kayo sa palasyo."

(Sfx; Fackkkk!!!)

Sinampal ko sya muli dahil bakit naman hindi? Maaga pa oh! Anong oras na ba? Tignan mo, 5;46 am pa.

Maaga pa nga.

"Pinagkatiwala ang buhay ko? Ha? Nagpapatawa ka ba? Ginawa nyo lang namang miserable ang buhay ko." Hinawakan ko ang mukha nya na para bang papel na gustong wasakin, sirain. Nanggigigil ako.

No Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon